Like father, like son.
Sumunod sa yapak ng kanyang ama ang isang atleta mula sa Lithuania sa katatapos lang na Paris Olympics 2024.
Nakakuha ng silver medal ang Lithuanian athlete na si Mykolas Alekna, 21, sa discus throw.
Sinundan niya ang yapak ng kanyang ama na si Virgilijus Alekna, 52, na two-time gold medalist sa parehong sport.
Ang tatay ay gold medalist sa Sydney Olympics 2000.
Muli niyang nasungkit ang gold sa Athens Olympics 2004, at gumawa ng Olympic record dahil sa 69.89-meter throw.
Twenty years later, tatalunin mismo ng kanyang anak ang Olympic record na ginawa ni Virgilijus.
Tinalo ng 69.97-meter throw ni Mykolas ang 69.89-meter Olympic record ng kayang ama.
Gayunpaman, silver medal ang nakuha ni Mykolas dahil ang nakasungkit ng gold ay si Roje Stona ng Jamaica na may 70.00-meter discus throw.
Read: Here's how much the Paris Olympics 2024 cost
lithuanian athlete MYKOLAS ALEKNA
Si Mykolas ay isinilang noong September 2002.
Hindi siya kaagad sumunod sa yapak ng tatay, at late na nung nagsimula siyang mag-train.
Una muna siyang nahumaling sa soccer at track and field, ayon sa ulat ng CNN.
Noong 2021, nag-aral siya sa University of California sa Berkeley, at dito na siya nagsimulang mapansin pagdating sa sports at nag-venture sa discus.
Tulad ng ama, nakagawa na rin siya ng kasaysayan.
Noong siya ay 19, si Mykonas ang youngest world discus medalist matapos siyang makakuha ng silver medal sa 2022 World Championships.
Read: These athletes solo represent their countries at Paris Olympics
Siya rin ang pinakabatang winner sa European Championships sa Munich, Germany noong 2022.
Noong 2023, nakagawa siya ng 71-meter throw, na naglagay sa kanya sa top 20 throws of all-time.
Malinaw na sinundan niya ang yapak ng ama dahil bukod sa dalawang Olympic gold medals ni Virgilijus, nanalo rin siya sa 2003 at 2005 World Championships, gayundin sa 2006 European Championships.
Ang isa pang anak ni Virgilijus, si Martynas Alekna, kapatid ni Mykolas, ay isa ring discus thrower.
