Nagretiro na ang Filipino-American na si Cristeta Pasia Comerford, mas kilala bilang Cris Comerford, sa pagiging executive chef ng White House.
Halos tatlong dekada siyang nagtrabaho sa White House at napagsilbihan ang limang presidente ng U.S.
Bukod sa paghahanda ng mga pagkain ng mga mga naging Chief Executive ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo at kanilang pamilya, si Cris din ang punong abala kapag may state dinners.

Siya rin ang kauna-unahang babae at “first person of color” na naging executive chef sa White House.
Noong July 27, 2024 ang kanyang huling araw sa trabaho.
Pinasalamatan naman siya ni First Lady Jill Biden sa kanyang naging serbisyo.
Ayon sa inilabas na statement ng First Lady noong July 24: “I always say, food is love. Through her barrier-breaking career, Chef Cris has led her team with warmth and creativity, and nourished our souls along the way.
"With all our hearts, Joe and I are filled with gratitude for her dedication and years of service.”
Read: Celebrity chef posts about encounter with "bastos" customers
RESPONSIBILITIES AS WHITE HOUSE EXECUTIVE CHEF
Sixty-one years old na ngayon si Cris.
Nahasa ang kanyang culinary skills habang nagtatrabaho sa mga hotel sa Chicago at sa mga restaurants.
Noong 1995, nagtrabaho siya sa White House bilang assistant chef.
Itinalaga siya bilang executive chef noong 2005.
Kabilang sa kanyang mga responsibilidad bilang executive chef ang pagdidisenyo at pag-e-execute ng menus para sa state dinners, social events, holiday functions, receptions, at kapag may official luncheons.

Ang paghahain ng masaganang state dinner para sa mga nagiging bisita sa White House ay bahagi ng diplomasiya ng America.
Reserbado ito para sa matagal na at tunay nilang kakampi, at ang masarap na pagkaing nakahain sa bawat pagpupulong ay isa sa mga tampok sa okasyon.
Ang huling state dinner na pinangasiwaan ni Cris ay para kay Kenyan President William Ruto at sa misis nitong si Rachel nitong May 2024.
Last July 23 ay nag-post ng mensahe sa kanyang social media account ang chef at humanitarian na si José Andrés para kay Cris.
Anito, “You are a national treasure, a culinary diplomat who has shown the world how an immigrant can celebrate American food and share it with the world’s leaders.
“Congrats on retiring, we love you Cris.”
Read: Sarah Geronimo contemplates entry in food business
WHO IS CRIS COMERFORD?
Ipinanganak si Cristeta Gomez Pasia sa Cataluña Street (G. Tolentino ngayon) Sampaloc, Maynila, noong October 27, 1962.
Ang kanyang amang si Honesto Pasia ay isang public school assistant principal.
Dressmaker naman ang kanyang inang si Erlinda Gomez Pasia.
Nagsimula siyang magkaroon ng interes sa pagluluto dahil sa masasarap na luto ng kanyang ina.
Sampu silang magkakapatid. Mayroon siyang anim na half-brothers, isang half-sister, at tatlong full sisters.
Ikalawa siya sa pinakabata sa kanilang magkakapatid.
Natapos niya ang kanyang secondary education sa Manila Science High School.
Nagkolehiyo siya sa University of the Philippines, Diliman, kung saan ang kanyang major ay food technology.
Hindi niya natapos ang pagkokolehiyo. Nag-migrate na siya sa America noong 23 years old siya.
Nabigyan siya ng U.S. visa dahil ang isa niyang kuya na si Juanito ay nagtatrabaho na noon sa America, at napetisyon siya nito at ang ilan pang miyembro ng kanilang pamilya.
Read: Meet Jessie Sincioco, the chef who prepared Pope Francis’s meals during Papal visit in 2015
CRIS COMERFORD's first job in the u.s.
Pagdating sa America, naging naturalized citizen si Cris at unang nagtrabaho sa Sheraton Hotel na malapit sa O'Hare International Airport sa Chicago.
Siya ang nag-aasikaso sa salad bar ng naturang hotel. Dahil doon, tinagurian siya ng kanyang kuya bilang “salad girl.”
Nagtrabaho rin siya sa Hyatt Regency hotel.
CRIS COMERFORd moves to washington D.C.
Nang umalis siya sa Chicago at nanirahan sa Washington, D.C., natanggap siya bilang chef sa dalawang restaurants doon—ang Le Grande Bistro sa Westin Hotel at ang Colonnade sa dating ANA Hotel.
Naging rotating chef din siya sa Vienna, Austria, sa loob ng anim na buwan. Dito siya nahasa sa paghahanda ng classic French cuisine.
Read: Selena Gomez's boyfriend Benny Blanco draws ire of Filipinos for this reason
ROAD TO WHITE HOUSE
Naging daan ang dating executive chef na si Walter Scheib III para makapasok si Cris sa White House noong 1995 bilang assistant chef sa ilalim ng administrasyon ni former US President Bill Clinton.
Nang mag-resign si Scheib noong February 2005, itinalaga si Cris bilang bagong White House executive chef ni former First Lady Laura Bush pagsapit ng August 14, 2005.
May mga ulat na isa sa mga naging factors kung bakit sa kanya ibinigay ang posisyon ay dahil sa maganda niyang performance sa malaking dinner sa White House na isinagawa para kay Indian Prime Minister Manmohan Singh.
Noong January 9, 2009, inianunsiyo ng transition team na namuno sa pag-upo ni former US Presidente Barrack Obama na mananatili pa rin si Cris bilang executive chef.
Ayon sa pahayag noon ni former US First Lady Michelle Obama, "She is also the mom of a young daughter, and I appreciate our shared perspective on the importance of healthy eating and healthy families.”

Nang dumalo si President Obama ng state dinner sa Pilipinas noong 2014, pinuri nito si Cris bilang isa sa milyun-milyong Filipino-Americans na malaki ang ambag sa America.
Matapos ang dalawang termino ni Obama, si Cris pa rin ang naging executive chef nang maging pangulo si Donald Trump at hanggang sa noong naupo si Biden.
Bilang White House executive chef, miyembro rin siya ng Le Club des Chefs des Chefs, na binubuo ng mga chefs na nagtatrabaho para sa heads of state, kabilang ang mga presidente, royalty, and prime ministers.
Nagdaraos sila ng annual meetings kung saan ibinabahagi ng mga miyembro ang kani-kanilang recipes at culinary knowledge.
Naging part din si Cris ng special two-hour episode ng Iron Chef America, na umere noong January 2, 2010.
Naka-tandem niya si Bobby Flay, at nakaharap nila ang team nina Emeril Lagasse at Mario Batali.
Read: Authentic ramen and katsudon experience with Samurai Iron Chefs
SALARY, COOKING TECHNIQUE AND FAMILY
Bilang executive chef, ang starting salary ni Cris sa White House ay nasa US$100,000 (PHP5,828,950) kada taon. Hindi naman binabayaran ang kanyang overtime.
Sa kanyang paghahanda ng pagkain, pinagbabasehan ni Cris ang kanyang sariling panlasa at hindi masyadong umaasa sa sukat ng mga sangkap kapag nagluluto.
Ang ilan sa kanyang mga putahe ay makikita sa librong The New Filipino Kitchen: Stories and Recipes from Around the Globe.
Ang mister ni Cris na si John ay isa ring chef.
Aniya, ang naging suporta nito sa kanya ay malaki ang naitulong para maging matagumpay ang pagtatrabaho niya sa White House.
Mayroon silang isang anak na babae.
Read: Alessandra de Rossi at Sam Milby, isang linggong nag-training para sa Replacing Chef Chico
