PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL: Bus conductor feeds stranded passengers

“Mabuhay ka, Alfie Sta. Ana!”
by KC Cordero
Published Jul 27, 2024
Alfie Sta. Ana buying food for the passengers
Hindi pinabayaan ng konduktor ng bus na si Alfie Sta. Ana ang mga pasahero. Binilhan niya ang mga ito ng pagkain, at sinamahang lumusong sa baha para makahanap ng ibang masasakyan para makauwi. (Photo courtesy of Chloe Dela Cruz, Lorelei Baldonado Aquino and Shoda Ladero)

Pinasalamatan ng netizen na si Lorelei Baldonado Aquino ang konduktor ng bus na pag-aari ng German Espiritu Liner Inc.

Sa kanyang Facebook post nitong July 26, 2024, ibinahagi ni Lorelei ang naging karanasan niya sa pagsakay sa naturang bus noong umaga ng July 25.

Matatandaang bumaha sa maraming bahagi ng Metro Manila at mga karatig na lugar sanhi ng matinding buhos ng ulan na dala ng bagyong Carina.

Aniya (published as is), “Na-stranded ang bus na sinasakyan ko sa Marilao [Bulacan] sa gitna ng baha mga 8:00 A.M. kahapon. Ilang oras kaming naghintay ng rescue, pero walang dumating.”

Hindi niya nabanggit sa post kung ilan ang pasahero ng bus.

Read: Anjo Pertierra nearly trapped by flood in basement

KONDUKTOR braves water to buy bread, water for passengers

Sa larawang kalakip ng post ni Lorelei ay makikitang ang taas ng baha na umabot na sa pintuan ng bus.

Hindi sila makababa sa bus dahil sa taas ng tubig baha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
The flood entering the bus
Pumasok na sa loob ng bus ang tubig dahil sa patuloy na pagtaas at pagragasa ng baha. Photo: Chloe Dela Cruz, Lorelei Baldonado Aquino and Shoda Ladero

Pagsapit ng alas kuwatro ng hapon, nakaramdam na si Lorelei at ang iba pang pasahero ng gutom dahil mahigit pitong oras na silang stranded.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi niya, “Lumusong yung konduktor namin sa hanggang dibdib na baha para bumili ng tinapay at tubig para sa lahat.”

Hindi lang iyon ang ginawa ng konduktor. Makalipas ang kalahating oras ay lumusong itong muli sa baha at naglakad ng isang oras para maghanap ng rescue.

Ani Lorelei, “Lahat kasi ng tinatawagan namin, hindi na pwede dahil may mga ibang nire-rescue rin.”

Read: Barber nanakawan ng smartphone, suki nag-fundraising

SINAMAHANG LUMUSONG SA BAHA ANG stranded passengers

Ang nakakatakot, ani Lorelei, pagsapit ng alas singko y media ng hapon ay mas tumaas ang tubig.

“May tubig na sa loob ng bus at di na rin ganun ka-stable sa loob.

“Apat sa amin, nagdesisyon ng lumusong dahil ayaw naming abutan ng dilim sa loob ng bus na nasa gitna ng baha.”

Pagdedetalye pa ni Lorelei sa kanilang sitwasyon, “Imagine yung hanggang dibdib na baha, malakas na current, madumi at mabahong tubig.”

Alfie Sta. Ana after buying food for the passengers
Bukod sa pagbili ng tubig at tinapay, sinamahan din ng konduktor ang mga pasaherong maghanap ng paraan para makauwi na. Photo: Chloe Dela Cruz, Lorelei Baldonado Aquino and Shoda Ladero
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang bumaba sila sa bus, “Sinamahan ulit kami ng konduktor.

“Dinala pa yung mga bags namin sa balikat niya para makapagkapit-kapit kami at walang matangay ng agos.”

Hindi naman doon natapos ang pagdamay sa kanila ng konduktor.

“Akala ko pagdating sa may mababaw, iiwan niya na kami at hahayaan nang umuwi.

“Nope, sinamahan niya rin kaming sumakay sa truck, lumusong ulit, umangkas ulit, lumusong ulit.”

Read: "China’s most stubborn man" fails college admission test 16 times

KONDUKTOR PINAKAIN PA ANG MGA STRANDED NA PASAHERO

Grabeng pagod daw ang naramdaman nila nung mga sandaling iyon.

Nang makarating sila sa Bocaue ay bumili ang konduktor ng hapunan para sa kanila.

Sariling pera raw nito ang ginamit sa pagbili ng mga pagkain.

“Alam ko naman na pwede yung i-reimburse sa company kinabukasan, pero yung service and security na nai-provide para sa mga pasahero is incomparable.”

Sinamahan din sila hanggang makasakay sa bus na maghahatid sa kanila sa Bulakan, Bulacan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe ni Lorelei sa bus company dahil sa kabutihan ng kundoktor, “To German-Espiritu Liner Incorporated management, please take good care sa ganitong klase ng employee.

“Hindi po namin alam kung safe kaming makakauwi if not for him.

“Kung anuman po ang lagay ng bus na naiwan sa baha kahapon, we're not sure. Pero yung magkaroon kayo ng employee na maaasahan sa kahit anong sitwasyon ay sobrang laking asset na para sa inyong kumpanya.”

Read: MMDA ramp for PWDs draws criticism: "Medyo delikado ito."

NETIZENS LABIS ANG PAPURI SA KONDUKTOR

Sa update ni Lorelei sa kanyang post ay sinabi niyang Alfie Sta. Ana ang pangalan ng kundoktor.

Nalaman umano niya ito mula sa isang comment sa original Facebook post ni Chloe Dela Cruz.

Ang kanyang post ay nakakuha g 4.8K reactions, 40 comments, at 1,6K shares.

Marami ang naging teary-eyed nang mabasa ang kanyang naging experience.

Ayon sa isang nagkomento, “Ito ang kuwentong dapat mag-viral.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ganyan ang Pilipino! Salamat, sir! Salute!” sambit naman ng isa pa.

May nagpaabot din ng pag-aalala para sa konduktor. Sana raw ay hindi ito magkasakit dahil ilang ulit na lumusong sa baha para sa mga pasahero.

May nagsabi rin na sana lahat ng konduktor ay kasing-bait ni Alfie Sta. Ana, at dumami pa sana ang katulad niya na may malasakit sa kapwa.

Nagkakaisa rin ang mga nagkomento sa pagsasabing sa panahon ng kagipitan, nakikilala ang mga taong tunay na bayani gaya ni Alfie Sta. Ana.

Read: Lumad Schools: Isang masalimuot, malungkot na kuwento

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pinabayaan ng konduktor ng bus na si Alfie Sta. Ana ang mga pasahero. Binilhan niya ang mga ito ng pagkain, at sinamahang lumusong sa baha para makahanap ng ibang masasakyan para makauwi. (Photo courtesy of Chloe Dela Cruz, Lorelei Baldonado Aquino and Shoda Ladero)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results