PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinoy Student Bags 5 US Scholarships

Ano nga ba ang secret to success ng binatang si Carl Guia?
by Bernie V. Franco
Published Aug 17, 2023
Carl Audric Guia
Walang kapasidad ang pamilya ng 18 anyos na si Carl Audric Guia na pag-aralin siya sa isang U.S. university para kumuha ng astronomy course. Pero determinado si Carl, at gumawa siya ng paraan para magbukas ang mga oportunidad at maalok ng scholarships from prestigious U.S. universities.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News)

Bumilib ang marami sa isang estudyante mula sa public high school sa Los Baños, Laguna, dahil nakapasa siya sa anim na U.S. universities, na karamihan ay prestihiyoso.

Lima sa mga ito ay nag-offer sa kanya ng full scholarship sa apat na taon niya sa kolehiyo.

Napaulat ang inspiring story ni Carl Audric Guia, 18, estudyante sa UP Rural High School sa Los Baños, Laguna, noong April 2023.

Kuwento ni Carl, maging ang Harvard University—na siyang napili niyang unibersidad—ay nabilib sa kanyang kuwento.

Bukod sa talino, ang mas mahalagang katangian ni Carl ay ang pagkakaroon ng pangarap at pagpupursige.

Siya ang magandang halimbawa ng kasabihang, 'Kung ayaw, may dahilan, kung gusto, may paraan."

Dahil kahit na salat siya sa pera ay gumawa siya ng paraan para magbukas sa kanya ang maraming oportunidad.

Inilahad ang kuwento ni Carl sa My Puhunan: Kaya Mo! ng ABS-CBN nitong Linggo, August 13, 2023.

Galing siya sa isang mahirap na pamilya sa Laguna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Apat silang magkakapatid.

Housewife ang kanyang nanay at dispatcher sa isang electric company ang ama.

Pero mataas ang pangarap ni Carl: ang i-pursue ang gusto niyang kurso sa U.S.

At kahit pa alam niyang hindi siya masusuportahan ng ama at ina financially, hindi siya pinanghinaan ng loob.

“Pumasok po talaga sa isipan ko is my limitations po sa family ko, dahil I know full well na we wouldn’t be able to afford it, especially if I want to study abroad.

“Sinabi po sa akin ng mga magulang ko, kahit po ibenta yung bahay namin, ibenta po lahat ng ari-arian namin, at ibenta po nila yung sarili nila, hindi po aabot yung pera namin. Kaya medyo discouraging po siya at first.

"Pero it just pushed me to aim higher and aim po for scholarship,” sabi ng determinadong estudyante.

Read: VIRAL: UP summa cum laude delivers reality check, not inspirational speech, in valedictory address

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Carl Guia and Karen Davila

INTEREST IN ASTRONOMY AND ASTROPHYSICS

Hinangad ni Carl na mag-aral sa U.S. dahil limitado ang resources sa Pilipinas pagdating sa kanyang interes: astronomy at astrophysics.

Bata pa lamang siya ay nagsimula na siyang magbasa tungkol sa dalawang fields, salamat sa mga encyclopedia na ibinigay ng kanyang lola noong bata siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ako po yung nagbukas ng mga librong iyon, and, from there po, doon po talaga nag-bloom yung curiosity ko, especially sa astronomy, sa stars, sa galaxy…

“And fast forward nung high school po, yung family, yung friends ko po, they were saying I can be a good engineer or good lawyer.”

Pero malinaw sa isip niya ang landas na nais niyang tahakin.

Lumulundag daw ang kanyang puso kapag tumitingin siya ng job postings ng astrophysics sa National Aeronautics and Space Administration (NASA) sa U.S.

At nang tumuntong siya ng high school, walang pasilidad ang kanyang paaralan pagdating sa astrophysics.

Nagsariling sikap si Carl, at pinag-aralan ang subject na ito online. Sumali siya sa mga grupo at contests ukol sa astronomy.

Read: Two young runners compete barefoot at Palarong Pambansa; get gifts from sports anchor Mikee Reyes

INTERNATIONAL COMPETITION

Isang online advertisement tungkol sa international science competition para sa high-school students ang nakapukaw sa atensiyon ni Carl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pa siyang pambayad noon sa registration fee na $50 (PHP2,500). Buti na lang at may nag-sponsor.

Kasama ang kanyang grupo, sumali si Carl sa competition tungkol sa pag-aaral sa Mars, ang fourth planet sa solar system.

