Nakapasa si Kairan Quazi sa aniya ay technically challenging and fun interview process sa SpaceX.
Magtatrabaho siya simula July 2023 bilang process engineer sa kumpanyang pag-aari ng Twitter owner na si Elon Musk.
Residente siya ng Pleasanton, California.
Ang pambihira kay Kairan ay 14 years old pa lang siya.
Aniya sa kanyang LinkedIn post noong June 8, 2023, “I will be joining the coolest company on the planet as a software engineer on the Starlink engineering team.
“One of the rare companies that did not use my age as an arbitrary and outdated proxy for maturity and ability.”
READ Meet Brian Jansen Vallejo, ang math wizard ng Ilocos Norte

Ang Starlink ang satellite internet service ng SpaceX, at nagsimula na ang operasyon noong January sa Nigeria.
READ Cebu Pacific ipinaliwanag ang mga dahilan sa nakansela at naantalang biyahe
YOUNGEST ENGINEERING GRADUATE
Nagtapos si Kairan noong June 10 sa Santa Clara University school of engineering.
Siya ang pinakabatang graduate ng engineering sa naturang university.
Lilipat na siya kasama ang ina sa Redmond, Washington, once nag-start na siyang magtrabaho sa SpaceX.

READ VIRAL: Estudyanteng nagyapak sa graduation dahil ipinahiram ang sapatos sa ina
Nagsimula ang pambihirang journey ni Kairan noong two years old pa lang siya, kung kailan nakapagsasalita na siya sa kumpletong pangungusap.
Pagtuntong niya sa kindergarten, ikinukuwento niya sa mga kaklase at teachers ang mga balitang napapakinggan niya sa radyo.
Nabagot naman siya sa kanyang mga pinag-aaralan noong nasa third grade sa edad na siyam.
Sa tulong ng kanyang parents, nakapag-enroll siya sa isang community college sa California.
Na-enjoy ni Kairan ang college dahil naramdaman niyang angkop ang level ng intelligence niya sa pinag-aaralan.
Noong 2018, nakakuha siya sa 99.9th percentile sa isang IQ test.
Makalipas ang ilang buwan, natanggap siya para sa internship bilang AI (artificial intelligence) research co-op fellow sa Intel Labs.
READ Nursing graduates na bagsak sa board exam, planong i-hire ng gobyerno
HINDI NA-MISS ANG CHILDHOOD
Nang sumapit sa edad na 11, nag-transfer na si Kairan sa Santa Clara University para mag-aral ng computer science at engineering.
Naging machine learning intern din siya sa loob ng apat na buwan noong 2022 sa cyber intelligence firm na Blackbird.AI.
Tumulong siya sa pagdidisenyo ng “anomaly detection statistical learning pipeline” para ma-detect kung ang social media content ay minanipula.
READ VIRAL: Jeepney driver, nakipagsagutan sa pasahero dahil walang panukli sa PHP500

Sa panayam sa kanya ng ABC7 News, sinabi ni Kairan na, “I think there’s a conventional mindset that I’m missing out on childhood, but I don’t think that’s true.
“I think, again, that mindset would have me graduating middle school now.”
READ What you should know about personal data of dead Facebook users
LAGING REJECTED ANG JOB APPLICATION
Ani Kairan, gusto niya ang trabaho na laging humaharap sa mga challenging issues at nakapaghahatid ng mga radikal na innovation para sa ikabubuti ng lahat.
Bago naman siya na-hire ng SpaceX, sinabi niya na nag-apply siya sa 98 trabaho.
Tatlo ang nagbigay ng offer sa kanya.
Pinili niya ang SpaceX dahil hindi aniya ginamit ng kumpanya ang kanyang edad bilang outdated proxy for maturity.
READ Libro ibinalik sa library after 43 years; PHP17K na ang multa
Aniya, nare-reject agad siya ilang oras lang matapos makita ng recruiters sa Zoom interviews.
“I never even got to meet the hiring managers at these 95 companies.
“All three offers were from companies where the leadership values matched the talent acquisition process. Nobody winced at my age."
Hindi kailangan ng SpaceX ng special permission para i-hire si Kairan dahil nasa minimum legal age na siya para magtrabaho batay sa Washington state labor laws.
Hindi pa niya nakikita nang personal si Elon Musk.
Aniya, “But I think his hiring philosophy is infused in the entire talent acquisition process."
Bukod sa paglalaro ng computer games at pagbabasa, mahilig din si Kairan na mag-travel.
Read also: Plantita, may kakaibang gardening hack para "buhayin" ang tuyong halaman
