Nakapila na si Joey Reyes simula noong Lunes, October 16, 2023, sa isang Apple store sa Makati City para sa launching ng iPhone 15 sa Pilipinas last October 20, Biyernes.
Bumiyahe pa siya mula Cebu City para sa event.
Officially, siya ang unang nakabili ng iPhone 15 sa Pilipinas.

Joey Reyes (in red), ang first buyer ng iPhone 15 sa Pilipinas.
Ibinahagi niya sa panayam ng iba’t ibang media na sadya niyang iniipon ang kanyang kinikita sa pagtatrabaho para bumili ng latest model ng iPhone dahil para sa kanya, isa itong investment.
Matatandaan na siya rin ang pinakaunang nakabili last year ng iPhone 14 sa store kung saan din niya binili ngayon ang kanyang iPhone 15 Pro Max.
Read: iPhone 15 available for pre-order via SM Malls Online app, Power Mac Center, Lazada
WHO IS JOEY REYES?
Bilang back-to-back official first owner ng iPhone 14 at iPhone 15, marami ang na-curious kung sino ba si Joey Reyes.
Sa panayam sa kanya ng media last year, sinabi niyang nagtatrabaho siya bilang sales staff sa isang mall sa Manila.
Hindi malaki ang suweldo niya. Pero pinag-iipunan talaga niya sa loob ng mahigit isang taon ang ipinambibili niya ng paboritong gadget.
Read: Joey Reyes, 1st iPhone 14 customer after one year nag-ipon, 41 hours pumila sa Apple store

Aniya, “Sales lang ako. Pangarap kong magka-iPhone. Tiniis ko po... budget-budget para makabili nang bago kasi love ko talaga.”
Nagtipid umano siya sa pagkain, pamasahe, at gastusin, “Yung mga kaibigan ko sa trabaho, nanghihingi lang ako ng ulam.
"Yung pambili ng ulam, inilalagay ko sa alkansiya ko.
“Minsan, nakikiangkas sa katrabaho. Nag-ambag din ang ibang kaibigan ko.”
Noong 2019, siya rin ang unang nakabili ng iPhone 11.
Ang masaklap, “Yung cellphone kong una, iPhone 11, nanakaw.
“Pauwi na ako, malakas ang ulan. Hindi ko namalayan na yung cellphone ko ay nahablot na pala.”
Read: First-gen factory sealed 2007 iPhone, nabenta ng mahigit PHP3M
NABATIKOS NG NETIZENS
Dahil sa mga sinabi noon ni Joey ay nabatikos siya ng netizens.
Partikular na tinukoy ng mga tumuligsa sa kanya ang senaryo na tinitiis niya ang sarili para lang makaipon ng pambili ng iPhone.
Mas mahalaga pa raw kay Joey ang gadget kaysa sa pagkain.

Read: Magkano ang iPhone 15, at anu-ano ang key features?
Kinutya rin siya dahil sa panghihingi ng ulam sa mga kasamahan sa trabaho, at pag-angkas para makatipid sa pamasahe.
Ginawa rin umano nitong charity ang sarili dahil umaamot ng ambag sa mga kaibigan bilang dagdag sa kanyang pambili ng iPhone.
Ang presyo ng iPhone 14 nang unang ilabas sa Pilipinas ay nagsisimula sa PHP61,000.
Nasa PHP84,990 naman ang bagong labas na iPhone 15 Pro Max.
Nanatili namang tahimik si Joey sa mga batikos noon sa kanya. At ngayon pa lang, marami na ang kanyang bashers.
May mga nagkomento na pumayat daw ngayon si Joey dahil sa pagtitipid para lang makabili uli ng bagong unit.
Read: 1990s Apple shoes na ultra-rare, PHP2.7 milyon na ang presyo
IN DEFENSE OF JOEY
Paalala naman ng Facebook user na si Doi Lao sa mga bashers ni Joey, “Huwag kayong bitter.”
Ani Doi, marami ang nagtatawa at umaalipusta kay Joey dahil sa effort nito, pero para sa mga critical thinker, maa-appreciate ang logic sa aksyon nito.
“As entrepreneurs, we invest our savings and time into ventures we believe will succeed, even when others doubt us and question why we embarked on our business journey.
“People may attempt to undermine us in various ways, but little do they know that each investment, every moment, and all the energy we put in are geared towards realizing our dreams and maximizing the potential of our hard work.”

Read: YouTuber gumawa ng fully functional 8-foot iPhone 14 Pro Max
Kagaya aniya ni Joey na matiyang pumila simula noong Lunes para makabili ng iPhone 15 mula sa perang matiyaga nitong inipon.
Sambit ni Doi, “This is his dream, and in the future, owning the number one phone for two consecutive years will hold significant value, particularly as a collector's item.”
Paalala pa niya, “Let's support each other's happiness. Instead of trying to bring people down when you see them happy, remember that true happiness is about contentment, and that is where real value lies.”
Read: Selyadong 2007 1st Gen iPhone, nabenta ng PHP10 milyon
