Umani ng mga positibong reaksiyon mula sa netizens ang isang post sa Facebook noong July 14, 2024.
Kalakip nito ang mga larawan ng isang babaeng suot ang red uniform ng isang Australian airline at nag-a-assist ng passengers sa airport.
“Virgin Airlines Australia is winning,” simpleng caption ng Facebook post. Libu-libo ang nakuha nitong reactions and shares.
Read: Valedictorian confesses love for crush in graduation speech

Batay sa caption at daan-daang comments, klaro na pinapurihan ang airline sa dahil sa pag-encourage ng diversity sa work force at sa pagha-hire ng babaeng may Down syndrome.
Narito ang ilan lamang sa maraming positibong komento ukol sa post.
“They are a ray of sunshine,” sabi ng isa.
“What a beautiful change in the world,” komento ng isa pa ukol sa airport employee.
“Equality. Beautiful.”
“Diversity is beautiful.”
May isang Pinoy ang nagkomento (published as is): “Hope makita to NG pinas Di na tinggin sa appearance.”
Wala nang iba pang description kung sino ang babaeng airport staff ng Virgin Airlines Australia.
Read: South Korean athlete victimized by pickpockets in BGC; BGC reacts

Australian airport crew member is aLLE SAYERS
Pero sa recent post ng LinkedIn ng Australian airline, kinilala ang babae with Down syndrome: si Alle Sayers, isang permanent part-time receptionist sa airline.
Ipinagmalaki rin ng airline si Alle dahil sa mahalagang papel na ginampanan nito kamakailan sa isang Down Syndrome conference sa Australia.
Ayon sa post: “We are so proud of our Melbourne Guest Services team member, Alle Sayers, who will be presenting on a panel today at the World Down Syndrome Congress in Brisbane.”
Sabi pa nito, newly-hired si Alle sa airline.
“Initially joining our team in May this year in a work experience capacity, Alle has gone on to secure permanent part-time work with Virgin Australia.
“Today she will proudly wear her uniform while sharing her experiences gaining employment and helping the world to greater understand the uniqueness in every individual.”
Nagkomento pa rito ang airline general manager na si Paul Woosnam at ibinahagi ang kontribusyon ni Alle bilang empleyado.
Sabi ni Paul: “We love having you on the team Alle, your smile and genuine care for our guests and providing our unique Virgin service is amazing to watch.”

May isa pang babaeng nagkomento na nagpunta ang kanyang boyfriend sa conference at nakita ang presentation ni Alle.
Sabi ng babae: “My partner is there this week attending the conf & said Alle was fabulous on the panel today! Well done to her & wishing her a great career ahead!”

ALLE's BACKGROUND
Sa pagsasaliksik sa Internet, lumantad ang isang feature article sa Vogue Australia noong May 2018.
Kuwento ito ni Cate Sayers na nagtayo ng isang non-profit dance and fitness school at isang education and employment program para sa mga batang may Down syndrome.
Siya rin ang ina ni Alle na ang buong pangalan ay Alexandra Sayers.
Ibinahagi ni Cate sa artikulo ang masalimuot na kuwento nila ng asawang si Luke nang ipanganak si Alle.
Pangalawa si Alle sa apat na magkakapatid na babae.
Sa kabila ng kondisyon ni Alle, pinalaki siya na punung-puno ng pagmamahal ng mga magulang.
Tinuruan ang kanyang tatlong kapatid na ituring siya bilang katulad nila at walang pinagkaiba sa ibang bata.
Ibinahagi rito ni Cate ang kanyang frustration dahil walang dance school sa Melbourne na tumanggap sa kanyang anak dahil sa kondisyon nito.
Ito ang dahilan kaya nagtayo si Cate ng sarili niyang dance school, ang e.motion21, para kay Alle.
Ang frustration ay napalitan ng success dahil mainit na tinangkilik ito ng mga magulang na mayroon ding mga anak with Down syndrome.
Kasunod nito ay itinayo rin ni Cate ang Impact21, na inilarawan bilang “a pioneering education and employment program for young people with intellectual disabilities, delivered in university settings throughout Australia.”
