PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paintings of 2-year-old artist sell for PHP400K

Mabenta sa mga art collectors!
by KC Cordero
Published May 31, 2024
Photos of Laurent Schwarz while painting
Nang magpakita ng interes si Laurent Schwarz sa arts, ipinagpagawa siya ng kanyang parents ng sariling studio, kung saan malaya niyang ina-unleash doon ang kanyang creativity. (Photos courtesy of @laurents.art on Instagram)

Si Laurent Schwarz ay lumilikha ng ingay sa international art world.

Ang kanyang makulay na abstract paintings na nagpapakita ng pigura ng mga hayop ay nabenta ng mahigit US$7,000 o PHP409,734.50.

Ang kamangha-mangha: siya ay two years old.

At nagsimula ang artistic journey ni Laurent noong isang taon nang magbakasyon ang kanilang pamilya.

An Instagram post about Laurent Schwarz's amazing art skills
Isang Instagram post na nagpapakita kung gaano kahusay sa art si Laurent Schwarz. Photo: @laurents.art on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang nasa isang resort, humanga siya sa mga art pieces na nakita sa activity room.

Dito nagsimula ang kanyang interes sa art.

Halos ayaw na niyang umalis sa activity room.

Pagbalik niya sa kanilang bahay sa Germany, ipinagpagawa si Laurent ng kanyang parents ng sariling art studio.

Hinayaan siyang i-unleash ang kanyang creativity at tuklasin kung ano ang kaya niyang iguhit.

Read: Meet Devoney Scarfe, amazing pie artist

MAHILIG SA MATITINGKAD NA PAINTINGS

Tampok sa mga paintings ni Laurent ang kakaiba at pinagsama-samang abstract forms pero makikilala pa rin na pigura ng mga hayop, gaya ng elepante, na kanyang paborito, pati na rin dinosaurs at kabayo.

Ayon sa kanyang inang si Lisa, gustung-gusto ni Laurent gumamit ng matitingkad na kulay.

Hindi raw gumagamit ang bata ng mga kulay na “boring.”

Mapapansin ding malinaw para kay Laurent kung ano ang mga gusto niyang kumbinasyon ng mga kulay, batay sa kanyang mga paintings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
One of Laurent Schwarz's paintings
Ang makukulay na obra ni Laurent Schwarz. Photo: @laurents.art on Instagram

Ani Lisa sa isang panayam ng British daily newspaper na The Times of London, “They’re abstracts and what’s unusual is how he integrates discernible figures into them, which people often mention to us, and which makes them so popular.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gumawa naman si Lisa ng Instagram account at website para kay Laurent—ang laurents.art—kung saan makikita ang mga obra ng toddler.

Pagbabahagi pa ni Lisa, “I thought I’d set up a channel because what he was painting looked so nice. And that triggered a real hype.”

Mabilis dumami ang mga followers ni Laurent, at doon na nagdesisyon si Lisa na ibenta ang mga paintings ng anak.

Read: Meet Rajacenna, artist who paints with hands and feet

KINIKITA SA PAINTINGS NI LAURENT, INIIPON SA BANGKO

Mabenta sa netizens ang mga obra ng toddler.

Karamihan ng paintings ni Laurent ay ibinebenta online, pero "no artworks on commision" yet kasi, he only paints "for fun."

Nitong April 2024, inilunsad officially ang mga paintings ni Laurent sa pinakamalaking art fair sa Munich.

May mga art collectors na bumili ng kanyang mga obra.

Sa ngayon ay nakikipag-meeting na ang mga parents ni Laurent para makapagdaos siya ng art exhibit sa isang gallery sa New York City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila naman ng commercial success ni Laurent, prayoridad pa rin ni Lisa ang artistic freedom ng anak.

Hinahayaan niya ang bata kung ano talaga ang gusto nitong ipinta.

Malaya rin si Laurent na sabihin sa kanyang parents kung kailan lang niya gustong magbabad sa kanyang art studio.

Kuwento pa ni Lisa, “Sometimes he doesn’t feel like painting and doesn’t set foot in his studio for three or four weeks, but then suddenly it grabs him and he says, ‘Mama, painting.’”

Nakakasorpresa rin ang artistic awareness ng toddler.

Sa libu-libong kuwadrong naka-display sa Munich art fair, mabilis niyang naituro kung nasaan ang dalawa niyang paintings.

Laurent Schwarz identifying his paintings
Kayamg tukuyin ni Laurent Schwarz ang kanyang mga obra kahit kasama naka-display ang mga ito kasama ang paintings ng ibang artists. Photo: @laurents.art on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabalik-tanaw ni Lisa sa eksena, “He went straight up to them and said ‘Laurent painted.’”

Ang kinikita ni Laurent mula sa pinagbentahan ng kanyang paintings ay iniipon ng kanyang parents sa bangko.

Nakasaad naman sa website niya, "...what will I buy when I grow up and get the money? Definitely candies. Oh, oh and colors. Lots of colors. Even more than I already have… Candies and colors. That sounds like a good investment to me."

Magkakaroon si Laurent ng access sa kanyang bank account pagsapit sa edad na 18.

Read: Artist Myse Salonga, kabilang sina Heart Evangelista at Solenn Heussaff sa hinahangaang painters

WORLD’S YOUNGEST ARTIST IS NOT LAURENT

Sa kabila naman ng kamangha-manghang art skills ni Laurent, hindi lang siya ang toddler na gumagawa ng ingay sa international art scene.

Ang kinikilala bilang world’s youngest artist, ayon sa Guinness World Records, ay isang baby mula sa Ghana.

One year and 152 days old si Ace-Liam Nana Sam Ankrah nang makuha niya ang record.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula namang magpinta si Ace-Liam noong six months old pa lang siya.

Ayon sa kanyang ina na si Chantelle Kuukua Eghan, na isa ring artist, kinailangan niyang mag-focus sa tinatapos na commisioned artwork para sa Miss Universe 2023.

At para may pagkaabalahan ang kanyang baby, nagdesisyon siyang bigyan ito ng canvas at mga pintura.

Ni hindi pa nakakalakad noon si Ace-Liam.

Laking-gulat ni Chantelle sa naging resulta ng pinaggapangan ni Ace-Liam.

Naging abstract painting ito na pinamagatang The Crawl, at naging unang-unang obra ng baby.

Ace-Liam Nana Sam Ankrah's first artwork
Si Ace-Liam Nana Sam Ankrah ng Ghana ang official world's youngest artits. Photo: Guinness World Records
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It was clear that he found a lot of joy in it,” ani Chantelle sa panayam ng GWR.

Ang mga paintings ni Ace-Liam ay in-exhibit sa Museum of Science and Technology sa Accra, ang capital ng Ghana, mula December 2023 hanggang January 2024.

Bagaman at mabenta ang mga ito, walang binanggit kung magkano ang halaga ng paintings ni Ace-Liam.

Nakatapos na siya ng 20 kuwadro, at siyam sa mga ito ang nabenta.

Read: French artist builds Eiffel Tower model using matchsticks; Guinness initially disqualifies then retracts decision

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nang magpakita ng interes si Laurent Schwarz sa arts, ipinagpagawa siya ng kanyang parents ng sariling studio, kung saan malaya niyang ina-unleash doon ang kanyang creativity. (Photos courtesy of @laurents.art on Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results