May nanalo na!
Si Willis Gibson, 13, ang pinaniniwalaang kauna-unahang tao sa mundo na tinalo ang Tetris sa original Nintendo Entertainment System.
Bago ito nagawa ni Willis—na mula sa Stillwater, Oklahoma, USA—ang unang tumalo sa Tetris sa Nintendo ay artificial intelligence o AI.
Read: Woman pregnant in each of her 2 uteruses gives birth to babies on different days
Ang Tetris ay isang puzzle video game na nilikha ni Alexey Pajitnov, isang Soviet software engineer.
Nagkaroon ito ng initial release noong June 6, 1984.
Nilalaro ito sa mahigit 65 platforms, kabilang ang Nintendo Entertainment System (NES) at Game Boy.
Bahagi na ang Tetris ng popular culture. Hawak din nito ang Guinness World Record bilang “most ported video game.”

Read: Senior High School program sa state and local universities and colleges, ititigil na
Sa YouTube video na inilabas ng news website na Today last January 3, 2024 ay naka-livestream si Willis nang umiskor siya ng 999,999 points sa Level 157.
Nakarating siya sa "kill screen" ng Tetris—ang punto kung saan nagka-crash ang game dahil hindi na kayang umabante pa ng software sa panibagong level.
Umabot lang ng 38 minutes para matalo niya ang game.
Nag-post din si Willis ng video sa YouTube noong December 21, 2023—ang petsa kung kailan niya na-achieve ang pambihirang feat—na ipinapakita ang kanyang reaction nang mag-freeze na ang game.
Bulalas ni Willis sa video, "Oh my God! Yes! I'm going to pass out.
“I can't feel my hands."
Read: Lost wallet in 1958 returned to owner's family in 2023

Ang teenager na si Willis Gibson, na siyang "pinakaunang tao" na tumalo sa Tetris.
Maraming netizens ang humanga kay Willis.
Ayon sa isang nagkomento, superhuman ang 13 anyos.

Read: Misis natuklasang may other family ang mister dahil sa loan
Isa si Willis sa competitive Tetris players na gumagamit ng technique na tinatawag na "rolling."
Sa paraang ito, pinaiikot ang mga daliri ng isang kamay sa likod ng NES controller para itulak ito sa isang kamay.
Dahil dito, napi-press ang directional pad nang mahigit 20 beses sa loob ng isang segundo.
Third placer din si Willis sa ginanap na Tetris World Championship last October 2023.
Read: Inspiring story of Angelo Lozano, BS Forestry cum laude and Top 5 in board exam
Ayon kay Vince Clemente, president ng Classic Tetris World Championship, kapag ang nagawa ni Willis ay nakumpirma, opisyal na idedeklara ang binatilyo bilang pinakaunang tao na tumalo sa NES version ng Tetris.
Ani Vince, wala pang tao na nakagawa nito sa 35 years ng Tetris.
Dagdag pa niya, "It's basically something that everyone thought was impossible until a couple of years ago."
