Dalawang batang lalaki mula sa lalawigan ng Rizal ang nakatanggap ng Batang Bayani Award mula sa Calabarzon Regional Police Office (PRO 4A).
Ang paggagawad ng award ay ginanap noong April 9, 2024 sa Rizal Provincial Police Office (RPPO) headquarters sa bayan ng Taytay, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan.
Pinagkalooban ng parangal ang dalawang bata dahil sa kanilang naging papel para mapigilan ang naganap na panghoholdap sa isang convenience store sa bayan ng Binangonan noong February 2024.
Hindi na pingalanan ang dalawang bata para sa kanilang pansariling kaligtasan.
Read: Meet 19-year-old Livia Voigt, world’s youngest billionaire
Ayon kay Brigadier General Paul Kenneth Lucas, PRO4A director, unique ang ipinakitang kabayanihan ng dalawang bata kaya pinarangalan ang mga ito, “in acknowledgement of their exceptional bravery and civic mindedness in aiding police authorities in preventing a robbery.”
Si Lucas din ang personal na nag-abot ng kanilang certificates of recognition.
Read: Meet Christian John Paul Lijayan, cum laude and board topnotcher

Read: Tricycle driver's son, math genius, set to join international math olympiad
Hindi na nilinaw ng opisyal kung paano nakatulong ang dalawang bata sa mga pulis, pero sinabing ang mabilis na pag-iisip ng mga ito at desididong aksiyon ang naging dahilan para matagumpay na masakote ang suspek.
Dagdag pa ni Lucas, “Their exemplary conduct not only upheld the values of heroism but also served as an inspiration to the power of community vigilance and cooperation.”
Bukod sa award, tumanggap din ang dalawang bata ng insentibo, tig-isang pares ng sapatos, at scholarship mula sa A Better Chance Foundation, Centro Escolar University, at Provincial Group for Police Transformation and Development.
Read: Biker's heartwarming story about giving lost puppy a home
Binigyang-diin naman ni Lucas na ang naging aksiyon ng dalawang bata ay isang halimbawa na anumang edad ay maaaring makatulong sa komunidad.
"This is a proof that not only police officers like us can be heroes, but also ordinary citizens, whether young or old. Their actions will forever be linked in the history of Calabarzon and it is a matter of pride that we can share it on ‘Araw ng Kagitingan’ where we give importance to the bravery of these children.”
Ang Batang Bayani Award ay inisyatiba ng PRO4A para kilalanin at parangalan ang mga kabataang indibidwal na nagpapakita ng pambihirang tapang at responsibilidad sa kapwa sa harap ng mga pagsubok.
Read: Actor earns more than PHP500K monthly from acting out as beggar
