PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet MrBeast, first YouTuber to have 300 million subscribers

His income, at 26, is said to be in billions.
by KC Cordero
Published Jul 18, 2024
Photo of MrBeast and screenshot of his milestone
Naging matagumpay ang YouTube channel ni MrBeast na nagpapakita ng fast-paced, high-production videos tampok ang mga detalyadong challenges at malalaking premyo para sa mga winners.

Lumikha ng kasaysayan si Jimmy Donaldson, mas kilala bilang MrBeast, bilang pinakaunang YouTuber na nagkaroon ng 300 million subscribers.

Isa siyang American na sumikat sa YouTube dahil sa kanyang expensive stunts and challenges.

Photo of MrBeast sitting on a throne
Si MrBeast ang kauna-unahang YouTuber na may 300 million subscribers. Photo: Screenshot at tubefilter

In June 2024, nalampasan niya ang bilang ng subscribers ng T-Series, isang Indian music label giant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang tweet sa X (formerly Twitter) last July 10, 2024, inihayag ni MrBeast ang kanyang excitement dahil siya na ang may-ari ng “most subscribed YouTube channel.”

Naglagay rin siya ng screenshot ng kanyang kasalukuyang bilang ng followers: “I remember freaking out when I hit 300 subscribers 11 years ago.”

Read: Lumad Schools: Isang masalimuot, malungkot na kuwento

SINO SI MRBEAST?

Si Jimmy Donaldson, o MrBeast, ay residente ng Greenville, North Carolina.

Ipinanganak siya noong May 7, 1998, so siya ay twenty-six years old.

Sinimulan niya ang kanyang YouTube journey noong 2012 habang nasa middle school.

Nagmula siya sa tipikal na average American family. Sa umpisa ay nag-eksperimento siya sa paggawa ng iba’t ibang video para mapag-aralan ang algorithm ng YouTube.

Photo of MrBeast
Nasa middle school si MrBeast nang simulan niya ang kanyang YouTube journey. Photo: Screenshot at YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa pagpo-post ng videos ng kanyang sarili habang naglalaro ng computer games, lumikha rin si MrBeast ng iba’t ibang nakakatawang videos.

Nag-livestream siya ng kanyang mga reactions at spontaneous ideas sa mga viral videos.

Isang self-proclaimed introvert by nature, para kay MrBeast, isang interesting na libangan lang ang YouTube nang mag-umpisa siya.

Wala raw sa hinagap niyang ang platform ang magpapayaman sa kanya.

Pero nagbago ang kanyang pananaw nang minsang mag-upload siya ng gaming cheat video na nakakuha ng napakaraming views.

Iyon ang kanyang initial success.

Mula noon, nag-try siya ng iba’t ibang klase ng content para mas mapalakas pa ang kanyang channel.

Read: Stolen pup found by real owner on Facebook after 7 years

MRBEAST's YOUTUBE JOURNEY

Na-realize ni MrBeast noon na puwede niyang gawing source of income ang paggawa ng YouTube content.

Pero sa loob ng limang taon ay hindi umalagwa ang mga ginagawa niyang videos.

Nananatili ring mababa ang kanyang followers.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gayunpaman, hindi napagod si MrBeast sa pag-a-upload ng videos araw-araw.

Hindi rin siya nawalan ng pag-asa na later on ay maka-crack niya ang algorithm ng YouTube at makalilikha siya ng niche market.

Hanggang sa naimbento niya ang bagong format na talagang humakot ng marami niyang subscribers—ang stunt giveaways.

Ang pamimigay ng premyo na pinauso ni MrBeast ay kinokopya hanggang ngayon ng mga content creators—sikat man o trying hard o copycat.

Sinimulan niyang gumawa ng content na namimigay siya ng libu-libong dolyar sa mga random people na kanyang nakakasalamuha araw-araw.

Halimbawa rito ay nang magbigay siya ng US$10,000 tip sa isang Uber driver gayung ang binayaran niyang pamasahe ay US$20 lang.

Sa isang pagkakataon ay pinatayo niya ang ilang tao sa paligid ng isang Lamborghini car.

Pinahawak niya ang mga iyon sa mamahaling kotse gamit lang ang isang kamay—at hindi dapat aalisin doon.

Ang pinakahuling magtatanggal ng kamay ang makakapag-uuwi ng kotse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pretty girl who is 7'4" tall unsuccessful in finding boyfriend

MRBEAST'S SUCCESS FORMULA

Ang mga ganitong content ay naging sa mga nanonood sa YouTube.

Intense, pero may sangkap ng humor, laro, at kantiyawan.

Kung tutuusin ay simple lang ang premise na ito na tinatawag niyang “instant success porn.”

Ang ganitong formula sa paglikha ng YouTube content ay naging highly engaging topic sa mga nakalipas na taon.

