Kahit na salat sa buhay, hindi sinayang ni Raymond Geoman, 23, ang pagkakataon niyang makapag-aral.
Para kay Raymond, ang makapagtapos ng pag-aaral ang nakikita niyang paraan para maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya, ayon sa ulat ng SunStar Cebu, May 3, 2024.
At masyado naman niyang ginalingan!
Nag-Top 1 si Raymond sa Registered Electrical Engineers Licensure Exam (REELE) ngayong April 2024.
Nakakuha siya ng rating na 95 percent.
Read: SUCCESS STORY: ECE board topnotcher Niele Shem Bañas
THE BOARD TOPNOTCHER'S RISE ABOVE THE CHALLENGES
Bata pa lamang, achiever na itong si Raymond kahit hirap sila sa buhay.
Nakatira ang kanyang pamilya sa mabundok na lugar sa Barangay Mantalongon, Dalaguete, Cebu.
Ang kanyang ama ay isang construction worker, habang ang kanyang ina naman ay isang housewife.
Nag-aalaga rin sila ng hayop para may dagdag-pambayad sa eskwela nilang apat na magkakapatid.
Aniya (translated from Cebuano to Tagalog): “May mga times sana na puwedeng paramihin ang mga livestock kaso mas lalong kumonti dahil kailangang ibenta ang iba para may pantustos sa school.”
THE BOARD TOPNOTCHER'S ACADEMIC ACHIEVEMENTS
Nagtapos siya bilang valedictorian sa Mantalongon Elementary School. Patuloy ang kanyang pagiging honor student hanggang high school.
Pagdating sa senior high school, nag-aral siya sa Science and Technology Engineering and Mathematics (STEM) sa Dalaguete National High School.
Read: Meet "average student" Janelle Fauni, Top 1 in midwifery exam
Pagsapit ng kolehiyo, nagawa ni Raymond na makakuha ng scholarship sa Department of Science and Technology (DOST).
Desidido siyang maging civil engineer.
Nag-enroll siya sa Cebu Institute Technology – University (CIT-U).
Pero hindi DOST-accredited for civil engineering ang kanyang eskwelahan.
Nagdesisyon siyang kumuha ng mechanical engineering, subalit nag-expire naman ang accreditation ng program sa kanyang choice of school.
Ang ending ay kumuha siya ng electrical engineering.
Bagama’t third choice lamang niya ang kurso, nag-interes na rin si Raymond.
Sa murang edad, curious na si Raymond kung paano umaabot ang kuryente sa poste sa mga bahay-bahay.
Hindi naman siya nagkamali sa kanyang piniling course dahil siya ang nag-Top 1 sa REELE.
Nagbigay rin siya ng karangalan sa kanyang eskwelahan dahil naging topnotcher muli ang kanyang campus sa board exam sa electrical engineering matapos ang walong taon.
Tulad niya, pinapahalagahan din ng kanyang mga kapatid ang edukasyon.
Si Raymond ay ikatlo sa apat na magkakapatid. Ang isang kapatid ay isa nang certified public account, at ang isa pa ay teacher naman.
Ang kanilang bunso ay graduating student sa senior high school.
