Isang Pilipino ang kabilang sa mga itinanghal na Teacher of the Year sa New Mexico, USA.
Siya si Dr. Roy Basa.
Nito lamang May 2, 2024, naimbitahan siya—kasama ang 54 na iba pang State Teachers of the Year—para sa isang celebration na naging state dinner sa White House, Washington D.C.
Ito ang kauna-unahang "Teachers of the Year" na may surprise appearance at speech si U.S. President Joe Biden, kasama si First Lady Dr. Jill Biden.
Sa mga nakalipas na taon, ginagawa ang event nang "less formal," at inaabutan ng golden apple ang mga awardees.
Read: Woman poisons boyfriend, believing he inherited PHP1.7B
THE BEGINNING OF DR. BASA’S TEACHING CAREER
Nag-umpisa ang 23-year career ni Dr. Basa bilang teacher sa kanyang bayan sa Murcia, Negros Occidental.
Nagturo siya sa night class department ng Negros Occidental High School sa loob ng 15 taon.
Naging part-time professor din siya sa iba’t ibang unibersidad sa Pilipinas.
Ang nakalipas na tatlong taon ay ginugol niya sa Twin Buttes Cyber Academy at Zuni High School, kung saan teacher siya ng mga mag-aaral mula Grade 9 hanggang Grade 12 sa mga (STEM)-related subjects na science and technology, engineering, at mathematics.

BASA NAMED TEACHER OF THE YEAR
Nasungkit ni Dr. Basa ang parangal mula sa The New Mexico Public Education Department at New Mexico Oil and Gas Association dahil sa kanyang husay sa pagtuturo ng technical education at science.
Ayon sa isang article na inilathala sa Los Alamos Reporter, kahanga-hanga ang teaching approach ni Dr. Basa.
Gumagamit siya ng "project-based learning and community collaboration instructional strategies" upang magkaroon ng isang learning environment na tumututok sa problem-solving, collaboration, at iba pang mga kasanayan na may kinalaman sa kultura.
Read: Air passenger fined PHP360K for roasted-chicken-pork "baon"
OTHER NOTABLE AWARDS FOR DR. BASA
Dahil sa kanyang dedikasyon, husay, at sigasig bilang teacher, nakatanggap ng iba't ibang parangal si Dr. Basa both locally and abroad.
Kabilang sa mga ito ang 2024 Award for Continuing Excellence and Service mula sa Metrobank Foundation sa Pilipinas, ang 2023 and 2024 SHELL Urban Science Educator Development Award mula sa National Science Teaching Association sa USA, at ang 2023 Outstanding Science Educator Award mula sa New Mexico Academy of Science.