From glitz to grit.
Iyan ang perfect description sa transition ng former beauty queen na si Rosa Camilla Linquist, 22, nang siya ay maging isang US Navy sailor.
Sa kasalukuyan, nagtatrabaho siya bilang hospital corpsman sa NICU (Neonatal Intensive Care Unit) ng Naval Medical Center, San Diego, California sa U.S.
Siya ay isang enlisted medical specialist, at paminsan-minsan ay nade-deploy siya iba’t ibang states para maging bahagi ng mga missions at tumulong sa mga nagkakaroon ng injuries galing sa trainings o activities.
Bahagi rin ng kanyang trabaho ang magbigay ng medical services sa iba’t ibang komunidad.
Ngunit bago makarating sa kinaroroonan niya ngayon, aminado si Rosa na hindi madali ang kanyang journey.
Sa eksklusibong panayam niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Hunyo 26, 2024, naikuwento niya ang buod ng kanyang life story.
Read: Student punches teacher in the face during graduation
rosa linquist on FAMily
Pangatlo si Rosa sa apat na magkakapatid.
Dating Overseas Filipino Worker (OFW) ang kanyang inang si Florentina Sabugdalan-Linquist, samantalang U.S. citizen ang kanyang amang si Erik Linquist.
Ipinanganak siya sa Chicago, subalit noong naghiwalay ang kanyang mga magulang, nagdesisyon ang kanyang ina na bumalik sa Pilipinas.
At that time, six months old si Rosa.
Aniya, “I grew up with less parental figure than everybody. Si Mama OFW, tapos yung dad ko naman is wala sa scene.
“Pero I would say na di naman ako nakulangan sa pagmamahal. Super spoiled sa mga pinsan, tito, and tita. Di rin mayaman family ko, pero kinakaya naman.
“I always tell people that I’m spoiled, but I’m not a brat naman.”
ROSA LINQUIST's mom
Kuwento niya, close siya sa ina kahit na nagtatrabaho ang huli sa ibang bansa.
“Para lang kaming mag-tropa. I tell her everything and everywhere I go. Di rin kasi strict si Mama, so comfortable lang ako lagi mag-share sa kanya.
“My Mama is a single mom and raised four of us. So, I’ve always admired how strong she is.
“My admiration for her is what drives me to work harder—para mabigyan siya ng komportableng buhay. She deserves the whole world and I would give it to her if I can,” saad ni Rosa.
Ang kanyang ina rin ang naging dahilan sa pagsali niya sa mga pageants.
“Everytime I get glammed up and win, si Mama yung pinakamasaya para sa akin. I always wanted to win to see her smile and because I know how proud she would be,” sabi niya.

FROM BARANGAY TO NATIONAL PAGEANTS
Pero siya ay likas na mahiyain kaya it took her a while bago siya nagkalakas-loob na sunggaban ang mga opportunities na dumating sa kanya.
Kuwento niya, “Dahil half-American ako, I was kind of the beauty standard sa Philippines and lagi may nag-o-offer sa amin ng modelling contracts.
"Pero sobrang mahiyain ko noon kaya lagi namin nade-decline.
“So si Mama, napagod na sa mga nasasayang na opportunity kaya sinalang niya ako sa barangay pageant.
“I remember it being a complete failure kasi wala pa akong kaalam-alam. Di ako marunong maglakad, as in nothing.
“But that opened doors for me. May mga handler na nakakita sa akin na willing na i-train ako.”
Thirteen years old si Rosa noong unang sumali sa pageant, at simula noon, tuluy-tuloy na ang pagrampa niya.
Ilan sa mga pageants na sinalihan niya ay ang Miss Fishermall 2015 (titleholder), Miss Meycripsa 2017 (titleholder), Miss Daang-Bakal 2018 tTitleholder), Bb. General Trias 2018 (2nd runner-up), Miss Mandaluyong 2018, Miss Philippines Islands 2018, at Miss Philippines 2019.

Read: Cop demoted for using city security cameras to spy on wife
THE BEAUTY QUEEN STEPS OUT OF HER COMFORT ZOnE
Dahil sa Chicago pinanganak si Rosa, isa siyang American citizen.
Kaya naman, nung nag-18 siya, nag-offer ang daddy niya na tutulong sa pagpapaaral sa kanya.
Umalis siya sa Pilipinas at dumating sa U.S. noong July 2021.
Makalipas ang apat na buwan, lakas-loob niyang pinasok ang U.S. Navy sa tulong ng kanyang ama na dati ring bahagi nito.
Gayunpaman, aminado si Rosa na hindi niya “dream” ang pagiging U.S. Navy.
“It was always on the table but I wouldn’t say na it was my ‘dream.’ It’s more of a stepping stone for me. I really want to end up in the criminology field.
“It has always been kind of decided that I am gonna be a sailor ‘coz I wanted to use the education benefits, and it’s kind of a legacy na rin because my grandpa was also in the military, and my dad was a sailor, too.
“I never saw myself here kasi nga pageant girlie ako, but I read somewhere na you should take up any job while working on your dream.”
Mahirap na adjustment ang pinagdaanan ni Rosa nang pumasok sa U.S. Navy.
Una, hindi siya lumaking sporty. Mula sa pagrampa sa stage in her heels and gown, bigla siyang sumabak sa mga physical activities.
Pangalawa, wala siyang background at all sa pagiging medic.
Higit sa lahat, na-homesick daw siya.
“I moved all by myself here. I remember the first time I cried in boot camp because I was sick and all I ever wanted was to be babied, but the training didn’t stop.
“That’s when it hit me na I really gotta do this for real now. Walang ibang makakatulong sa akin but myself,” sabi niya.
Maituturing din ni Rosa na ang pagsali sa U.S. Navy ay isang step outside of her comfort zone.

“JUST DO IT”
Nang tanungin kung ano para sa kanya ang pagkakatulad ng pageant at Navy, ang sagot ni Rosa—competition.
“The competition don’t stop. Everyone is working as hard as you. But then again, I think that’s just life in general. You don’t always win. Someone is always better than you, but that doesn’t mean you stop.
“You just work harder. And just like pageants, you win when it’s your time,” paliwanag niya.
Isa sa life lessons na natutunan niya: Pinaghihirapan at pinagsisikapan ang pangarap.
Sabi niya, “You work hard, you train hard, but so are others. Talagang may mga pagkakataon na di mo pa time kahit anong paghahanda mo.
“It sure helped me to get where I’m at now. I learned that nothing would just be handed to you. If you really want it, you gotta work hard for it.”
Sa ngayon, pinagsasabay ni Rosa ang pagtatrabaho bilang corpsman at pag-aaral ng criminal justice.
Gusto niyang matapos ang kurso upang mabigyan niya ang ina ng mas maayos na buhay.

Ang advice niya para sa mga taong natatakot na lumabas sa kanilang comfort zones: “Just do it. I know it’s cliché but that’s really how I survived ‘coz once you’re in, you can’t just go back.
“Mapipilitan kang gawin na lang and then after, magugulat ka na lang na kaya mo pala ‘yun.”
Hindi madali ang kanyang journey, pero hindi niya iniinda ang hirap dahil naka-focus siya sa kanyang goal.
“It was rough but it taught me a lot of lessons and I wouldn’t change anything if I had to go back. I’m excited to see where life takes me,” sabi niya.