Nasasaksihan ng viewers ang isang mundo kung saan ang mga karaniwang tao ay biglang yumayaman dahil sa mga content creators na gaya ni MrBeast na mahilig mag-flex o magyabang.

Photo of MrBeast and of some of his contestants
Na-develop ni MrBeast ang content na namimigay ng malalaking papremyo sa mga kakasa sa kanyang challenge. Photo: Screenshot at YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nagawa ni MrBeast na baguhin ang sitwasyon sa instant success porn dahil hindi na tungkol sa kanya ang sitwasyon—kundi ng mga karaniwang tao na masuwerteng nagiging bahagi ng kanyang content at nakapag-uuwi ng malalaking premyo sa pamamagitan ng iba’t ibang challenges.

Read: Hotdog eating champion banned from contest this 2024, why?

MRBEAST's prizes

Tampok sa mga content ng YouTube channel ni MrBeast ang mga challenges.

Kabilang dito ang pamamalagi sa ilalim ng tubig sa loob ng 24 oras, paglalagay ng 10 million Legos sa bahay ng kaibigan, pag-upo sa buhay na ahas, pag-stay sa nasusunog na bahay, at iba pa.

Ni-recreate niya din niya ang hit series sa Netflix na Squid Game, kung saan naglaban-laban ang 456 katao para sa US$456,000 premyo.

Photo of MrBeast Squid Game challenge
Ang recreation ng Squid Game challenge ay isa sa mga content ni MrBest na nagkaloob sa winner ng malaking premyo. Photo: Screenshot at YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa mga maituturing na ordinary challenges lang, ang range ng kanyang papremyo ay nasa US$10,000 pataas.

Nagkaroon din siya ng deal sa Prime Video para sa Beast Games, isang reality competition show kung saan ang tatanghaling winner ay makakapag-uuwi ng US$5 million cash prize—ang tinatayang largest single payout ever in TV history.

Read: Hairstylist with ball-like fingertips, famous for scalp massage

MRBEAST EARNS US$700M EVERY YEAR

Bukod sa pagiging content creator, mayroon ding iba’t ibang negosyo si MrBeast.

Nakapagbukas siya ng burger restaurant sa U.S, at may bagong outlet sa Hong Kong.

Kinikilala rin si MrBeast bilang isa sa highest earners sa YouTube.

Ayon sa ulat ng Forbes Magazine, noong 2021 lang ay kumita siya ng mahigit US$54 million o PHP3.1 billion o PHP40.8B billion.

Ibinahagi naman niya sa panayam ng Time Magazine noong February 2024 na kumikita siya ng hanggang US$700 million kada taon.

Pero sinabi ni MrBeast na hindi niya maituturing na "rich" ang sarili dahil ginagamit din umano niya ang kanyang kinikita sa paggawa ng kanyang videos at bilang papremyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kilala rin siya sa pagiging pilantropo, at may mga proyektong gaya ng pagtatanim ng 20 milyong punongkahoy.

May mga fund-raising activities siya na ang nalilikom na halaga ay ipinagkakaloob niya sa iba’t ibang charitable institutions.

Kamakailan ay naging laman din siya ng mga balita matapos niyang sabihin na kakandidato siya bilang pangulo ng USA.

Aniya sa isa niyang tweet, “If I were president I wouldn't care about party lines, I'd just always truly make the American people my #1 priority.

“For problems I'm ignorant of, I'd have experts from the left and right advise me on them and try to find the middle ground that's best for America.

“Wouldn't be buyable, don't care about doing things just because my party says I should, and I would focus on uniting the country instead of dividing it.”

Pero pasubali niya sa bandang huli ng kanyang tweet, “Anyways, we can pick this up in 15 years when I'm old enough to run, haha.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa batas ng America, at least 35 years old ang qualified na tumakbo sa pagkapangulo.

Read: Young woman admits relationship with 7 pensioners for money

MRBEAST's latest MILESTONe

Bumaha naman ng pagbati kay MrBeast mula sa kanyang subscribers.

Sambit ng isa, “'Congrats, man... truly insane how far you have come.”

Ayon sa iba pang nagkomento, ang 3.5 percent ng populasyon ng buong mundo ay naka-subscribe sa YouTube channel ni MrBeast.

Hindi pa umano kasama rito ang iba pa niyang social media accounts.

Para naman sa isang nagkomento, kamangha-mangha na nagawa ni MrBeast ang isang bagay na maituturing na napaka-imposible.

“I'm glad you showed people it is. Couldn't have been a better person.”

Isang follower naman niya ang nagsabing ang tagumpay at milestone ni Mr. Beast ay resulta ng kanyang pagiging consistent sa kanyang mga ginagawang content.

Read: Employee calls in sick then bumps into boss on plane

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging matagumpay ang YouTube channel ni MrBeast na nagpapakita ng fast-paced, high-production videos tampok ang mga detalyadong challenges at malalaking premyo para sa mga winners.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results