PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Photographer nanalo sa photo contest gamit ang lumang iPhone

Husay sa pag-capture ng photo hindi depende sa camera
by KC Cordero
Published Aug 27, 2024
The winning photo of Manush Kalwari shot using iPhone SE
Pinatunayan ni Manush Kalwari na sa photography, mas mangingibabaw ang talent ng photographer kahit pa lumang modelo ng camera ang gamitin. (Photo courtesy of Manush Kalwari, IPPAWARDS)

Sa loob ng nakalipas na 17 taon, kinikilala ng iPhone Photography Awards (IPPAWARDS) ang ilan sa pinakamagagandang larawan na kinunan ng mga iPhone users sa buong mundo.

Kamakailan ay inanunsyo na ng mga organizers ang mga nagwagi ngayong 2024.

Ayon sa inilabas na pahayag ng organizers: “The IPPAWARDS is thrilled to announce the winners of its 17th annual competition.

“This year’s winning images are a powerful testament to the art of storytelling through photography.

“These images are not just snapshots; they are profound expressions of life, captured through the lens of those who see the world with both heart and mind.”

Read: Stolen iPhone worth PHP40K used as payment for meal worth less than PHP300

Ipinagmalaki naman ng mga organizers ang nagwagi ng third place sa Portrait category—ang Indian photographer na si Manush Kalwari.

Ang kuha ni Manush na pinamagatang “The Gaddi Boy and his Goat” ay kinunan sa Burwa, Himachal Pradesh sa India.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Proud ang mga organizers sa winning entry ni Manush dahil ginamitan lang niya ito ng iPhone SE—ang pinakamurang modelo ng iPhone na ibinibenta ng Apple Inc. sa India.

Read: Wet smartphone? Experts say rice is not the best solution

Photos of iPhone SE
Ang modelo ng iPhone SE na ginamit ni Manush Kalwari. Kumpara sa ibang iPhone models, walang advance features ang camera nito. Photo: Screenshot at TechRadar
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod dito, ang third generation ng iPhone SE ay hindi na nagkaroon ng upgrade mula noong 2022.

Hindi rin masasabing cutting edge ang camera ng nasabing unit at wala itong special features kumpara sa ibang iPhone models na ginamit ng ibang kalahok, gaya ng Apple iPhone X, iPhone 11 Pro Max, at iPhone 15 Pro Max.

Read: Joey Reyes first buyer ng iPhone 15; first buyer din ng iPhone 14 last year

PHOTOGRAPHER PINATUNAYANG ANG PAGKUHA NG PHOTO AY DI DEPENDE SA CAMERA

Sa kanyang panalo, pinatunayan ni Manush ang kasabihan sa photography na: “It’s about the Indian, not the arrow.”

Ibig sabihin, nasa mata ng photographer ang magandang eksena kahit pa luma o bago ang kanyang camera.

Sa kanyang kuhang larawan ay makikita ang isang batang lalaki na karga ang isang kambing.

Walang pagpipiglas ang kambing at para itong nakakita ng kapayapaan sa kamay ng batang lalaki.

Pareho silang nakatingin sa camera at tila aware ang kambing sa nangyayari.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Na-capture din ang serenity ng paligid.

Read: Selyadong 2007 1st Gen iPhone, nabenta ng PHP10 milyon

The winning entry by Manush Kalwari
Ang winning entry ni Manush Kalwari na ginamitan lang ng lumang modelo ng iPhone. Photo: Manush Kalwari, IPPAWARDS

"The portrait struck a chord by highlighting the strong bond between a Gaddi boy and his companion goat through their expressive eyes," paglalarawan ng news website na Northlines sa photo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 1990s Apple shoes na ultra-rare, PHP2.7 milyon na ang presyo

Tinalo ni Manush ang 137 entries mula sa iba’t ibang bansa.

Ang top prizes ngayong 2024 ay nakuha ng professional photographers mula sa Germany at China.

Pinatunayan naman ni Manush na ang larawan na may tunay na impact sa titingin dito ay nagmumula sa vision ng photographer at hindi sa kayang ipagkaloob ng teknolohiya.

Dahil sa kanyang panalo, pinagkalooban siya ng Platinum Bar na likha ng isa sa most recognizable private gold mint in the world.

Read: YouTuber gumawa ng fully functional 8-foot iPhone 14 Pro Max

IPHONE PHOTOGRAPHY AWARDS HINDI KONEKTADO SA APPLE INC.

May 15 categories na pinaglabanan ang mga lumahok sa IPPAWARDS.

Open ito sa mga photography enthusiasts sa buong mundo gamit ang anumang modelo ng iPhone o iPad.

Isa sa mga criteria, ang ilalahok na larawan ay hindi pa dapat na-publish sa anumang porma sa mga newspaper and magazines—printed man o digital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinapayagan namang makasali ang mga larawan kahit nai-post na sa personal social media accounts ng shooter gaya ng Facebook, Instagram, X (formerly Twitter), at iba pa.

Read: VIRAL: Post about baked iPad elicits most imaginative reactions

Hindi rin dapat manipulated o edited ang photo gamit ang anumang desktop image processing program gaya ng Photoshop.

Ang mga kalahok ay pinapayagan namang gumamit ng iOS apps para sa photo editing.

Ipinaalala rin ng organizers na ang IPPAWARDS ay hindi inorganisa ng Apple Inc. o konektado sa kumpanya kahit isa ito sa longest-running iPhone photography awards.

Read: Selyadong 2007 1st Gen iPhone, nabenta ng PHP10 milyon

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinatunayan ni Manush Kalwari na sa photography, mas mangingibabaw ang talent ng photographer kahit pa lumang modelo ng camera ang gamitin. (Photo courtesy of Manush Kalwari, IPPAWARDS)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results