Ipinadala sila, all-expense paid, sa Arizona State University sa U.S. noong 2022 para sa conference ng competition.

“Nanalo po ako doon with my team. We defended our project really well,” ani Carl.

Mas lalong napukaw ang hangad niyang mag-aral abroad dahil sa karanasan niya sa conference.

"...naka-meet po ako ng mga astronauts, ng mga scientists, so, basically, space heroes na I look up to…”

Carl Guia and fellow students

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Carl (center) kasama ang kanyang mga kagrupo nang maimbitahan sa Arizona State University sa U.S.

Carl Guia

Si Carl sa kanyang presentation sa international competition for high-school students sa Arizona State University.

THE CHALLENGES

Through online, naghanap siya ng mga resources at kumausap ng mga tao para sa kanyang application.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinulungan siya ng The Coalition of American University Student Experiences (CAUSE) Philippines at EducationUSA (isang advising network ng U.S.), na tumutulong sa mga estudyanteng financially challenged.

Sinabi rin ng ina ni Carl na si Argeelene Guia na nagkaroon ng honors program ang U.S. embassy, at napili ang anak niya for sponsorship.

Sa kabila nito, hindi pa rin ito sasapat sa lahat ng magiging gastusin ni Carl kapag nagkolehiyo siya abroad.

Parang hindi ito nakaapekto sa enthusiasm ng estudyante.

Ang sumunod na ginawa ni Carl ay nag-aral para sa scholastic aptitude test (SAT), gayundin para sa application sa iba’t ibang universities.

At bagamat sariling sikap ang ginawa niyang pag-aaral, muntik na niyang ma-perfect ang kanyang SAT.

Ang full exam ay may score na 1600, at ang nakuhang score ni Carl ay 1540.

APPLYING FOR U.S. UNIVERSITIES

All in all, nag-apply sa 13 U.S. universities si Carl.

Kinabahan pa raw siya nung una dahil hindi siya natanggap sa less-selective universities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero laking gulat niya dahil pumasa siya sa anim na tanyag na U.S. universities—Harvard University, Princeton University, Yale University, Standford University, Ohio University, at University of Notre Dame.

Lima rito ay nag-offer ng full scholarship sa apat na taon niya sa college.

Ang pinili ni Carl ay ang Harvard University na ang full scholarship ay aabot ng PHP25 million sa loob ng apat na taon.

Hindi pa rito kasama ang kanyang board and lodging, at meal allowance, pero sasagutin na rin umano ng Harvard.

Naibahagi ni Carl kay Karen Davila kung ano ang ikinabilib ng Harvard sa kanya.

Sabi ni Carl, “Ang na-appreciate po talaga nila sa akin, even though wala kaming facilities sa astronomy here sa Philippines, like, sa school po namin, wala po kaming mga astronomy laboratories…

“They really saw that in my application, na it got me so far as flying to the U.S., and yun po talaga yung nag-stand out.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilan lamang sa mga tanyang na personalidad na nagtapos sa Harvard ay sina Bill Gates, former U.S. presidents na sina Barack Obama, George W. Bush, Theodor Roosevelt, Franklin D. Roosevelt, at John F. Kennedy.

Sabi ni Mommy Argeelene, hindi raw sila makapaniwala sa nakamit ni Carl.

“Pag nag-uusap kaming mag-asawa, hindi namin alam kung bakit kami nag-anak ng ganyan katalino kasi di kami matalino talaga.

“Di kami mahilig mag-aral, tapos siya, ganoon. Di ko alam,” kibit-balikat ng ina. “Wala siyang ginawa mula nung bata kundi gawin kaming proud.”

Sa pagtatapos ng interview, nag-iwan ng mensahe si Carl.

“Yung story ko, dini-dedicate ko po sa mga people who want to make something happen.

“Kelangan lang po ng konting push to do it. I hope that they have a trust in themselves kasi it might make all the difference.”

Sa post naman ni Karen, karangalan daw niyang ma-interview si Carl.

Inulit din niya ang sinabi ng binata about being noticed by Harvard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang caption ni Karen, “Carl says what Harvard was most impressed about wasn’t his grades, but his initiative to pursue astronomy despite the lack of facilities in school. Against all odds.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Walang kapasidad ang pamilya ng 18 anyos na si Carl Audric Guia na pag-aralin siya sa isang U.S. university para kumuha ng astronomy course. Pero determinado si Carl, at gumawa siya ng paraan para magbukas ang mga oportunidad at maalok ng scholarships from prestigious U.S. universities.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results