Para sa mga nag-iingat pa rin ng kanilang 1st generation ng iPhone at selyado pa sa original packaging, magugulat kayo kung magkano na ang presyo nito ngayon.
May mga kolektor na handang magbayad ng malaking halaga magkaroon lang nito.
Sa ginanap na auction ng LCG Auctions, isang kumpanya sa Amerika, noong July 16, 2023, nabenta ang isang 1st generation iPhone na nasa orihinal na lalagyan at hindi pa nabubuksan.
Read: Pink burger inilunsad para sa Barbie movie

Read: “Ibong Adarna” namataan sa Mount Apo
Ang presyo—tumataginting na US$190,372.78—o PHP10,358,278.15.
Ito ang bagong record para sa "Holy Grail" of collectible iPhones.
Marahil ay iisipin ninyo: Sino ang mag-aaksaya ng pera para sa isang lumang gadget?
Pero iba ang mentalidad ng mga kolektor na may pera. Mas rare ang item, mas gusto nila itong makuha lalo na kung kaya ng kanilang budget.
Ang 1st generation iPhone na ipina-auction ay inilabas ng Apple Inc. noong 2007.
May kapasidad ito na 4GB.
Read: Name this rare white lion born in Malabon Zoo

Read: Babaeng may 800 tattoos, hindi matanggap sa trabaho
Grabe ang naging hype nang i-unveil ito noon ni Steve Jobs sixteen years ago, at talagang pinilahan ng mga gustong bumili sa buong mundo.
Ang original price ay US$599—o PHP32,591.89.
Ang naging auctioned price ay 37 beses na mas mataas kumpara sa original price.
Nang una itong ilabas, may dalawang options—4GB o 8GB.
Kumpara sa mga iPhone ngayon, ang features ng 1st generation iPhone ay 3.5-inch touchscreen, 2-megapixel camera at web browser.
Read: “Bagong Pilipinas” campaign, inilunsad; gobyerno walang ginastos sa logo

Read: Bettor napanaginipan ang winning combination sa SuperLotto 6/49
At dahil mas gusto ng mga iPhone users ang mas mataas na storage para sa data, images, videos and applications, mas naging mabenta ang 8GB variant.
Karamihan sa 4GB variant ay inalis na sa market, kaya ito ang itinuturing na “rarer species” sa lahat ng iPhones.
Ang masuwerteng nagbenta ng original 1st generation iPhone ay member ng original engineering team ng Apple nang unang ilunsad ang naturang unit.
Read: New mom's Eras Tour experience: 'My water broke 20 minutes after Taylor Swift left the stage.'
