PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Batang lalaki, nag-viral sa pagiging maginoo sa loob ng tren

“Chivalry is not dead”
by KC Cordero
Published Oct 24, 2023
Photo of the young gentleman
Marami ang pumuri sa pagiging gentleman ng batang lalaki na nagpaupo ng babaeng pasahero sa train at pagmamalasakit nito sa inang natutulog. Rare sight ito sa panahon ng “Generation Me."

Bihira na ngayon sa mga lalaki ang nagbibigay ng kanilang upuan sa mga babae kapag nasa public transportation.

Bihira na ring makakita ng lalaking pinagbubukas ng pinto ang matatanda o babae.

Sa pagsulong ng esquality at women empowerment, ang nakaugaliang pagiging maginoo ng mga lalaki sa mga babae ay unti-unti nang nawawala.

Pero isang viral photo na mula sa China ang nagpatunay na chivalry is not dead.

Read: Lumang takip ng manhole, naging artwork na collector’s item

Tampok dito ang isang batang lalaki na hindi pinangalanan.

Ayon sa mga nakasaksi, lulan siya at ang kanyang ina ng Chengdu Metro Line 2 sa Sichuan, China.

Read: Joey Reyes first buyer ng iPhone 15; first buyer din ng iPhone 14 last year

Pagsakay pa lang sa tren ay tumutulong na siya sa pagbubuhat ng mga dala-dalahan ng kanyang ina.

Magkatabi sila sa upuan.

Nang may sumakay na babaeng pasahero na may tulak-tulak na stroller at may kasamang baby, agad tumayo ang bata at ini-offer ang kanyang upuan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lalaki manikin sa araw, magnanakaw sa gabi

Photo of the young gentleman

Read: Board passer Ryan Hernandez: “Let me be the inspiration para sa mga tamad, gala at eme-eme nung college.”

Binitbit din niya ang ilang dala-dalahan nilang mag-ina habang nakatayo siya.

Hindi pa rito nagtapos ang ipinakitang kabaitan ng bata.

Dahil marahil sa pagod ay sumandal ang kanyang ina sa hawakan at pumikit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang makita ng bata na nakatulog ang kanyang ina, kinuha niya ang dala-dalahan nito at siya ang nagbitbit.

Agad din niyang inilagay ang kanang braso para maging unan ng kanyang ina kahit may nakasakbat na bag sa kanyang balikat.

Read: Estudyante, na-starstruck sa nakitang dazzling white deer: “It was beautiful and so cute."

Ang pagiging maginoo ng batang lalaki ay ibinahagi ng Shanghaiist, isang Chinese news website.

Nag-viral ito sa iba’t ibang social media sites, at ibinalita rin maging ng international press.

Marami ang pumuri sa bata.

Komento ng isang netizen, tulungan siya na mahanap ang batang lalaki dahil gusto niyang ito ang mapangasawa ng kanyang anak na babae.

Ayon naman sa news site na Rachfeed, rare breed ang batang lalaki sa panahon ngayon ng "Me Me Me generation," na anak ng mga baby boomers, na kabilang naman sa self-involved na "Me Generation."

Read: Lalaki takot sa babae; 55 years nang hindi lumalabas ng bahay

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marami ang pumuri sa pagiging gentleman ng batang lalaki na nagpaupo ng babaeng pasahero sa train at pagmamalasakit nito sa inang natutulog. Rare sight ito sa panahon ng “Generation Me."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results