Hawak ngayon ni Christian Roberto López Rodríguez ang Guinness World Record para sa pinakamabilis na pagtakbo sa 100-meter dash habang nakasuot ng high heels.
Suot ang stilettos na 2.76-inch heels, natakbo niya ang 100 metro sa loob lang 12.82 seconds.
Itinuturing na “serial world record-breaker” ang 34 years old na si Christian na nagmula sa Spain.
Ito na ang kanyang 57th Guinness World Record (GNR).
Ang panibagong record ni Christian ay ibinahagi ng GNR sa official Instagram page nito last June 23, 2023.
READ Concept shot ng artist sa Mt. Mayon at PHP100 bill, nakakabilib!

READ I.T. engineer, nag-resign sa trabaho para magtinda ng siomai; benta per day ay PHP5K
Kung tutuusin, ang naitalang oras ni Christian ay mas mabagal pa ng 3.24 seconds kumpara sa hawak na 100-meter sprint world record ng Jamaican runner and eight-time Olympic gold-medal winner na si Usain Bolt.
Pero hindi nakasuot ng high heels si Usain sa kumpetisyon.
Sa panayam ng GNR matapos ang official clocking, sinabi ni Christian na, “The preparation was very exhaustive and specific.
“I find it very challenging to be able to run in high heels at high speed.”
Kuwento pa niya, “In Spain, there are races like this, and they have always gone well for me.”
READ TRENDING: Sapakan ng may-ari ng Facebook at ng Twitter, ikinakasa
Dahil sa kanyang bagong record, nabura ni Christian ang old record ni André Ortolf ng Germany, na noong 2019 ay naitala ang 14.02 seconds sa parehong kategorya.
Kabilang naman sa iba pang world records ni Christian ang mahabang oras ng pagbabalanse ng iba’t ibang bagay sa kanyang baba—kabilang ang bisikleta.
Bukod naman sa pagtakbo nang naka-high heels, hawak din niya ang iba pang titles para sa 100-meter sprint.
READ Meet Kairan Quazi, ang 14-year-old na software engineer

READ Lotto winners na dalawang retirees, iingatan ang milyones
Ilan dito ang pagtakbo niya nang may takip sa mga mata, nakasuot sa sako, nakasuot ng clogs.
Hawak din niya ang pinakamabilis sa 100-meter sprint na tinakbo naman niya nang patalikod.
Isang Type 1 diabetic, may malalim na rason si Christian kaya sinubukan niyang makapagtala ng bagong record sa pagtakbo nang nakasuot ng high heels.
It ay para ipakita sa mga taong may taglay na karamdaman na kaya nilang makagawa ng maraming bagay o higit pa sa mga nagagawa ng mga taong malulusog ang katawan.
READ Estudyanteng mahusay sa paggawa ng reels, puwedeng manalo ng PHP12K
