PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lucila Datuin, from "basura" to successful bag maker

“Unang gawa, sabi nila, ano ba iyang gawa mo, basura!”
by KC Cordero
Published Aug 6, 2023
Photos of Lucila Datuin
Gamit ang lumang makinang pantahi at puhunang PHP4,000, naitawid ni Lucila Datuin ang kanyang souvenir-making business kahit naokray siya sa kanyang mga unang gawa. Pagmamalaki niya, “Ipinapakita ko naman ang quality ng aming gawa.” (Photos courtesy of Lucila Datuin & PNA)

Naitatag ni Lucila Datuin, 63, ang kanyang negosyo na paggawa ng bag gamit lang ang puhunan na PHP4,000 at basic na kaalaman sa pananahi.

Isang biyuda, napalaki niya ang kanyang mga anak at napalago ang kanyang souvenir-making business sa pamamagitan ng sipag at kagustuhang matuto ng maraming bagay.

Sa artikulong nalathala sa Philippine News Agency noong July 3 at sinulat ni Hilda Austria, ibinahagi ni Lucila na pumanaw ang kanyang mister noong 2007.

Read: Retokadang model pinakita ang shocking transformation sa "18 vs. 34" photo

Photo of Lucila Datuin

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-resign siya sa kanyang trabaho bilang manager sa isang restaurant sa Metro Manila, at umuwi na sa kanilang probinsya sa Vigan City, Ilocos Norte.

Gamit ang isang second-hand na makinang pantahi, nag-aral siyang gumawa ng bag gamit ang materyal na abel Iloco—isang telang Ilocano na yari sa bulak.

Read: Mangingisda sa Cavite, nakakita ng dilaw na bato sa talaba; Perlas kaya ito?

NAOKRAY ANG KANYANG UNANG GAWA

Pagtatapat ni Lucila sa panayam ng PNA, “Unang gawa, sabi nila, ano ba iyang gawa mo, basura!”

Aminado naman si Lucila na hindi pa siya ganoon kabihasa na gumamit ng makinang pantahi.

Pero sa halip na ma-discourage, ang masakit na komento ay naging hamon sa kanya para pagandahin ang kanyang mga gawa.

Hanggang sa unti-unti, nag-improve ang kanyang mga gawa at naging mabenta.

Photos of Lucila Datuin's products

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Noong una, ako lang ang gumagawa ng lahat. Pero nang dumami na ang orders, kumuha na ako ng mga tao at tinuruan ko sila kung paano gawin ang mga bag.”

Read: Raw vegan food influencer, namatay sa gutom at malnutrition

NAG-BOOM SIMULA 2014

Kuwento ni Lucila, lumakas ang kanyang negosyo nang kilalanin ang Vigan City bilang isa sa New 7 Wonder Cities of the World noong 2014.

Dumagsa kasi ang mga turista sa kanilang lugar.

Photo of Lucila Datuin's customers

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Trabaho sa gobyerno ang hanap mo? Bisitahin ang CSC Job Portal

Kaya bukod sa paggawa ng bags, nag-produce na rin siya ng printed T-shirts, pouches, tote bags at iba pang souvenir items na naglalarawan ng Vigan City.

Sa kasalukuyan ay mayroon siyang 20 empleyado. Ang pito sa mga ito ang kanyang mananahi—na pinapayagan niyang sa bahay ng mga ito gawin ang mga produkto para hindi na maabala sa pagbiyahe.

Sa isang araw ay nakagagawa ang kanyang shop ng 80 regular bags, at 100 tote bags.

Read: Pet owner, proud sa kanyang 12-kilo cat: “Many people think that it’s a dog...”

NAAPEKTUHAN NG PANDEMYA AT KAKUMPITENSYA

Gayunpaman, hindi nakaligtas ang negosyo ni Lucila sa mga pagsubok.

Huminto ang kanilang paggawa ng souvenir items nang pumutok ang pandemya.

Nagtinda muna siya ng dressed chickens at bed sheets para makaraos sa araw-araw.

Kuwento niya, “Mayroon akong naiipon pero hindi ko naman puwedeng ilabas lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Noong time na yun, hindi naman natin alam ang mangyayari at kung kailan matatapos ang pandemya.”

Nagkaroon din siya ng mga kakumpitensya sa kanyang souvenir business—ang iba ay mismong mga empleyado pa niya na nag-resign para magsarili ng negosyo.

Read: Meet Alma Roque, 48-year-old nanay who earns 5 digits from online gaming and live streaming

BAGONG IDEYA AT MATERYALES, DE-KALIDAD NA PRODUKTO

Pero ang lamang ni Lucila sa mga ito, lagi siyang nakakaisip ng mga sariwang konsepto, at nakakagawa ng bagong produkto para sa kanyang mga customer.

Bukod doon, “Ipinapakita ko naman ang quality ng aming gawa at nag-iba ako ng tela ngayon.”

Read: Estudyante gumagawa at nagbebenta ng maliit na bahay para matupad ang malaking pangarap

Photo of Lucila Datuin's shop

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaki ang kanyang pasasalamat sa Center for Agriculture and Rural Development Mutually Reinforcing Institutions Incorporated (CARD-MRI Inc.), isang microfinance company na nagpahiram sa kanya ng puhunan para mas maging matatag ang kanyang negosyo.

Nagpapasalamat din siya sa Diyos dahil napapag-aral niya ang kanyang mga anak.

Nakabili na rin siya ng properties at nakapagsimula ng iba pang negosyo.

Higit sa lahat, nagpapasalamat siya dahil nagiging instrumento siya para magkaroon ng hanapbuhay ang ibang tao.

Ang kanyang negosyo ngayon ang nagsu-supply ng items sa mga souvenir shops sa Ilocos Norte at mga karatig na probinsiya.

Read: Lalaking snatcher, na-in love sa ninakawang smartphone owner

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gamit ang lumang makinang pantahi at puhunang PHP4,000, naitawid ni Lucila Datuin ang kanyang souvenir-making business kahit naokray siya sa kanyang mga unang gawa. Pagmamalaki niya, “Ipinapakita ko naman ang quality ng aming gawa.” (Photos courtesy of Lucila Datuin & PNA)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results