Lumaking achiever si Romer Gutierrez Jazo, 32, sa isang barangay sa Sorsogon City, “where everybody knows everybody.”
Aniya, disciplinarian ang kanyang tatay na local politician at nanay na isang guro. May negosyo ang kanyang ama sa pagpapalay at pagkokopra.
Mapalad si Romer dahil maayos ang kanilang buhay.
“My childhood po is very normal. Hindi kami sobrang hirap. Pero di kami sinanay sa materyal na bagay,” sabi ni Romer sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Kapag may mga hinihiling siya sa mga magulang, kinailangan niya itong pagpaguran.
Sabi niya, “I remember I need to be excellent in school para magkaroon ng bagong bisikleta. Parang reward system.”
Gayunpaman, saksi si Romer sa kahirapan ng mga tao sa kanyang lugar.
“Growing up, nakikita ko ang mga kaklase ko at mga tao sa paligid namin kung gaano kahirap ang buhay.
“Ang nakikita ko talaga sa buhay probinsya ay kawalan ng inspirasyon at mangarap.
“Wala pa kasi masyado TV noon kaya walang nalu-look up sa lugar namin ang mga tao, kaya walang nangangarap nang mataas.
“Sabi ko sa sarili ko noon, if given a chance, tutulong ako to make an impact sa mga ka-barangay ko.”
Nais niyang maging halimbawa ng isang taong may narating dahil nangarap at nagsumikap.
Read: Bata na idol si Spider-Man, nagpakagat sa black widow spider; isinugod sa ospital
ACHIEVER IN SCHOOL
Mula kindergarten hanggang magtapos ng elementarya, consistent first honors at valedictorian si Romer.
Naging suki rin siya at nakilala noong high-school years sa mga quiz bees sa science at social studies sa Bicol region.
Siya rin ang high-school valedictorian.
Pagsapit ng kolehiyo, kumuha siya ng kursong Marine Transportation sa Mariners Polytechnic Colleges Foundation sa Rawis, Legaspi City.
Nang mag-graduate, diretso si Romer sa pagtatrabaho.
Read: Mangingisda sa Cavite, nakakita ng dilaw na bato sa talaba; Perlas kaya ito?
opportunity to WORK ABROAD
Ang una niyang trabaho ay bilang apprentice sa isang local shipping company.
Matapos ang isang taon, lumipat siya bilang crew member ng isang German vessel.
Makalipas ang dalawang taon, “I transferred to Celebrity Cruises as marine personnel to practice my seamanship and aimed to be a licensed third officer.
“I started as an ordinary seaman OS and after a year, became an AB or quartermaster. I was the youngest ever to be in that position during that time,” sabi ni Romer.
Maraming naging kaibigan na Thai si Romer dahil sa pagiging seaman, kaya naman natulungan siya ng mga ito na makapasok ng trabaho sa isang Thai restaurant sa New York sa Amerika.
Pakiramdam daw niya, “I guess I’m always lucky wherever I go.
“It was a fun six months working as bartender and waiter in three different Thai restaurants, until COVID struck New York.”
Pakiramdam daw ni Romer ay naubos na ang kanyang suwerte.
“I felt like I made a mistake coming to America at the wrong time,” aniya.
“But I guess my prayers are stronger than the difficulties in front of me.
“A friend told me that there is an opening position as a receptionist in a law office owned by a Fil-American immigration lawyer.”
Pinasok ni Romer ang trabaho sa law office. May naghihintay din palang magandang kapalaran sa kanya rito.
Dahil natural na achiever, pinagbuti niya ang kanyang trabaho at napansin siya ng kanyang employer.
“The lawyer saw a potential in me and made me do some cases as paralegal, and later on appointed me as employment manager doing H-1B cases for the teacher clients and school districts who wanted to hire international professionals,” ani Romer.
Ayon sa isang site, “The H-1B visa is a nonimmigrant work visa that allows U.S. employers to hire foreign workers with specialized skills to work in the United States for a specific period of time.”
Sa loob ng tatlong taon, inaral ni Romer ang kanyang posisyon para matulungan ang mga kapwa niya Pinoy na makapagtrabaho sa U.S. bilang teachers.
"After succeeding in doing that for three years, I made a big decision to put up my own manpower agency, concentrating on helping teachers from Asia to have jobs in U.S.," sabi ni Romer.
Karamihan sa mga tinutulungan niya ay Filipino teachers na nais magkaroon ng lisensiya at makapagturo sa American schools.
Read: Why UP Diliman graduate Leo Jaminola shuns labeling himself as "success story"

Romer Gutierrez now heads his own agency that helps Filipino teachers wanting to work in the U.S.
ROMER, A PHILANTHROPIST
Nang makaluwag-luwag na sa buhay, naging pilantropo si Romer.
Tumutulong siya sa pagpapatayo ng paaralan sa isang malayong probinsya sa Pilipinas para makapag-aral ang mga batang nangangailangan.
Sinusuportahan din niya ang mga bata sa kanilang pag-aaral.
Ani Romer, nais niyang maging ehemplo sa mga batang nangangarap na bumuti ang buhay.
Nais niyang iparating na huwag titigil sa paggawa ng paraan kung may gustong abutin.
Sa kasalukuyan ay green-card holder siya, at makakapag-apply na ng U.S. citizenship makalipas ang dalawang taon.
