“I TOPPED my Nursing Licensure Examination, ranking number 1!”
Bahagi ito ng post ni Cris Vinz C. Tomboc matapos lumabas ang resulta ng board exam noong December 1, 2023.
Nakakuha siya ng 91% sa PNLE.
Si Vinz ay tubong-Sultan Kudarat at nagtapos ng nursing sa West Visayas State University.
Dugo at pawis ang puhunan niya para maging Top 1. Walo hanggang labindalawang oras ang ginugol niya sa pagre-review araw-araw sa loob ng apat na buwan.
Higit sa lahat, mahusay ang kanyang review strategy.
Ibinahagi ni Vinz sa phone interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isang online app na malaki ang naitulong para madaling makabisado ang mga pinag-aaralan.
“I used an app called Anki, which facilitated answering exam questions without difficulty, as if retrieving information from my mind like a search on Google.
“I have also answered 20,000-30,000 questions to gear myself up for what was to come.”
For mastery, paulit-ulit lang talaga siyang nagsaulo.
“I have memorized over 8,000 nursing flashcards, studying around 500-1000 daily, repeatedly, until I committed them into long-term memory.
“Dapat maaalala ko po siya kaya pinapaulit-ulit ko po during my day-to-day.
"Yung 500 to 1,000 [flash cards] daily, parang yung app...siya na ang magsi-set po anong flashcards na ilalabas niya sa iyo per day.”
VINZ'S MOTIVATION
Binanggit din ni Vinz ang isang quote mula sa favorite singer niyang si Lady Gaga: “If you have a dream, fight for it.”
Ito raw ang nakalagay sa kanyang iPad para lagi siyang ganahan.
Aniya pa, “Ang mantra ko po kasi during review is, if I'm working hard, there's someone else out there na nag-work harder po. So I should strive my best to like, work the hardest.
“If hindi ka mag-work hard, may mas matalino pa sa iyo or may hardworker pa sa iyo.
“Gusto kong i-achieve yung Top 1. Ito yung pinanghahawakan ko. Ito yung gusto kong makamit.
“Need ko pa mag-work harder kasi mayroon po out there na student na baka nag-study pa more, so need ko pa mag-work harder.
"Pero not to the point na bine-burn out ko naman self ko. May times naman na for fun.”
Istrikto ang binata sa oras ng review.
“I adhered to a strict daily study schedule, mindful of every hour.”
Read:
- Meet Ianne Gamboa, bar passer na first trans woman valedictorian ng PUP
- 62-year-old mom and office employee passes bar exam: “First take ko.”
- Meet Jigger Geverola: Bar passer behind bars; mastermind sa pawnshop robbery
VINZ's MEMORABLE EXAM DAY
Nung araw na nag-take siya ng board exam, tinamaan ng lagnat si Vinz. For two days ay literal daw na dumudugo ang kanyang ilong.
“Like full on lagnat po, probably around 38-degree Celsius yung temperature ko.
“Feel ko binawi po nung body ko, e. Baka na-fatigue na.
"During the first part and second part ng exam—since limang parts po—yung dugo po nung ilong ko literal na dugo, tumutulo lang siya for ten to fifteen minutes.”
Pero wala namang epekto ito sa determinasyon ni Vinz.
“Kinabahan nga parents ko, pati mga advisers ko and mentors ko.
"Sabi nila, ‘Oh my God, okay ka lang ba? Dumugo yung ilong mo,' ganoon... 'Baka hindi mo makakayanan.’
“Sabi ko, hindi ako magpapa-affect sa lagnat ko. Nandito ako para ipasa yung board exam. Yung number one goal ko po mag-top po talaga sa board.”
ONE HABIT THAT VINZ CHANGED
Pag-amin ni Vinz, isa siyang procrastinator noon. Pero alam niyang hindi ito makakatulong kung nais niyang mag-top sa board.
Dinisiplina ang sarili nang magsimula nang mag-review para sa board.
“And yun po, nag-work po talaga sa akin yung ginawa ko during board preparation: to check on myself, to be disciplined with the time, at binabantayan ko po every oras kung anong gagawin ko.
“Ang ganda po talaga if nagsi-set ka po talaga ng goal, if your number one goal po talaga ay mag-top.
“Parang namo-motivate ka po talaga, parang walang makakapigil sa akin.”
Ano naman ang susunod niyang plano?
"For now po, kukuha muna ako ng experience as a staff nurse kasi gusto ko po talaga maging nurse here sa Philippines.
" And, most likely, probably dito lang po din near sa amin since na-miss ka po itong place namin."
