Wala na sigurong sasaya pa para sa magulang na makitang mag-graduate ang kanyang limang anak.
Pero five times ang saya ng isang magulang na limang anak ang sabay-sabay na nag-graduate.
Ito ang nangyari sa Povolo quintuplets na nagsipagtapos sa Montclair State University sa New Jersey sa U.S. nitong May 13, 2024, Lunes.
Umakyat sa entablado para tanggapin ang kani-kanilang diploma sina Marcus, Victoria, Ludivico, Michael, at Ashley.
Sabay-sabay mang nagsipagtapos, magkakaiba ng kurso ng magkakapatid, pero lahat sila ay scholars.
Naging Presidential Scholars sila sa university dahil sa matataas na grades matapos mag-graduate ng high school.

The Povolo quintuplets (L-R) Ludivico, Victoria, Marcus, Ashley, and Michael
Read: Female doctor professes love for janitor; now happily married
Pahayag ni Ludivico, a.k.a. Vico, sa ulat ng NJ.com, isang news site sa New Jersey, “It’s a little emotional, a chapter of our lives coming to an end."
Si Vico ay nagtapos ng degree sa political science.
Sabi naman ng kapatid na si Ashley, na may degree sa Education major in English, “It’s really the last thing we’ll do all together."
Ang panganay na si Victoria, major sa Biochemistry, ay nagpasalamat sa kanilang alma mater dahil hindi biro ang magpaaral ng limang anak sa kolehiyo nang sabay-sabay.
Aniya, “Without Montclair, life would not be this way for sure."
Ang kapatid nilang si Michael ay may degree sa nutrition and food science, habang si Marcus naman ay nag-major sa business administration.
Read: Cancer patient holds her funeral while still alive; dies 10 days after
QUINTUPLETS HAVE BEEN GIVEN SCHOLARHIPS
Noong 2020, naging laman ng headlines sa New Jersey ang quintuplets nang bigyan sila ng scholarships ng Montclair State University.
Ang offer ay financial aid package na may total na $250,000 (PHP14.2 million).
Maluha-luha noon ang kanilang inang si Silvia Povolo, isang assistant housekeeping supervisor sa unibersidad, gayundin ang kanilang ama na si Paolo, isang building engineer.
Ang mag-asawa ay mula sa Italy na nagpunta sa U.S. noong 1998.
Isinilang nila ang quintuplets sa New Jersey noong July 4, 2002.
Pinroblema noon ng mag-asawa ang pag-aaral ng kanilang quintuplets kaya laking tuwa nila nang mabigyan sila ng scholarships.
Inilarawan ni Silvia ang pagkakaroon ng quintuplets bilang, “crazy, beautiful, perfect, and chaotic.”
Ang quintuplets ang first-generation graduates sa kanilang pamilya.
