PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

'Kapatid' mula sa Tuguegarao, nagwagi sa intl Olympics

Hindi ito ang unang beses na nanalo sila sa international competition.
by Bernie V. Franco
Published Aug 17, 2023
Jessie dela Cruz and Jessa dela Cruz
Pinoy pride! Magkapatid na sina Jessie dela Cruz (left) at Jessa dela Cruz, nag-uwi ng karangalan sa Pilipinas nang manalo ng mga medalya sa isang international math and science Olympics sa Thailand.
PHOTO/S: Facebook (Midred dela Cruz via PIA Region 2)

Wagi ang magkatapid na sina Jessie at Jessa dela Cruz mula Tuguegarao City, Cagayan, sa Siam International Science and Math Olympics o SISMO, na ginanap sa Thailand.

Si Jessie, na estudyante sa Tuguegarao City Science High School, ay nanalo ng gold sa math category at silver sa science category ngayong buwan, ulat ng Philippine Information Agency Region 2.

Ang nakababatang kapatid na si Jessa, incoming Grade 12 student sa Saint Paul University Philippines. ay nakasungkit ng bronze medal sa math category.

Read: How Pinoy student impressed Harvard University; gets full scholarship from 5 U.S. universities

Jessie dela Cruz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jessie dela Cruz

Ang SISMO, ayon sa website nito, ay isang "stellar math-and science-based competition, only based in the Kingdom of Thailand."

Hangad daw nitong magdiskubre ng “champions around the globe, in the field of numbers and logics of math plus the bizarre yet canny concepts of science.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tinatayang mga participants mula sa 40 countries ang lumahok sa patimpalak na ito.

Hindi ito ang unang beses na nagbigay-karangalan sa bansa ang dalawa.

Dati na silang nanalo ng mga medalya sa iba pang international competitions.

Si Jessie ay nag-uwi ng silver medal mula sa Hua Xia Cup International Math Olympics 2023, na ginanap sa China a few months ago.

Taong 2020, noong Grade 4 si Jessie, ay nanalo siya ng silver medal sa International Mathematics Wizard Challenge (IMWiC), habang si Jessa, na noon ay Grade 9, ay nagkamit ang bronze medal sa parehong kumpetisyon.

Congrats!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy pride! Magkapatid na sina Jessie dela Cruz (left) at Jessa dela Cruz, nag-uwi ng karangalan sa Pilipinas nang manalo ng mga medalya sa isang international math and science Olympics sa Thailand.
PHOTO/S: Facebook (Midred dela Cruz via PIA Region 2)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results