PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

13-year-old Doodle Boy Joe Whale bags "huge deal" with Nike

Makikita ang doodles niya sa mga sapatos!
by KC Cordero
Published Oct 2, 2023
Joe doodling and the shoe he designed
Dahil sa husay ni Joe Whale sa pagdo-doodle, binigyan siya ng offer ng Nike na maging part ng company. Sasabay niyang na-i-enjoy ngayon ang dalawa niyang hilig: sports at drawing.

Ang 13-year-old na si Joe Whale ng Shrewsbury, United Kingdom, ay mas kilala sa social media bilang si “Doodle Boy.”

Ang kanyang mga drawings ay naka-post sa kanyang Instagram account na may username na @thejoewhale.

Mayroon siyang 173K followers.

Napakahilig niyang mag-doodle, at madalas siyang masabihan ng mga guro na itigil iyon lalo na kapag oras ng klase.

Pero ang hilig pala niyang ito ang magiging dahilan para sa murang edad ay kumita na siya ng malaking pera.

Read: Lotto teller na nainip, bumili ng “ScratchIt” ticket, wagi ng PHP1M

Joe Whale showing his artwork

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatanggap siya ng offer mula sa Nike, isa sa pinakalamalaking sport brands sa buong mundo, para sa collaboration.

Magdidisenyo siya ng doodles sa mga shoe products nito.

A pair of Nike

Read: Bilanggo tumakas sa mismong araw ng kanyang paglaya

Kinumpirma ito ng agency ni Joe, ang Loveblood Creative: "We are so very excited to confirm that Joe is now part of the Nike Family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It really is a unique relationship that puts Joe’s talent and love of sport together to inspire others to have fun and do what they love."

Sa panayam naman sa ama ni Joe na si Gregory, excited daw ang anak nitong maging part ng Nike dahil paborito ng teener ang brand.

Read: Mahigit PHP3M na perang ididikit sa artworks, ibinulsa ng artist; blank canvas lang ang ipina-frame

Joe in Nike gears

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Hari ng isang tribu sa Ghana, hardinero sa Canada

Ayon pa sa ama ni Joe, isang dream come true ito dahil bukod sa pagiging creative ay sporty rin ang bagets.

Ani Gregory, “Partnering with Nike will give him the opportunity to embrace both."

Ibinahagi naman ni Joe sa kanyang official Doodle Boy website na nagsimula siyang mag-drawing at mag-paint noong three years old siya.

“Art has been a huge part of my life. I would draw, paint and do crafts at every opportunity and that hasn't changed to this day."

Sinabi niya sa mga fans na mahilig siyang mag-drawing ng mga pagkain, halimaw at aliens.

Read: Scientist na-decode ang language ng mga ibon; ano ang ambag ng "giant bird mask" sa experiment?

Joe's doodle

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Babaeng akala ay "joke" lang ang jackpot winners sa lotto, suwerteng nanalo

Pero paglilinaw niya, nakakagawa siya ng kahit anong doodles kapag na-i-inspire siya ng mga bagay, gaya ng burger, fries, gulay, bulaklak, ulap, cakes, at iba pa.

Ginagawa raw niyang mga characters ang mga iyon

At ayon kay Joe, may isa lang siyang rule na mahigpit niyang sinusunod kapag gumagawa siya ng doodles.

Aniya, "There is no right or wrong in art just interpretation.

“And this means when I create, I am completely free to express."

Walang binanggit kung magkano ang ibinabayad ng Nike kay Joe, pero ayon sa UK media, “huge deal” iyon.

Read: English teacher na naging pulubi, nakabangong muli!

Noong isang taon ay nagkaroon din si Joe ng unang solo exhibit sa Soden Collection, isang art gallery sa kanyang hometown.

Ang kanyang artworks ay in-endorso nina Prince William at Catherine, the Duchess of Cambridge, matapos i-drawing ni Joe ang royal train tour ng mag-asawa noong December 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: VIRAL: Karatulang nagbabawal sa mga Pinay na pumitas ng dahon ng malunggay

Isa naman sa layunin ng Nike sa collaboration nito kay Joe ay ang ma-inspire ang mga bata na mas maging creative.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa husay ni Joe Whale sa pagdo-doodle, binigyan siya ng offer ng Nike na maging part ng company. Sasabay niyang na-i-enjoy ngayon ang dalawa niyang hilig: sports at drawing.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results