Bida sa kuwento ng pasaherong si Ronald Gem Celestial ang lady rider na si Raziel Fuentes.
Ayon sa viral post ng binata sa kanyang Twitter account na @ronaldgem, first time niyang ma-experience na babae ang magda-drive ng motor na sasakyan niya.
(https://www.facebook.com/psngayondigital/posts/pfbid0RE4MGAoVY1meMFEZZiRPrVWF6haf1twZbsu3tvKPGR2r9V6LFFxBzLYreKkTopMjl)
Bungad niyang kuwento, “Pagbaba ko ng bus sa Magallanes galing Los Baños, nag-book agad ako ng Angkas papunta sa appointment ko somewhere in Makati."
Nang makitang babae ang driver, wala naman siyang agam-agam, at hindi niya kinansela ang ride.
“Sa ilang taon kong pag-Angkas, first time kong maka-book ng babaeng rider.
“Pagdating ni Ate, bumati agad siya, at nakakagaan ng mood ang pagbati niya.
“Napaka-maalalay din niya sa pagpapasakay sa akin sa motor niya,” dagdag ng binata.
Read: Natunton na! Turistang nag-ukit ng names sa Colosseum, nagmakaawa sa Italian authorities
5-STAR RATING FOR RAZIEL
Naging matiwasay ang biyahe ni Ronald.
Nabanggit din niyang sa una pa lang, pleasant na ang dating sa kanya ni Ate Raziel, kaya hindi siya nag-dalawang-isip na bigyan ito ng five-star rating.
Ito ang pinakamataas na puwedeng maibigay ng customer sa isang rider tanda na satisfied at happy siya sa serbisyo nito.
“’Pag-abot ko ng bayad, sabi ko, sa kanya na yung sukli, pandagdag niya sa kinita niya sa araw na yun.
“Binigyan ko rin siya ng five stars kasi maayos naman yung biyahe, lalo na si Ate."
Ang gesture na ito ng pasahero ay malaking bagay para sa rider.
“Pero nagulat ako kung bakit tuwang-tuwa siya na binigyan ko siya ng 5 stars. Yun pala, hindi raw siya nakakatanggap masyado ng 5 stars kasi babae siya.
“Unfortunately, there are still a few passengers who have biases against female riders."
Sa isang mensahe kay Ronald, sinabi ni Raziel na experienced na siya bilang motorcycle driver dahil two years na niya itong ginagawa, pero hindi pa rin daw totally naaalis ang diskriminasyon sa mga babae sa kanyang napiling line of job.

SALUTE TO FEMALE RIDERS
Ang tweet ni Ronald ay nagbigay-daan para marinig ang boses ng mga babaeng riders.
Komento ng isang netizen, “Nakakalungkot lang dahil may mga bias pa rin na dahil babae (ay) makakansel ang bookings.
“I salute women like Ate Raziel na tinitiis ang init ng araw para mairaos ang pamilya niya araw-araw.”
Kaya tuwang-tuwa si Raziel, at pinadalhan niya ng mensahe thru SMS matapos mabasa ang thread at positibong reaksiyon sa tweet ng pasahero.
Mensahe ng lady rider, “Hi sir! Good morning. Nabasa ko po post nyo sa akin at sa mga positive comments.
“Natuwa din po family ko, as a lady biker madalas pong ma-cancelled ng booking siguro dahil sa babae ako.
“Pero 100% sure na secured po kayo sa akin.”

Paalala rin ito sa lahat na anumang good gesture—maliit o malaki—ay malayo ang mararating, at magandang simula tungo sa pagbabago.