Sa tweet ni Revs, isang teacher sa India, ibinahagi nito ang kagulat-gulat na pagbabago ng pala-away na estudyante niya noon na si Alisha.
Sa kanyang tweet last March 21, 2024 sa X (formerly Twitter) gamit ang handle na @Full_Meals, nag-upload din si Revs ng then-and-now photos nila ni Alisha.
Read: Employee asked by former employer for laptop password 6 months post-termination; netizens react

Read: "World’s Narrowest House" built to spite a neighbor
Aniya sa kanyang caption, “There is a gap of 13 years between the two pics.”
Pagbubunyag ni Revs, si Alisha ay “one of the naughtiest kids” sa kanyang klase.
May reputasyon umano ito na matapang at walang tiyaga.
May nakapagkuwento rin noon kay Revs na isang kaklaseng lalaki ni Alisha ang natanggalan ng ilang ngipin matapos nitong sapakin.
Kinukulit daw kasi ito ng kaklaseng lalaki, at napikon kaya sinapak.
Pinaalalahanan din si Revs ng ibang teacher sa kanilang school na isang malaking sakit ng ulo si Alisha.
Read: Largest frogs on Earth at risk of extinction
REVS NAGING INSPIRASYON NI ALISHA
Sa isa pang tweet ni Revs ay isinalarawan niya si Alisha na walang sinusunod kundi ang sariling kagustuhan.
Aniya, “Doing what she wanted to do when she wanted to do it.”
Pero natuklasan niya na napakatalino ni Alisha. Yun nga lang, wala itong tiyaga sa ibang bagay.
Patuloy ni Revs, “I spent my entire time as a teacher worrying about what would happen to her and if she would become disciplined, find purpose in education, complete schooling and do something to help her better the circumstances of her life.”
Read: Husband ends 16-year marriage after learning sad truth: 4 kids are not his
Makalipas ang dalawang taon, lumipat na si Revs sa ibang eskuwelahan.
Nagulat na lang siya nang minsan ay may ipinabasa sa kanya ang isang teacher sa dati niyang pinagturuang school na essay na sinulat ni Alisha.
Ang topic ng essay ay, “Which person do you admire the most.”
Sa essay ay binanggit ni Alisha na si Revs ang taong hinahangaan.
Binanggit ng pasaway na estudyante kung paano binago ni Revs ang buhay nito.
Ayon sa essay ni Alisha, ipinaliwanag ni Revs dito ang importansya ng pagiging responsable sa pag-aaral gaya ng palagiang pagpasok nang maaga sa school, pagiging alerto sa mga aralin, at paggawa ng homework.
Read: VIRAL: Guy wears T-shirt with QR code to find date at Ed Sheeran concert

Read: Meet Fedya, a cat who looks like cartoon character
Hindi rin umano iniinsulto ni Revs ang kanyang mga estudyante, at nagmistula itong isang mabait na nanay sa kanilang lahat.
Ang photo ng sinulat na essay ni Alisha ay nai-post din ni Revs sa X.
Aniya, “I remember reading this and being completely overwhelmed with emotion.”
Inamin naman ng teacher na nalulungkot siya noon kapag naiisip si Alisha dahil baka hindi nito ipagpatuloy ang pag-aaral.
Gusto niyang umangat ang kalagayan nito sa buhay at malampasan ang mga pagsubok na kinakaharap nito sa piling ng pamilya.
Hindi man buong idinetalye ni Revs, nagbigay siya ng pahiwatig na bahagi ng negative attitude ni Alisha ang kung anumang mga challenges na pinagdadaanan ng estudyante sa sarili nitong tahanan at pamilya.
“Not to mention the significant challenges she faced at home of a dead-beat father, a mother who would work from 4:00 a.m. to 9:00 p.m. everyday selling fish, and two siblings and the responsibility of contributing to home.”
Read: Stolen iPhone worth PHP40K used as payment for meal worth less than PHP300
ALISHA NAGING GURO PARA SA SPECIAL-NEEDS CHILDREN
Kuwento pa ni Revs, “We continued to remain in touch as she did college during the pandemic, felt lost and confused about what she should do and what degree she should pursue.”
At kahit mahirap ang sitwasyon at kasagsagan ng pandemic nang magkolehiyo si Alisha, nagawa nitong makapagtapos.
Ngayong 2024, isa na itong ganap na guro sa isang prestigious school sa Mumbai, at nagtuturo sa mga batang may special needs.
Read: Here's the correct way to hang toilet paper roll, according to experts
Nang tanungin si Alisha kung bakit niya pinili ang pagtuturo bilang propesyon, at sa mga with special-needs children pa, ibinigay nito ang kredito kay Revs.
Ayon sa dating batang pasaway na isa na ngayong guro, nagpapasalamat siya kay Revs dahil sa naging paniniwala nito na may mararating siya sa buhay.
Sinabi rin niya na gusto rin niyang makatulong sa mga batang gaya niya noon anapasaway at minamaliit ng iba.

Pinusuan ng netizens ang tweet ni Revs.
Nagpasalamat sa kanya ang mga X users dahil napangiti umano niya ang mga ito, at ang kanilang kuwento ni Alisha ay humahaplos sa puso.
Komento ng isang netizen, “What a wonderful thread. Goes to how the impact you had on her; this is so beautiful and humbling. Much love to you both."
Sambit naman ng isa pa, “What a tremendous impact you've had and look at the outstanding results.
“Sometimes our tiniest efforts leave major imprints, and we don't even realize them.”
Read: Romance novelist Xia Shu dies at age 29 after battle with rare disease syringomyelia
Para naman kay Revs, isa sa pinaka-memorable na bahagi ng kanyang pagiging guro ay nang mahawakan niya ang batch nina Alisha.
“If I had to think about the ‘one’ thing that has had the deepest and widest impact on my life, it would be the TFI Fellowship and being a teacher.
“The experience of spending two years teaching 20 kids in a small chawl in a rundown school in Mumbai—kids whom most people had given up on.”
Read: Resort sa Chocolate Hills sa Bohol, hindi accredited ng DOT
