PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Mar Dio, construction worker turned multi-millionaire contractor

"May pera pala talaga pag nagsipag ka."
by Chan-Chan Torres
Published Oct 8, 2023
Mar Dio success story
“Nagsa-sideline akong mag-hollow blocks, laborer at construction worker, semento, taga-pala," ani Mar Dio, isa na ngayong multi-millionaire na may sariling construction firm.
PHOTO/S: YouTube (KMJS via GMA Public Affairs)

Hindi mo talaga hawak ang kapalaran.

Kung kahapon, naghihikahos ka, baka bukas maaaring mag-iba na, depende kung may pangarap kang nais maabot.

Gaya na lang ng buhay ni Mar Dio, dating construction worker na ngayon ay isang multi-millionaire na yumaman dahil sa construction business.

Aminado si Mar na hindi biro ang hirap na pinagdaanan niya noong bata pa siya.

Natatandaan niyo pa ba ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) story tungkol sa batang nagsasaka ng dalawang ektaryang bukid?

Read: VIRAL: 10-year-old boy ploughs field to help put food on the table

Umantig ito sa damdamin ni Mar dahil pinagdaanan niya rin ito.

“Tumulo talaga yung luha ko, saka gumanon [tumayo] yung mga balahibo ko. Noong sinabi ni Raymart na ‘Bata pa ako, ito na ang ginagawa ko,’ iyan kasi, nangyari din sa akin, e,” lahad ni Mar sa KMJS.

“Kailangan mong magbanat ng buto sa murang edad.”

Emosyonal si Mar habang naglalahad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa lahat ng pinagdaanan niyang hirap, ginhawa pala ang kanyang kinakaharap.

Read: Interracial couple na vloggers, nagluluto ng Pinoy dishes sa makalumang paraan

Mar Dio

CHILDHOOD STRUGGLES

Marami nang hirap na tiniis si Mar sa murang edad.

Kung yung ibang ka-edad niya ay naglalaro at nag-aaral, siya ay nagtatrabaho para may makain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, “Naranasan kong mag-uling, mag-araro, magsaka.

“Nagsa-sideline akong mag-hollow blocks, laborer at construction worker, semento, taga-pala.”

Bata pa lang, naulila na sa ama si Mar. Nagkasakit at nagkaroon naman ng depresyon ang inang si Antonia.

“Hindi kami mabuhay ng ina namin… Kaming magkakapatid, kinuha ng mga kamag-anak namin,” hayag ni Mar.

Dinala si Mar ng kanyang lola sa Saranggani.

“Ang hirap ng buhay namin doon. Sa bangin pa kung mag-igib ng tubig. Pumapasok kami, naka-paa lang, e.”

Kaya ganoon na lang ang simpatya ni Mar sa batang si Raymart dahil napagdaanan niya rin ang ganitong buhay.

“Naranasan kong mag-uling, mag-araro, magsaka. Mahirap, e, kasi ang lakas ng kalabaw. Tapos ako as bata, wala, e. Tapos sobrang init pa.”

Read: Butas na sweater ni Princess Diana, naibenta ng PHP62 million sa auction

PAGSUBOK PA MORE

Hindi pa rito nagtapos ang pagdurusa ni Mar.

Lumipat naman siya sa isang kamag-anak na siyang nagpaaral sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero hindi raw naging maganda ang relasyon nila dahil sa trato nito sa kanya.

“Iba kasi pag nakikitira ka lang, e. Meron silang sariling anak din na sinusustentuhan nila.

“Kailangan maipakita mo sa kanila na may kabuluhan ka.”

Sa kagustuhan ni Mar na hindi maging pabigat sa mga kaanak na nagpapa-aral sa kanya, naghanap siya ng trabaho.

“Nag-sideline ako bilang security guard, nagbubuhat ng hollow blocks para may pambaon.”

Pero kahit anong pagsisikap ni Mar, tila hindi ito nakita ng mga kamag-anak. Nakaranas pa rin siya ng masasakit na salita mula sa kanila.

“Ang sakit na sabihan ka ng kamag-anak mo na maganda pa mag-alaga ako ng baboy. Kasi ang baboy pag pinakain mo, magkaka-pera,” pagbabalik-tanaw ni Mar.

“Ihahalintulad ka sa isang baboy. Ang value ko pala is mababa pa sa isang baboy? Hindi ko na yun natiis.”

Noong matapos ni Mar ang high school, naglayas ito dahil hindi na niya nakayanan ang pagtrato sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JACK OF ALL TRADES

Para maitaguyod ang sarili at mabili ang gamot ng ina, halos lahat ng trabaho sinubukan ni Mar.

Nagtrabaho siya bilang construction worker at naranasan niyang maipitan ng kamay habang on duty.

“May binubuhat kaming isang malaking kahoy, hindi kami sabay na nagbitaw.

“Naipit ang kamay ko saka yung paa. Ang hirap pala yung trabaho ng isang construction worker. Puwede mong ikapahamak.”

