Nasungkit ni EJ Obiena ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa ginaganap na 2023 Asian Games sa Hangzhou, China.
Sa kanyang pagsabak ngayong Sabado, September 30, 2023 para pagharian ang men's pole vault tournament, kinailangan lang ni Obiena ng tatlong attempts para makuha ang gintong medalya.
Read: EJ Obiena's SpongeBob socks scene-stealer at Tokyo 2020 Olympics

Read: Hidilyn Diaz, nagpakita ng suporta kay EJ Obiena
Una niyang na-clear ang 5.55 meters bilang warmup.
Hindi na niya tinalon ang 5.65 meters, bago niya na-clear ang 5.75-meter mark matapos ang dalawang beses na pagtatangka.
Read: Toni Fowler reacts to KSMBPI "obscenity" charges
Na-clear din niya ang 5.90 meters para magtala ng panibagong Asian Games record.
Sinubukan din ni Obiena ang 6.02-meter mark para mai-reset ang Asian record, pero nabigo siya matapos ang tatlong beses na pagtatangka.
Gayunpaman, nabura na ni Obiena ang Asian Games record ni Seito Yamamoto ng Japan na 5.70 meters na naitala sa 2018 Jakarta-Palembang edition.
Read: Lotto winner noong 2014, makukuha na sa wakas ang premyong PHP12M
