PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

“Pumanaw na ang mundo’|im_end|>

“Bobi is one of a kind.”
by KC Cordero
Published Oct 25, 2023
Bobi with his vet
Noong tuta pa lang si Bobi ay muntik na siyang mailibing nang buhay dahil marami ng alagang aso ang may-ari sa kanya. Mabuti na lang at nailigtas siya ng anak ng may-ari, at siya pa ang kinilala ng Guinness World Records bilang pinakamatandang asong nabuhay sa mundo. (Photo courtesy of Dr. Karen Becker)

Pumanaw na si Bobi, ang itinuturing na pinakamatandang aso sa buong mundo, last October 21, 2023.

Officially, si Bobi ay tumagal ng 31 years and 165 days.

Isang Portuguese mastiff, ipinanganak siya noong May 11, 1992, at inalagaan ng kanyang fur parent na si Leonel Costa sa Conqueiros, Portugal.

Photo of Bobi

Read: Batang lalaki, nag-viral sa pagiging maginoo sa loob ng tren

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa unang nag-anunsiyo ng pagpanaw ni Bobi at nagbigay sa kanya ng tribute ang Guinness World Records GWR).

February 2023 nang gawaran si Bobi ng GWR ng pagkilala bilang “the world’s oldest dog ever.”

Ang kanyang birthdate ay nakumpirma na nakarehistro noon pang 1992 sa veterinary service ng central Portuguese municipality of Leiria.

Na-verify rin ang kanyang edad mula sa pet database na pinamamahalaan ng National Union of Veterinarians ng Portugal.

Ang veterinarian ni Bobi na si Dr. Karen Becker ang nag-anunsiyo ng kanyang pagpanaw.

Read: Wrong spelling sa tattoo, ikakagalit mo?

Facebook post about Bobi's death

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lumang takip ng manhole, naging artwork na collector’s item

Pahayag ni Dr. Karen sa kanyang Facebook post na may kalakip na larawan ni Bobi, “Last night, this sweet boy earned his wings.

“Despite outliving every dog in history, his 11,478 days on Earth would never be enough, for those who loved him.”

Ang breed ni Bobi na ginagamit bilang livestock guard sa mga farm ay karaniwang tumatagal ng hanggang 12 to 14 years.

Read: 143 sites sa Luzon, itinayo para gunitain ang pamilya Marcos—UP study

BOBI INILIBING NANG BUHAY NOONG TUTA PA

Ang itinagal ni Bobi sa mundo ay kamangha-mangha lalo pa at masalimuot ang kanyang mga pinagdaanan bilang tuta.

Nang ipanganak siya at ang tatlo pa niyang kapatid na mga lalaki rin ay itinuring silang “surplus” at hindi na kayang alagaan ng may-ari.

Ginawan na sila ng hukay at inilibing nang buhay, pero nasaklolohan si Bobi ni Leonel, isa sa mga anak ng may-ari sa mga tuta.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Eight years old pa lang noon si Leonel.

Read: Lalaki manikin sa araw, magnanakaw sa gabi

Pagbabahagi ni Leonel, “Unfortunately, at that time, it was considered normal by older people to bury the animals in a hole so that they would not survive.”

At dahil ayaw ng kanyang parents sa tuta, inalagaan niya ito sa kanilang tambakan ng kahoy na malayo sa kanilang bahay.

Gayunpaman, nang lumaki na si Bobi ay naging bahagi na rin ito ng pamilya nina Leonel.

Read: Joey Reyes first buyer ng iPhone 15; first buyer din ng iPhone 14 last year

SIKRETO SA MAHABANG BUHAY NI BOBI?

Paliwanag ni Leonel, humaba ang buhay ni Bobi dahil lumaki ito sa isang kalmado at payapang kapaligiran.

Mahilig itong tumakbo sa malawak na lupa kasama ang iba pa nilang aso, at maayos ang pagkain nito.

Read: Board passer Ryan Hernandez: “Let me be the inspiration para sa mga tamad, gala at eme-eme nung college.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Photo of Bobi

Read: Estudyante, na-starstruck sa nakitang dazzling white deer: “It was beautiful and so cute."

Kuwento ni Leonel, “What we ate, they ate, too.”

Ibinababad pa umano niya sa tubig ang pagkain ni Bobi para matanggal ang mga seasonings.

At mukhang sadyang mahaba ang buhay ng bloodline ni Bobi.

Ang kanyang ina ay nabuhay sa loob ng 18 taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang kilalanin si Bobi ng GWR bilang oldest dog, sinabi ni Leonel na, “We see situations like this as a normal result of the life that they [dogs] have. But Bobi is one of a kind.”

Bumaha naman ang pakikiramay sa mga nagmahal kay Bobi, at ang mensaheng “Run free, Bobi" sa social media matapos ianunsiyo ang pagpanaw niya.

Read: Lalaki takot sa babae; 55 years nang hindi lumalabas ng bahay

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noong tuta pa lang si Bobi ay muntik na siyang mailibing nang buhay dahil marami ng alagang aso ang may-ari sa kanya. Mabuti na lang at nailigtas siya ng anak ng may-ari, at siya pa ang kinilala ng Guinness World Records bilang pinakamatandang asong nabuhay sa mundo. (Photo courtesy of Dr. Karen Becker)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results