Hanggang sa nagbenta siya ng mga libro at encyclopedia.

“Napasok ako sa book industry. Nagbebenta ako ng dictionary, encyclopedia.

“Doon ko nakitang may pera pala talaga pag nagsipag ka, pag marunong kang dumiskarte sa buhay.

"Kumita kasi ako ng pitong libo sa isang araw.”

resthouse with pool

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang resthouse with pool ni Mar Dio

INSPIRED BY FAMILY

Simula pa lang ito ng pagbangon ni Mar. Hindi nagtagal ay bumuo siya ng sariling pamilya na naging inspirasyon niya para lalong magsikap sa buhay.

Bukod sa pagiging construction worker at ahente ng libro, pinasok din ni Mar ang networking, pagbebenta ng ice candy, at nagtrabaho din siya sa ibang financial institution.

“Iba pala talaga pag first time mo makahawak ng 50 thousand [pesos] buo, 100 thousand [pesos] buo.

"Feeling mo mabibili mo na lahat ng mabibili, e. Nag-invest ako, nag-buy and sell ako ng copra. Hindi nagtagal, nag-shift ako ng negosyo.”

Kuwento ng misis niyang si Lovely, “Siya yung tipo ng tao na aside from being a family man, ayaw niyang maranasan namin ang naranasan niyang hirap noon.”

Para kay Mar, “Kung anong puwedeng pagkakitaan, kung kaya ko namang gawin, pinagsabay-sabay ko na.

“Ang motivation ko ay ang makapagbigay ng magandang bukas sa mga anak ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CONSTRUCTION FIRM OWNER

Sinong mag-aakalang ang dating construction worker, ngayon isa nang construction firm owner?

Kahit malaki na ang kita sa pag-aahente ng libro, nakipagsapalaran pa rin si Mar sa ibang negosyo.

Sa construction naman ibinaling ni Mar ang atensyon.

“Kumuha ako ng isang truck. Umutang ako sa isang financing company, hinuhulug-hulugan ko kada buwan."

Naghanap siya ng deliveries at nagbenta ng sand and gravel.

“Hanggang may nakilala akong kaibigan [na ang sabi], ‘Meron akong ipagawa sa iyo,’ nagawa ko naman,” proud pang sabi ni Mar.

Ngayon, siya na ay isang multi-millionaire construction businessman sa buong Davao City.

Siya ang contractor ng malalaking construction projects sa Davao.

Bukod pa rito, siya rin ang supplier ng mga construction equipment sa lungsod.

May ilang mala-mansiong bahay at rest house na ring naipatayo si Mar.

Kung dati-rati ay kinupkop lamang ng mga kamag-anak, ngayon puwede na siyang mag-house hopping.

“Kahit may bahay kami sa Malalag, may rest house kami roon. Dito pa rin kami umuuwi ni misis. Naalala ko rito noon, si Misis nagbibilang ng barya habang kami naggagawa ng ice candy…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapagpundar din si Mar ng mamahaling sasakyan at patuloy ang extension ng enggrandeng rest house.

house

Ang bahay ni Mar na isa lang sa naipundar niyang properties

cars

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga sasakyang pagmamay-ari ni Mar.

BE A BLESSING

Alam ni Mar kung gaano kahirap maging mahirap. Bilang pasasalamat, aktibo silang pamilya sa kanilang simbahan.

Namahagi rin siya ng ayuda sa mga kapitbahay.

Tinreat din niya ang kanyang mga empleyado at staff sa isang bonggang resort sa Davao.

“Mabait na boss po siya. Madaling malapitan,” sabi ni Grace Fernando, isa sa mga empleyado sa kumpanya ni Mar.

Malaki rin ang tulong ng financial wealth coach na si Chinkee Tan sa pag-asenso ni Mar.

Sabi ni Chinkee, “Nag-message lang siya sa akin sa Facebook at nagkuwento lang siya kung paano ko siya natulungan, lalo na sa pagbago ng kanyang financial mindset.

“Ang una talaga, huwag talaga silang mawalan ng pag-asa. Kailangan talaga nila mag-aral. Mahirap kasi ang isang bagay pag hindi mo alam ang ginagawa mo.

“Kailangan maghanap ka rin ng mga coach and mentor na pinapaniwalaan ang ginagawa mo.

“Walang shortcut sa success, e. But we can cut short your learning curve pag natuto ka sa ibang tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Super proud kay Mar at hindi makapaniwala ang asawang si Lovely sa suwerteng tinatamasa nila.

Lahat ng ito ay dahil sa sipag, determinasyon, at pananampalataya ni Mar, kaya ang construction worker noon, CEO na ngayon.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Nagsa-sideline akong mag-hollow blocks, laborer at construction worker, semento, taga-pala," ani Mar Dio, isa na ngayong multi-millionaire na may sariling construction firm.
PHOTO/S: YouTube (KMJS via GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results