One hundred and one years old na si Jayne Burns, pero employed pa rin siya at may eight-hour job.
Naggugupit siya ng tela sa JoAnn Fabrics and Crafts, na matatagpuan sa Mason, Ohio.
Twenty-five years na siya sa trabaho bilang part-time—at isa aniya ito sa mga sikreto ng kanyang mahabang buhay.
Nakatira siya sa suburban Cincinnati, Ohio, kasama ang anak na babae na katrabaho niya.
Nagsimula siyang magtrabaho noong 1997 nang mabiyuda na siya.

Ani Jayne sa panayam ng Today.com na nalathala noong August 8, 2023, kailangang laging kumikilos ang isang tao, at hindi nakaupo lang sa bahay maghapon.
“I just like working and I like working with people.”
Read: Model nakipag-date "completely naked"; suot niya ay body paint
NOT OPTING FOR FULL RETIREMENT
Ipinanganak si Jayne noong July 26, 1922.
Nang magdaos siya ng kanyang 100th birthday, hindi umano niya napansin na ganoon na siya katanda.
Nakakapagmaneho pa rin siya ng sariling sasakyan, at nakakapg-commute mag-isa.
Kailangan sa kanyang trabaho na malinaw ang mga mata at kayang magbuhat ng mga tela.
Hindi naman aniya problema ito sa kanya—maliban na lang sa mabigat na vinyl fabric.
Mahilig umano siya sa tela, at isa iyon sa dahilan kaya nag-stay siya sa trabaho.

At kahit nag-retire na, hindi niya ikinonsidera ang full retirement.
Una siyang nagretiro noong sumapit siya sa kanyang 70s—per nagtrabahong muli sa ibang kumpanya.
Ganito rin ang ginawa niya noong 80s na siya.
Read: Lotto winner na PHP5.9M ang jackpot prize, tuwang-tuwa: "Matutupad ko na ang pangarap kong bahay.”
Kabilang sa mga una niyang trabaho ang pagiging bookkeeper sa veterinarian offices at sa accounting firms.
In fact, bookkeeper ang talagang career ni Jayne bago siya napadpad sa pinagtatrabahuan niya.
“I like the routine. I like to keep moving.”
Ani Jayne, ang patuloy niyang pagtatrabaho ay dahil kailangan niya ng pera, and, at the same time, nag-e-enjoy siya sa ginagawa.
Read: Kid's writing technique earns praises from netizens
SECRET TO LONG LIFE: GENES AT LIFESTYLE
Wala sa lahi nina Jayne ang may mahabang buhay. Namatay ang kanyang ina sa edad na 40 dahil sa aneurysm. Sixty-five years old naman nang mamayapa ang kanyang ama.
Sambit niya, “So I don’t know what it is, but I’m still here. I wish I knew what it was.”
Batay sa British scientist na si Andrew Steele at author ng aklat na “Ageless: The New Science of Getting Older Without Getting Old,” ang haba ng buhay ng tao ay nakabatay sa 20 percent ng genetics at 80 percent ng lifestyle at suwerte.
Read: 32-year-old nanay namatay sa sobrang pag-inom ng tubig
Read: Lasing na empleyado, nag-text ng thank you sa amo: “Boss, let me tell you this...”
Kumusta naman ang lifestyle ni Jayne?
Kinakain umano niya kung ano ang kanyang magustuhan kabilang ang karne, bacon, at butter.
Dati-rati ay binabantayan pa niya ang kanyang sugar intake, pero hindi na ngayon.
“I like sweets too much.”
Paborito niya ang milk chocolate.
Noong buhay pa ang kanyang mister, kapag lumalabas sila ay madalas silang uminom ng alak—na itinigil na niya nang mabiyuda. Hindi naman siya nanigarilyo kahit kailan.
Gumigising siya ng alas singko ng umaga, at nag-aalmusal ng kape at donut.
Read: Meet Venus: Ang pusa na may dalawang mukha
CANCER SURVIVOR SI JAYNE
Aktibo naman ang katawan ni Jayne kaya iniisip niyang baka iyon ang dahilan ng kanyang mahabang buhay.
“I was always active all my life doing things. So I think that has helped more than anything.”
Mahilig siya sa bowling, golf, at regular na nag-eehersisyo.
Noong last birthday niya ay kumain sila sa labas ng dalawa niyang anak na babae. Nag-attend din siya sa mga pa-party sa kanya ng mga katrabaho.
Read: Hermès Birkin bag at mga alahas worth PHP520M, nanakaw sa airport
Ang higit na amazing kay Jayne, isa siyang cancer survivor!
Na-diagnose siya na may colon cancer noong 1995. Inoperahan siya at inalis ang bahagi ng kanyang colon.
Aniya, masuwerteng na-detect agad iyon ng mga doktor kaya naagapan at hindi na siya sumailalim sa chemotherapy.
Sa ngayon, ang pinakamatindi lang niyang health issue ay ang kanyang arthritis sa mga kamay at tuhod. “I just can’t get around as much.”
Read: Social media star na climbing ang content, patay nang mahulog sa 68-story building
'MAKE-UP IS LIFE'
At kahit 101 years old na si Jayne, regular pa rin ang kanyang beauty routine.
“I use a moisturizer and make-up. I figured I did it all my life, so I’m not going to stop now.”
Ibinahagi niya na noong bata pa siya ay hindi siya gumagamit ng sabon sa mukha para huwag agad magkaroon ng wrinkles.
Pero sapul ay lagi siyang naka-full makeup—na nagsimula noong 20s siya gaya sa lumang larawan niya sa ibaba.

Read: Lucila Datuin, "basura" ang kalidad ng produkto noon, successful bag maker na ngayon
Lately, gumagamit na siya ng sabon dahil wala na rin aniya siyang iingatang kutis na sariwa.
Ang top advice ni Jayne para magkaroon ng mahaba at malusog na buhay ay mag-enjoy sa pakikisalamuha sa mga tao.
Palakaibigan siya, at marami siyang friends sa trabaho.
Isang bagets niyang co-worker, si Maggie HusVar, 21, ang tinuruan pa siyang mag-TikTok.
Gumawa sila ng mga videos, kabilang nang magdiwang siya ng kanyang 100th birthday noong isang taon.
Ang kanilang videos ay may 10 million views.
Click at close sina Jayne at Maggie kahit 80 years ang pagitan ng kanilang edad.

Read: Unggoy nang-snatch ng purse ng turista, paano nabawi?
Sa panayam naman ng CNBC, sinabi ni Jayne na nagtagal siya sa mga kumpanyang pinasukan dahil sa isang common denominator—mababait na katrabaho.
Dito ay muli niyang binanggit ang kanyang mantra kung bakit alive and kicking pa rin siya.
“I just like to be around other people. Most of them are very friendly.
“I enjoy talking to everybody I work with, and meeting the customers who are very nice... even if some of them are surprised to see me at the cutting table.”
Lastly, binanggit din ni Jayne na bukod sa make-up, mahilig din siyang mag-shopping.
Read: Retokadang model pinakita ang shocking transformation sa "18 vs. 34" photo
