PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cagayan's Hardworking Popcorn Boy

“Pag may pangarap, gagawin lahat.”
by KC Cordero
Published Oct 17, 2023
Bryan Kim selling popcorn
“Idol” ang tawag ng netizens kay Bryan Kim Gonzales Deleon, na nagtitinda ng popcorn sa loob ng university na pinapasukan para may panggastos sa pag-aaral. (Photos courtesy of Tambully, and Andrea Faye Combate)

Bilib ang netizens kay Bryan Kim Gonzales Deleon, isang estudyante ng Cagayan State University (CSU) Aparri campus.

Ang 23-year-old residente ng Barangay Jurisdiction sa Lal-lo, Cagayan, ay binansagang “Popcorn Boy ng CSU A.”

Kumalat kasi sa social media ang kanyang mga larawan habang nagtitinda ng popcorn sa loob ng university.

Read: Content creator kinain ang isdang puno ng tapeworms para mag-viral

Bryan Kim selling popcorn

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet Murph, ang asong may “self-portrait” sa dibdib

Ang pagpupunyagi ni Bryan Kim na matapos ang kanyang pag-aaral sa sariling sikap—sa pamamagitan ng pagtitinda ng popcornay ibinahagi ng Philippine Information Agency-Cagayan (PIA-Cagayan) sa Facebook page ng ahensiya noong September 22, 2023.

Ayon sa mga nakakakilala kay Bryan Kim, hindi raw ito nahihiyang magtinda ng popcorn sa paaralan dahil ang kikitain niya ay pandagdag sa kanyang mga gastusin sa pag-aaral.

Read: Things you need to know about trending app AI Yearbook

Umani ng papuri si Bryan Kim mula sa maraming netizens.

Ayon sa isang comment, “Sobrang bilib talaga kay Kuyang popcorn guy. Salute sa iyo po. Keep it up. Daan ka sa AVR, Kuya!”

May tumawag din sa kanya na idol, "Si idol pala ito. Lagi itong kumakausap sa akin at nagsi-sir kahit di ako ROTC officer. Ingat lagi, idol.”

Read: PHP128K controversial coat ni Chot Reyes, naka-display na sa FIBA Museum

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Photo of popcorn

Read: Babae nilason ng karelasyon ng ex-BF sa araw mismo ng kanyang birthday

Hiling naman ng mga kakilala ni Bryan Kim, “Bumili kayo sa kanya pag nakita niyo siya, guys.

"Masarap yung popcorn na tinda niya. Suki pa niya ang mga educ [education students].”

Sambit naman ng isa, “Saludo, Kuya!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Papuri naman ng isang netizen, “Pag may pangarap, gagawin lahat.”

Bukod sa pagtitinda ng popcorn, may iba pang pinagkakakitaan ang masikap na estudyante.

Read: Meet Jeanne Nicci Orcena, Miss Universe Philippines 2022 candidate na board topnotcher

Bryan Kim painting

Read: Model rumampa sa fashion show suot ang mga buhay na isda

Ayon kay Ma’am Lorna Baccay, naging principal ni Bryan Kim noong high school sa Camalaniugan National High School, mabait at masipag na estudyante noon sa kanilang paaralan ang tinaguriang popcorn boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-e-extra work nga siya sa school, at siya ang pinagpinta ko sa pader ng bahay namin noong walang pasok.”

Napag-alaman din mula sa Facebook page na Tambully na unang nag-feature kay Bryan King na siya mismo ang nagpe-prepara ng itinitindang popcorn.

Gumigising siya nang maaga para magluto, at siya rin ang naglalagay sa mga plastic bags.

Bukod naman sa kanyang kasipagan, pinuri rin ng netizens ang kalidad ng tindang popcorn ni Bryan Kim.

Anang isa na nakabili sa kanya, “Popcorn na di tinipid sa cheese powder.”

Read: African mask, binili for PHP8K, nasa PHP249M pala ang halaga

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Idol” ang tawag ng netizens kay Bryan Kim Gonzales Deleon, na nagtitinda ng popcorn sa loob ng university na pinapasukan para may panggastos sa pag-aaral. (Photos courtesy of Tambully, and Andrea Faye Combate)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results