PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Canadian vlogger, pinarangalan

Siya si Kulas.
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Jul 11, 2023
douglas jennerman award
Taong 2015 ay gumawa ng vlog ang Canadian at Philippine-based vlogger na si Douglas "Kulas" Jennerman kung saan natulog siya sa sahig sa isang wet market sa Maramag, Bukidnon, para patunayang ito ay malinis. After eight years, ginawaran siya ng recognition.
PHOTO/S: Facebook (BecomingFilipino)

Pinarangalan ng lokal na pamahalaan ng Maramag, Bukidnon, ang kilalang vlogger na si Douglas “Kulas” Jennerman dahil sa pagtulog nito sa sahig sa wet market ng bayan noong 2015.

Si Kulas ay Canadian-born at Philippine-based vlogger.

Ang viral photo na ipi-nost ni Kulas sa kanyang social media accounts na Becoming Filipino ay naging daan upang lumago ang turismo sa Maramag.

Ipinost ito noon pang September 2015 at inulit muling i-feature sa kanyang Youtube vlog noong September 17, 2019.

Read: Nakakaantig: Parting gift ng Singaporean woman sa Pinay yaya na nag-retire after 34 years

Douglas Jennerman vlog

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Douglas Jennerman, a.k.a. Kulas, made a YouTube content which showed how clean the wet market is in Maramag, Bukidnon

Kaya naman sa paglulunsad ng local tourism campaign na “Maanyag, Maramag” noong June 16, 2023, kasabay ng selebrasyon ng 67th Foundation Day ng bayan sa Municipal Gymnasium, inanyayahan si Kulas at binigyan din ng special recognition.

In his honor, nilikha ang Resolution No. 2023-287 o “Resolution Expressing Gratitude to Kyle Douglas Jennerman AKA Kulas for his Promotion of Maramag, Bukidnon Especially Its Public Market.”

Kuwento ni Kulas sa kanyang Facebook post noong July 4, 2023, hindi siya makapaniwala na dahil sa kanyang ginawa ay lumago ang turismo ng Maramag, at marami ang nahikayat na bisitahin at pamarisan ng ibang LGUs ang kanilang pamilihang bayan.

Aniya, sadyang namangha siya sa kalinisan ng lugar. At ang pagtulog sa lapag ng palengke ang naisip niyang paraan upang i-share ito sa karamihan.

Saad nito sa kanyang post, published as is: “Walking around the wet market section, I was absolutely blown away by how organized and clean it was. It was legit! I wanted to share about it...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But how could I do it justice?

“Well, why not take a nap on the floor? Because if it is clean, you should be able to lay down on it... and so I did.”

Masaya siya na nag-viral ang kanyang post “in a positive way.”

Dagdag pahayag ni Kulas.“Moments like this remind me how beautiful social media can be... when we use it in unique and positive ways to uplift places and people around us,”

Read: Natunton na! Turistang nag-ukit ng names sa Colosseum, nagmakaawa sa Italian authorities

Douglas Jennerman award

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kulas accepting his recognition presented by the officials of Maramag, Bukidnon

PROMOTING THE BEST OF MINDANAO AND THE PHILIPPINES

Halos isang dekada nang naninirahan si Kulas sa Pilipinas.

Ang “Kulas” ay naging bansag sa kanya ng isang “manong” noong May 24, 2014, nang siyam na buwan na siyang namamalagi sa Cagayan De Oro.

Pakiramdam niya noon, Pinoy na ang turing ng mga taong nakakasalamuha.

Ayon sa post niya noong March 6, 2023, “I felt like I was truly becoming a part of the community in Cagayan de Oro.

“And well, as the years have gone by… it truly become my life. I feel like ‘Kulas’.”

Sa isa pang post ay ipinagmalaki din ni Kulas kung gaano siya ka-proud mapabilang at mamalagi sa Pilipinas despite “not being Filipino.”

Aniya, “I am definitely proud to be sharing all the beautiful Filipino things that are ‘Becoming a part of my life’ now.”

Makailang beses nang gumawa ng ingay si Kulas sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa parangal ng Maramag, naging viral ang kanyang pangalan kamakailan matapos makamit ang Filipino citizenship sa pamamagitan ng House Bill No. 7185.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, kapuri-puri si Kulas para sa ilang mambabatas.

Sabi ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri, “He is a better promoter of the Philippines than many of the people I know who do that for a living.

“Kulas was born and raised in Vancouver Island, Canada, but in almost 10 years that he has spent in the Philippines, he has truly become Filipino.”

Read:

Kinagigiliwan si Kulas ng marami dahil sa kanyang viral travel vlogs na bida ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas, pati ang mga gawi at kulturang pagkakakilanlan ng pagiging Pilipino.

Ang kanyang Youtube channel na Becoming Filipino ay mayroong 1,600 uploaded videos at 1.09 million subscribers sa kasalukuyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At masasabing may soft spot sa kanya ang Mindanao.

In fact, noong May 9, 2019, may mahabang post si Kulas about “Canadian Travel Advisories" kung saan inanunsiyo sa Canadian travelers to “avoid all travel” specifically sa Misamis Occidental na kapitbahay lamang ng kanyang tirahan sa Northern Mindanao.

Pahayag niya, “misrepresenting and misleading” ang travel advisory mula sa Canadian government.

“Having travelled extensively since 2007, I have always respected and completely understood why travel advisories exist.

“This one seems borderline uneducated."

At imbes na ipagpatuloy ang pag-rant ay nag-post siya ng “happy fun photos of experiences” niya sa probinsya.

Hinikayat din ang iba na mag-post ng kanilang experiences sa Misamis Occidental to “share some positive education.”

Sa kainitan ng iba’t ibang usapan tungkol sa epektibong pagpo-promote ng turismo sa Pilipinas, ipinakilala ni Kulas ang kakaiba ngunit mabuting paraan ng paghikayat sa mga tao upang bisitahin ang isang lugar.

Sabi nga niya, “sometimes a little ‘strange or unique’ can be an effective way to get a point across.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Taong 2015 ay gumawa ng vlog ang Canadian at Philippine-based vlogger na si Douglas "Kulas" Jennerman kung saan natulog siya sa sahig sa isang wet market sa Maramag, Bukidnon, para patunayang ito ay malinis. After eight years, ginawaran siya ng recognition.
PHOTO/S: Facebook (BecomingFilipino)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results