PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gifts for Barefoot Runners at Palarong Pambansa

Bakit nga ba nakapaa ang dalawang atleta?
by Bernie V. Franco
Published Aug 14, 2023
athletes and mikee reyes
Two track-and-field athletes, Jackierose Orbilla (far left) and Shane Ann Labinghisa (far right), run barefoot at the recently concluded Palarong Pambansa, TV5 sports anchor Mikee Reyes (center) is inspired by their stories.
PHOTO/S: GMA News and Facebook (Mikee Reyes)

Nakapukaw ng atensiyon ang dalawang dalagitang manlalaro sa katatapos lamang na Palarong Pambansa 2023.

Sila ay sina Jackierose Orpilla ng Cavite at Shane Ann Labinghisa ng Iloilo.

Lumaban sila sa kani-kanilang track-and-field divisions nang nakapaa.

Ginanap ang sports fest sa Marikina mula July 29, 2023 hanggang August 5, 2023.

Read: PHP14,000 ipon ng isang estudyante, inubos ng anay; alamin ang BSP guide sa mutilated banknotes

RUNNING barefoot

Si Jackierose ay second place sa 400-meter dash sa secondary division.

Mas maganda raw sana ang performance niya kung may suot siyang sapatos, ulat ng GMA News.

“Di bale po na nakapaa ka lang na lumalaban, pero yung loob mo naman po malakas naman po,” hayag ng mangiyak-ngiyak na si Jackierose.

“Hindi ko po inisip po na sila po magaganda po yung mga sapatos nila. Ako po nag-pokus lang po sa laban ko po.”

Sinabi naman ng coach niyang si Cheryll Boncato na nanghihiram lamang sila ng sapatos sa mga kaibigan at kamag-aral ni Jackierose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng coach, “Dahil wala po kami wala kaming choice, kung may mahiraman kami okay lang po, kung wala kaming mahiraman okay lang po.”

Lumaban naman si Shane sa 3,000-meter dash sa secondary division. Nag-fourth place siya.

Ang talampakan at paa ni Shane ay binalutan ng tape. Sabi niya, mas kumportable raw siyang tumakbo nang nakapaa.

“Kampante kasi ako kapag nagpapaa kasi di ako nasanay gumamit ng spikes,” ani Shane sa GMA News.

Nais daw ng nanay niya na bilhan siya ng sapatos, pero si Shane na ang tumanggi. Ilaan na lamang daw ang pambili para sa pagkain nilang mag-anak.

Read: Criminology student napa-graduate ang sarili dahil sa pagiging make-up artist

MIKEE REYES INSPIRED BY THE TWO ATHLETES

Ang kuwento nina Jackie at Shane ay salamin ng determinasyon, kaya may mga mabubuting loob na nag-abot ng tulong para ganahan pa silang ipagpatuloy ang nasimulan.

Isa sa mga tumulong ay ang former UP Maroons basketball player at ngayon ay TV5 sports anchor Mikee Reyes.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Matapos itampok sa news ang kuwento nina Jackie at Shane, hinanap ni Mikee ang contact info ng dalawa.

May FB video si Mikee kasama si Shane habang bumibili ng sapatos at damit.

Hindi nakasama si Jackierose dahil sa protocols, pero binilhan din siya ng mga gamit.

Sa pamimili, bakas na mahiyain si Shane.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-encourage ni Mikee: “Huwag kang mahiya, Shane. Kapag naging SEA Games athlete ka, kailangan sanay ka na sa camera.”

Sa video, ipinaliwanag ni Mikee kung bakit natuwa siya sa dalawang aspiring athletes.

“Na-inspire lang talaga ako sa kanilang dalawa. Alam kong magkakaroon ako ng haters sa video na ito, but it is what it is. Natuwa ako kay Shane. Natuwa rin ako kay Jackierose.

Sabi niya, “Para saan pa tayo naging sports tito, di ba?”

Mas ginanahan pa raw si Mikee na magsipag sa trabaho bilang sports anchor dahil sa kuwento ng mga bata.

Binilhan ni Mikee ang dalawa ng mga sapatos, socks, shorts, T-shirts, bag, at tsinelas.

Sabi pa ni Mikee, “Baka ito ang mga future SEA Games athletes natin na magre-represent sa atin sa ibang bansa. Galingan niyo lagi!”

May isang nagkomento na pumuri sa ginawa ni Mikee. Pagtatanggol ng netizen, hindi niya nakikitang poverty porn ang ginawa ng sports anchor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumagot din si Mikee para linawin ang kanyang intensiyon.

Sabi niya: “They are not experiencing poverty. Hindi ko sila pinakain. atleta sila, and i want them to succeed.”

comment

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two track-and-field athletes, Jackierose Orbilla (far left) and Shane Ann Labinghisa (far right), run barefoot at the recently concluded Palarong Pambansa, TV5 sports anchor Mikee Reyes (center) is inspired by their stories.
PHOTO/S: GMA News and Facebook (Mikee Reyes)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results