Nag-viral ang video ng teacher na si Carol Baro Figuro noong July 31, 2024.
Sa video ay makikita si Carol na walang effort na umaakyat sa flagpole ng kanilang eskuwelahan.
Pagdating sa ituktok ng flagpole ay ikinabit niya ang tali na ginagamit sa pagtataas at pagbababa ng ating bandila.
Ang standard na taas ng isang flagpole ay nasa 20 hanggang 25 feet.

Thirty-eight years old na si Carol, isang master teacher na four years nang nagtuturo sa Savidug Elementary School sa Sabtang, Batanes.
Ang video ng kanyang pag-akyat sa flagpole ay ini-upload ng kanilang school principal na si Arlene R. Castillo sa Facebook account nito.
Read: OPM icon Coritha needs help
SKILLED CLIMBER ANG TEACHER
Ayon kay Carol, madalas maputol ang tali ng flagpole kaya hindi ito ang unang pagkakataong inakyat niya ang flagpole kapag napuputol ang tali.
Ayaw umano niyang ipagawa iyon sa mga estudyante.
Aniya, “Bata pa po ako, siguro mga Grade III, umaakyat na ako sa puno ng niyog.
“Naging sanay na ako.”
Hindi lang ito ang kanyang sakripisyo sa propesyon bilang isang teacher.

Araw-araw rin siyang bumibiyahe nang halos 14 kilometros para makapagturo dahil malayo ang kanyang inuuwian.
Nineteen students ang kanyang hina-handle.
Paglalarawan kay Carol ng school principal, “Tunay nga na isang matatag na guro si Ma’am Carol Baro Figuro.
“Ma’am Caye kung tawagin namin, isa siyang mabait at mahusay na guro at tunay ngang ginagawa niya ang lahat para sa mga bata.
“Maraming salamat sa sumaludo at nag-appreciate sa kanyang ginawa.
"Tunay ngang kahanga-hanga ang kanyang abilidad para sa isang matatag na kinabukasan ng mga bata.”
Read: VIRAL: Bus conductor who feeds stranded passengers survives being stranded himself
TEACHER CAROL ON VIRAL VIDEO
Nag-update si Carol sa kanyang Facebook account ngayong August 1.
Aniya, “Super overwhelmed po ako sa saludo at appreciation po ninyo sa simpleng act ko po.”
Dahil may mga netizens na nagpahayag ng pangamba at nagsabing delikado ang ginawa niya, paliwanag ni Carol, “Hindi lang naman po ang pag-akyat sa flagpole ang ginagawa ko na men's job for school, and even po sa bahay.
“I was so thankful po kay Lord for blessing me these talents na ginagamit ko naman po para makatulong po sa iba.
“Super thank you po sa inyong lahat na sumaludo at na-inspire po, at thank you din po sa mga nagpaabot ng pag-aalala sa akin.”
Read: Meet 4Ps scholar Khane Cervantes, Magna Cum Laude and topnotcher
Pinasalamatan din niya ang mga kumuha ng video ng pag-akyat niya sa flagpole.
Pakiusap naman niya sa mga content creators na ginagamit ang naturang clip, “I wish po na kung ang mga videos po na ito ay nagagamit po ng iba para magkapera, sana po magkaroon po ng proper credit.
“At kung may konting kita naman po, I wish you can spare some for our school, Savidug Elementary School, to support our projects.”
Ang original post ng video ni Carol habang sinusulat ang artikulong ito ay nakakuha na ng 74K reactions, 1,778 comments, at 39K shares.
