PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Most frugal woman spends PHP79 on food daily; owns 3 houses

Each of her meals should only cost around PHP20
by Bernie V. Franco
Published Aug 29, 2024
Japan
Manifesting! Saki Tamogami (insert right) started being frugal at age 19. Her goal was to buy three houses by age 34.
PHOTO/S: Note Thanun via Unsplash / YouTube

Dahil sa sobrang pagtitipid, nagawa ng isang babae na makabili ng tatlong bahay sa edad na 34.

Bukod pa rito, dahil isa siyang cat lover, nagawa rin niyang makapagpatayo ng isang shelter for cats.

Ito ang success story ng Japanese woman na si Saki Tamogami, 37, na binansagan bilang “most frugal woman in Japan.”

Noong 2019 ay na-feature ang kanyang kuwento ng tagumpay sa Happy! Bomby Girl, isang TV program sa Japan na itinatampok ang mga babaeng nagpunyagi dahil sa tiyaga at sipag.

Sa paglipas ng mga taon ay binabalikan ng TV show si Saki, kaya nasubaybayan ang mga milestones ng kanyang success story.

Inilahad ng programa ang kuwento ni Saki at ang kanyang sobrang pagtitipid para makaipon, saad sa South China Morning Post.

Sabi rito, gumagastos lamang si Saki ng 200 yen o $1.4 kada araw sa pagkain. Katumbas nito ay PHP79 o wala pang isandaang piso.

Inililista ni Saki ang lahat ng kanyang expenses para ma-monitor ang gastos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Suki siya ng mga discounted items para sa pagkain.

Read: Czech star gymnast taking selfie falls off mountain; dies

Saki Tamogami
Saki Tamogami eats directly from the pot to save water. She also does not buy bowls to save more money.
Photo/s: YouTube

SAKI SET A GOAL AT AGE 19

Noong 19 anyos pa lamang si Saki, nagkaroon na siya ng goal na makabili ng tatlong bahay pagsapit ng 34 anyos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Saki, nakakaramdam siya ng satisfaction kapag nakikitang lumalaki ang kanyang ipon.

Nang magtapos sa kolehiyo, pumasok siya bilang assistant ng isang property agent.

Tiniyak ng dalaga na wala siyang sentimong sasayangin sa kanyang sahod, at lubos ang kanyang pagiging praktikal.

Para makatipid, lahat ng pagkain ni Saki ay niluluto na niya sa bahay. At kung bibili man siya, dapat ay discounted food items.

Madalas niyang bilhin ang tinapay, udon noodles, at labanos.

Ang budget niya kada meal ay 50 yen (35 US cents) o PHP20.

Para hindi paulit-ulit ang kinakain, minsan ay nagdadagdag siya ng palaman sa tinapay o kapirasong salmon sa kanyang rice.

Pero tinitiyak niyang madalang lang dapat lumampas sa PHP79 ang expenses niya sa pagkain araw-araw.

Hindi rin siya bumibili ng mga lalagyan ng pagkain at kumakain na diretso sa mga pinaglutuan.

Sa ganitong paraan, nakakatipid siya sa tubig.

Ang naging motto ni Saki sa loob ng maraming taon: “Never buy anything without a discount.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Simula noon 19 anyos, tumigil na siya bumili ng mga bagong damit at nakuntento na siya sa mga pinaglumaan ng mga kamag-anak.

Ang kanyang mga gamit sa bahay ay pinaglumaan at itinapon ng ibang tao.

Kapag mahaba na ang kanyang buhok na iniingatan niya, pinapaputol niya ito at ibinenbenta sa halagang 3,100 yen o $20 o tinatayang PHP1,100.

Nakakatulong daw ito sa kanyang renta.

Nabili ni Saki ang kanyang unang bahay noong siya ay 27 anyos.

Sa halagang 10 million yen o $69,000 (PHP3.8 million), bumili siya ng bahay sa Saitama sa Kanto region, north Tokyo.

Ipinarenta niya ito ng 80,000 yen monthly, o $560 (PHP31,000).

Ang renta ay ginamit niyang pambayad ng mortgage.

Makalipas lamang ang dalawang taon, nakaipon muli si Saki at nakabili ng pangalawang bahay sa halagang 18 million yen. Pinarentahan niya rin ito.

Pagsapit ng 2019 ay nabili niya ang kanyang ikatlong bahay sa halagang 27 million yen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya masasabing na-manifest ni Saki ang kanyang goals dahil nabili niya ang ikatlong bahay sa edad na 34, tulad ng sinabi niya noong siya ay 19 anyos lamang.

Read: Suspected robber enters house, reads a book; gets caught

Saki Tamogami third house
Saki Tamogami's third house
Photo/s: YouTube

SAKI’S MISSION

Ikinuwento rin ni Saki kung bakit hinangad niyang unahin ang buhay sa investments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, nais daw niyang mag-rescue ng mga pusa.

Noong bata raw kasi siya, umampon siya ng pusa at tinulungan siya nito kapag nalulungkot siya.

Tinupad ni Saki ang hangad na mag-rescue ng mga pusa.

Itinayo niya ang cat café na tinawag niyang Café Yuunagi sa ground floor ng kanyang ikatlong bahay.

Nagsisilbi rin itong shelter sa mga pusang gala.

cat cafe
The cat cafe that Saki built in her third house.
Photo/s: YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Sa kabila ng kanyang mga naipundar, patuloy si Saki sa pagtitipid dahil nais niyang madagdagan pa ang kanyang mga properties.

Ang success story ni Saki ay ehemplo hindi lamang ng pagtitipid, kundi pagtitiyaga at focused goal setting.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manifesting! Saki Tamogami (insert right) started being frugal at age 19. Her goal was to buy three houses by age 34.
PHOTO/S: Note Thanun via Unsplash / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results