PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Carmen Dell’Orefice: World’s oldest working model

Rumarampa kahit 92 na.
by KC Cordero
Published Jan 12, 2024
Photo of Carmen Dell’Orefice then and now
Aktibo at in-demand pa rin si Carmen Dell’Orefice sa pagiging fashion model at magazine cover girl. “One of the secrets to maintaining beauty is doing what you do for a baby, nurturing and feeding the baby with love. That’s what we should do with ourselves—nurture ourselves, love ourselves, and give that kind of energy to ourselves.”

Si Carmen Dell’Orefice, 92, ng New York, USA, ang itinuturing na “oldest working model in the fashion industry.”

Ipinanganak siya noong June 3, 1931.

Siya ay 13 years old noong nadiskubre ng misis ng photographer na si Herman Landschoff sa bus habang siya ay papunta sa ballet class.

Read: 13-year-old teenager pasok bilang Louis Vuitton intern dahil sa kanyang viral sketches

Photo of young Carmen Dell’Orefice

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: VIRAL: Boyfriend's tarpaulin for girlfriend on 2nd monthsary

Pero ang unang sabak ni Carmen sa fashion world ay hindi naging matagumpay.

Bagaman at meron siyang mga test photos courtesy of Herman, wala siyang naging proyekto.

Naging paboritong model naman siya ng photographer na si Erwin Blumenfeld, na instrumental sa pagiging cover girl niya ng Vogue Magazine sa kauna-unahang pagkakataon. Siya ay 15 years old noon.

Fast forward to 2023, matapos ang halos walong dekada, naging cover muli si Carmen ng Vogue sa Czechoslovakia.

Read: Mickey Ears cosmetic procedure sa pets, gustong ipa-ban ng mga veterinarians

Carmen Dell’Orefice's childhooD

Sa ulat ng news website na Oddity Central last January 9, 2024, binanggit na lumaki sa hirap si Carmen.

Noong kabataan niya ay kapos sa gastusin ang kanyang pamilya.

Sa katunayan, nang magsimula siyang maging model ay malnourished siya, at kinakailangan pang lagyan ng aspile ang kanyang mga damit para maganda ang fit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 4-year-old boy, nagregalo ng gold bar worth PHP835K sa babaeng classmate as “engagement gift”

Young Carmen as Vogue cover

Read: Mickey Ears cosmetic procedure sa pets, gustong ipa-ban ng mga veterinarians

Para naman magkaroon siya ng kurba, nilalagyan ang kanyang katawan ng tissue paper.

Wala silang telepono sa bahay kaya nag-assign ang Vogue ng magpapaalala at susundo sa kanya kapag mayroon siyang shoots.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gayunpaman, ang kinikita ni Carmen bilang model ay kapos pa rin para masuportahan ang kanyang pamilya, kaya tuloy pa rin ang pamamasukan ng kanyang ina bilang mananahi.

Read: Interesting! 1996 calendar can be reused this 2024

CARMEN DELL’OREFICE'S LOVE LIFE

Naging makulay ang love life ni Carmen, pero sa huli ay sawi siya sa pag-ibig.

Noong 1952 ay pinakasalan niya si Bill Miles, at nagkaroon sila ng isang anak na babae.

Sa kasamaang palad, oportunista ang lalaki.

Ito ang kumukuha ng kanyang kinikita sa pagiging model, at binibigyan lang siya ng allowance na US$50 sa bawat tseke na natatanggap sa modeling agency.

Nakipaghiwalay si Carmen kay Bill noong 1953.

Pinakasalan naman niya ang photographer na si Richard Heimann, at nagsama sila mula 1959 hanggang 1960.

Iniwan siya nito nang magdesisyong magretiro na sa pagmomodelo.

Read: Gokongwei at Zobel groups sanib-puwersang susuportahan ang UP Fighting Maroons

Photo of Carmen Dell’Orefice now

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Brunei Prince Abdul Mateen, ikakasal na; 10 days idaraos ang magarbong royal wedding

Noong 1963 ay nagpakasal si Carmen sa architect na si Richard Kaplan.

Biro niya, pinili niyang mag-asawa muli ng isang "Richard" para hindi na siya malito sa pagtawag sa pangalan nito.

Naghiwalay sila noong 1974 dahil sa hedonistic lifestyle ni Richard na hindi masakyan ni Carmen.

Pagtatapat niya, nagpa-boobs enhancement pa siya para lang pasayahin ang ex-husband.

Hindi na nag-asawang muli si Carmen simula noon.

Read: 13-year-old boy, pinakaunang tumalo sa Tetris ng Nintendo

MAS NAGING HOT COPY NANG MAGBALIK SA PAGMO-MODEL

Nagkaroon ng financial problem si Carmen nang pansamantalang magretiro, at nagdesisyon siyang bumalik sa pagmomodelo noong 1978.

Naging mabilis sa kanya ang pagbabalik sa fashion industry, at muling naging laman ng mga magazines kahit 57 years old na siya noon.

Dahil wala nang love life, naituon niya ang panahon sa trabaho.

Bukod sa magazine photo shoots, naging bahagi rin si Carmen ng advertising campaigns at rumampa sa catwalk suot ang iba’t ibang fashion brands.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Woman pregnant in each of her 2 uteruses gives birth to babies on different days

Photo of Carmen Dell’Orefice as Vogue cover

Read: Lost wallet in 1958 returned to owner's family in 2023

Nang sumapit na siya sa edad na tumatanggap na siya ng pension, tuloy pa rin siya sa pagmomodelo.

Aniya nang matanong kung ano ang kanyang beauty secrets, “Men and women should care for themselves and love themselves. One of the secrets to maintaining beauty is doing what you do for a baby, nurturing and feeding the baby with love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“That’s what we should do with ourselves—nurture ourselves, love ourselves, and give that kind of energy to ourselves.”

Noong 2022, sa edad na 91 ay naghubad si Carmen para sa isang risqué photo shoot.

Bukod naman sa pagiging cover ng Vogue Czechoslovakia noong isang taon, naging cover din siya ng L’Officiel India, at ng Schön China.

Ang kanyang net worth ay US$1.2 million, ayon sa estimate ng website na Idol Networth.

Isa si Carmen sa mga nagpapatunay na “age is just a number”—at may mga tao na parang alak—mas lalong sumasarap habang tumatagal.

Read: Misis natuklasang may other family ang mister dahil sa loan

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aktibo at in-demand pa rin si Carmen Dell’Orefice sa pagiging fashion model at magazine cover girl. “One of the secrets to maintaining beauty is doing what you do for a baby, nurturing and feeding the baby with love. That’s what we should do with ourselves—nurture ourselves, love ourselves, and give that kind of energy to ourselves.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results