Maraming nabilib sa isang binata dahil kahit walang permanenteng tirahan, nag-graduate siya bilang valedictorian sa senior high school.
Laman ng international news si Elijah Hogan, 19, taga-Louisiana, USA, na nagtapos sa Walter L. Cohen High School sa New Orleans noong May 24, 2024.
Si Elijah ang nanguna sa kanilang klase at nakakuha siya ng 3.93 grade point average (GPA), ulat ng CNN.
Elijah, homeless for OVER A YEAR
Akala niya ay ibang estudyante ang tinutukoy na naging valedictorian at napagkamalan lamang siya.
“But when I looked at it and I was shown evidence that it was me, I was in awe, like, I was jaw dropped,” aniya sa CNN interview.
Si Elijah ay isa sa apat na Black male students na naging valedictorian sa Walter L. Cohen High School.
Read: Six-year-old girl, one and only first-grader in Japan school

HOMELESS ELIJAH AS VALEDICTORIAN
Noong 11 years old si Elijah, naulila siya sa ina at nanirahan siya sa bahay ng kanyang lola.
Pero nawalan ng tirahan ang mag-lola nung nag-expire ang pag-uupa ng kanyang lola sa tinutuluyan nilang bahay. Ibinenta ng may-ari ang property.
Binigyan sila ng isang buwan para lisanin ang bahay.
Sa home for the elderly nanuluyan ang lola.
Sa Covenant House, isang shelter for the homeless sa New Orleans, tumira si Elijah.
Dahil sa transitional housing program ng shelter, kung saan walang bayad for two years ang mga kabataang edad 16 hanggang 22, nakapag-focus sa pag-aaral ang binatilyo.
Sa kanyang valedictory speech, pinasalamatan ni Elijah ang shelter at ang staff nito dahil sa suporta at gabay na ibinigay sa kanya.
Nagpursige sa pag-aaral si Elijah dahil ito ang pangarap ng kanyang pumanaw na ina.
Read: Filipino teacher Roy Basa invited to White House dinner
ELIJAH GETS FINANCIAL SUPPORT
Ipagpapatuloy ni Elijah ang kanyang pag-aaral.
Balak niyang pumasok sa Xavier University sa New Orleans at kumuha ng kursong graphic design.
Nabigyan din siya ng scholarship para sa tuition.
Bukod dito, nagsimula rin si Elijah ng donation drive via GoFundMe, isang American crowd-funding platform.
Binanggit niya sa description na bagamat covered na ang kanyang tuition, kailangan pa rin niya ng assistance “to cover housing and meal plans.”
Post pa niya, “Beyond college, any financial help to provide basic needs such as food and clothing will also greatly be appreciated.”
Ang donation goal niya ay $15,000 o PHP882,000, pero higit pa sa doble ang nakalap niya dahil maraming netizens ang nag-abot ng tulong.
At press time, ang financial donation kay Elijah ay umabot na ng $38,119 o PHP2.24 million.
