Binagyo, nawalan ng trabaho, naging "REYNA NG ITIK SA ANGONO"!

by Rommel R. Llanes
Published Apr 19, 2024

Dahil sa kamalasang inabot, nagbukas ng pagkakataon para kay Apolonia Morales at kanyang asawa ang isang bagong paraan ng paghahanapbuhay, na hindi lang mag-aahon sa kanila mula sa kamalasan, kundi magdadala rin ng yaman at kasikatan.

Hagupit ng bagyo

Taong 1972 nang makaranas ng dagok sa buhay ang tindera ng isda na si Apolonia.

Hinagupit kasi ng Bagyong Yoling ang bayan ng Angono, Rizal, at binaha sila.

Dahil buong bayan ang apektado, pati ang pinagkukuhanan nila ng panindang isda ay damay sa kamalasang dala ng bagyo.

Dahil dito, nawalan sila ng ikinabubuhay sina Apolonia. Nawalan sila ng trabaho.

Makalipas ang bagyo, niyaya agad ni Apolonia ang asawa para tanungin si Eto—ang pinagkukuhanan nila ng isda—kung mayroon silang maititinda.

Sagot ng asawa ni Apolonia na tila tanggap na ang kamalasang kinahinatnan, "Wala."

Dahil nga naman sa bagyo, malamang ay naapektuhan din si Eto, at posibleng wala itong maibibigay sa kanila.

Hindi naman nawalan ng pag-asa si Apolonia at nilapitan si Eto para siya mismo ang magtanong dito.

Sagot ni Eto sa tanong ni Apolonia kung may maititinda sila, "Meron."

Nagliwanag ang mukha ni Apolonia sa narinig at agad na hinarap ang sumuko nang asawa, "Sabi ko sa 'yo, meron, e."

Pero patuloy ni Eto, "Pero hindi isda... Itik!"

Inabot din daw ng baha ang mga alaga nitong itik at inalok na lang sina Apolonia na itinda ang mga ito.

kontrabidang mister

Kontra ang asawa ni Apolonia na magbenta ng itik, ngunit dahil sa hirap ng buhay at kawalan ng ibang paninda, kinagat ng tindera ang alok ni Eto.

"Kung ayaw mo, ako ang masusunod. Ako ang magtitinda. Ako ang bahala!" sagot ni Apolonia sa pangongontra ng asawa.

Hindi rin sang-ayon ang kanyang mister na mag-alok si Apolonia ng mga panindang itik sa mga nag-iinuman kung saan sila nagtitinda ng isda.

Sita pa ng mister niya, "Hindi ka ba nahihiya?"

Sagot ni Apolonia, "Ba't naman ako mahihiya, pinagnakawan ko ba yan?"

iuulam na lang

Matapos iprito ay ibinilin na lang ni Apolonia sa kanyang tiyuhin ang pagtitinda ng itik.

"Pag umabot ng alas-siyete, at wala pang nababawas," bilin daw ni Apolonia sa tiyuhin, "dalhin mo sa amin at iuulam na lang namin."

Pero bago pa man umabot ang bilin niyang oras ng pagbalik ng kanyang mga paninda, bumalik na ang kanyang tiyuhin.

Tinanong niya ito kung bakit bumalik agad para isaoli ang kanyang paninda.

Sagot ng tiyuhin ni Apolonia, "Anong isasaoli? Ubos na!"

Sobra-sobra raw ang kanyang kagalakan dahil dito.

Panoorin ang pagpapatuloy ng pagkukuwento ni Apolonia o mas kilala na ngayon bilang Nanay Plonia ng sikat na Plonia's Fried Itik, at tinagurian pang "Ang Reyna ng Itik sa Angono."

HOT STORIES

#OGChannel #OGRealStoriesRealPeople #OG #inspirational #RealStories

Production Manager: Yssa Valdez
Producers: John Henri Mariano & Yanie Cruz
Videographers: John Henri Mariano & Yanie Cruz
Researcher: Yanie Cruz
Video Editor: Yanie Cruz
Special Thanks: Ms. Apolonia Morales, Ms. Theresa Cruz, & Kon. Patnubay Tiamson

NOOD KA MUNA!

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results