Sapul pagkabata ay nakamulatan na ni Amado Panes Jr. ang pagsasaka.
Tubong Barotac Nuevo, Iloilo, magsasaka ang mga magulang ni Amado.
Apat silang magkakapatid na pawang nakaranas magtanim sa bukid.
Dahil sa hirap ng kanilang kalagayan, naging motibasyon niya iyon para mangarap ng mas magandang buhay para sa kanilang pamilya.

Noong 2001, naaksidente ang kanyang ama habang nagsasaka.
Lalong humirap ang kanilang kalagayan dahil hindi siya makapagtrabaho nang maayos sa bukid.
Para makaraos, tinutulungan sila ng kanilang mga kakilala sa pang-araw-araw na pangangaiIangan.
Awa ng Diyos, naka-recover ang kanyang ama at muling nakabalik sa pagtatanim.
Ang kuwento ng buhay ni Amado ay itinampok sa official Facebook page ng DSWD Western Visayas last July 24, 2024.
Read: SUCCESS STORY: 4Ps scholar Khane Cervantes is Magna Cum Laude and teacher's board Top 1
AMADO PANES'S STRUGGLES AS A STUDENT
Nang mag-aral si Amado sa elementarya noong 2005, kinailangang maglakad siya ng ilang kilometro para pumasok sa school.
Maagang gumigising ang kanyang ina para ipaghanda silang magkakapatid ng baon.
Madalas na ang kanyang baon para sa tanghalian ay kanin na sinabawan lang ng toyo at mantika.
Kapag tag-ulan, para hindi mabasa ay binabalot niya ang sarili ng plastic na pinaglagyan ng abono dahil wala silang pambili ng payong.
Sa kabila ng mga pagsubok na ito na araw-araw niyang binabaka, nagtapos si Amado nang may karangalan at nakatanggap ng gold medal.
Read: VIRAL: Teacher climbs flagpole to secure flag knot
AMADO PANES'S SIDE JOB AS HIGH-SCHOOL STUDENT
Mas nadoble naman ang hirap na dinanas ni Amado nang mag-aral na siya ng high school.
Tatlo kasi silang magkakapatid na sabay-sabay na nasa sekondarya kaya mas magastos.
Para kumita, tumutulong siya sa kanyang parents sa bukid.
Nakaranas din siyang magsugat ang mga kamay sa pagpuputol ng mga halaman.
Kapag panahon ng anihan ng palay, napipilitan siyang mag-absent para buong pamilya silang nag-aani at mas marami ang makuhang parte ng palay.
Ang patuloy na paghirap ng kalagayan ng kanilang buhay ang lalong nagpatatag sa determinasyon ni Amado.
Binuo niya sa sarili na hindi siya dapat habambuhay na nagtatrabaho sa bukid.
Ipinangako rin niyang mas pagbubutihin ang pag-aaral dahil iyon ang tanging susi para maibigay niya sa pamilya ang mas maayos na buhay.
Read: VIRAL: Bus conductor who feeds stranded passengers survives being stranded himself
AMADO PANES: A STUDENT ASSISTANT IN COLLEGE
Naging benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development ang pamilya ni Amado noong 2012.
Pero ang kanyang bunsong kapatid na lang ang nakapag-avail ng cash grant mula sa programa.
Gayunpaman, nakatulong din iyon sa kanilang pamilya dahil nagkaroon silang magkakapatid ng pambili ng school supplies at baon sa pagpasok.
Nang magkolehiyo, nakapasa si Amado sa entrance and aptitude exams ng isa sa pinakaprestihiyosong unibersidad sa Iloilo City.
Dahil walang panggastos, nagpasya ang kanyang parents na sa Iloilo Science and Technology University (ISAT-U)-Barotac Nuevo Campus siya mag-aral dahil malapit lang sa kanila.
Hindi na niya kailangang umupa ng boarding house, at makatitipid din siya sa pagkain.
Kumuha siya ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in Technology and Livelihood Education.
Hindi siya nakakuha ng scholarship sa kanyang unang dalawang taon sa kolehiyo.
Pinagbuti niya ang pag-aaral kaya sa mga sumunod na taon ay naging academic scholar siya at dean’s lister.
Para may pandagdag sa kanyang baon, nag-apply siya bilang student assistant sa Office of Student Affairs.
Aminado si Amado na dahil kailangan niyang isingit ang trabaho sa pag-aaral, may mga pagkakataong nalilipasan siya ng gutom.
Read: Meet MrBeast, first YouTuber to have 300 million subscribers
AMADO PANES GRADUATES MAGNA CUM LAUDE, FINISHES MASTER’S DEGREE
Sa kabutihang palad, naging grantee si Amado ng Extended Student’s Grant in Aid Program for Poverty Alleviation (ESGP-PA) ng DSWD.
Dahil dito, huminto na siya sa pagiging student assistant at tinutukan ang kanyang pag-aaral.
Ginawa rin niyang inspirasyon ang tulong na natanggap mula sa gobyerno para mas pataasin pa ang kanyang grades.
Gusto niyang patunayan sa DSWD na hindi nagkamali ang ahensiya sa pagpili sa kanya bilang isa sa ESGP-PA scholars nito.
Nag-graduate si Amado noong March 2018 bilang Magna Cum Laude, at pinarangalan ding Most Outstanding Graduate.

Nakapasa naman siya noong December 2019 sa Licensure Examination for Teachers (LET).
Nagsimula siyang magturo sa isang private school sa Iloilo City.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang graduate study sa ISAT-U, Lapaz, Iloilo City, at natapos niya ang Master of Science in Home Economics noong June 19, 2024.
Sa naturang petsa, nakumpleto rin niya ang Evening Vocational Course majoring in PC Hardware Servicing sa naturang unibersidad.
Isang patunay ito ng kanyang determinasyon na malinang ang kanyang kaalaman sa iba’t ibang larangan.

Sa kanyang Facebook post nang araw ring iyon, ibinahagi ni Amado ang kanyang mga pinagdaanan.
Aniya (published as is), “It was hard! It's been a tough journey ever since I started!
“Taking my master’s degree is quite different from my college journey before. This time, I had to balance my time between work and being a Graduate School student.
“It was tiring, yet there was a lot of growth and development from encountering various professionals and professors in different fields.”
Dagdag pa niya, “I've learned things that I thought I wasn't capable of before.
“I've learned that no one will push me through except myself. No one will change my professional aspect except me.
“It has been a tough and challenging journey for me to complete my master's degree, through time management, workloads, and most of all, financial aspects.
“Indeed, God is good, and He never let me down during those moments when I felt lost and carried away.”
Read: Airport cleaner returns dollars found at NAIA Terminal 3
AMADO PANES: FROM BATANG BILAD SA ARAW SA PAGSASAKA to GURO
Teacher 1 ngayon si Amado sa Barotac Nuevo Comprehensive National High School.
Nagpasalamat siya sa 4Ps dahil malaki ang naitulong nito sa isang batang nakabilad noon sa sikat ng araw at nagbubungkal ng lupa para magtanim, pero may pangarap para sa kanyang pamilya.

Sabi pa ni Amado sa Facebook post, "A dream becomes a reality if you work for it and believe in your capacity to achieve whatever you wish in life.
“Life is a battle that requires strength, determination, and resilience. We don't always win, but our losses make us stronger and teach us valuable lessons.”
