PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

The life of Peter Ligot as his late father’s caregiver

At the age of six, he started caring for his ailing dad on his own.
by Allyanah Marielle T. Calinao
Published Sep 24, 2024
Peter Paul Ligot
Peter Ligot recalls how, at a young age, he had to step up and care for his ailing father until his passing.
PHOTO/S: Peter Paul Ligot

Kadalasan, ang mga magulang ang gumagabay at kumakalinga sa mga anak.

Ngunit kabaliktaran ang naranasan ni Peter Paul Ligot, 21.

Sa halip na siya ang inaruga ng ama, siya ang nag-alaga rito sa loob ng limang taon, hanggang sa pumanaw ito noong 2014.

Eto ay bahagi lamang ng childhood ni Peter sampung taon na ang nakalilipas.

Inilahad niya ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Hunyo 21, 2024.

Read: The life of Lyn May, famous for “statuesque body, monstrous face”

PETER LIGOT'S FAMILY

Taong 2003, ipinanganak si Peter ng kanyang ina na si Rose.

At that time, ang ama niyang si Pedro ay 54 years old.

Noong musmos pa lamang si Peter, nagpasya si Rose na mag-abroad para matugunan ang mga pangangailangan ng pamilya.

Umuuwi lamang si Rose kada dalawang taon.

Kaya lumaki si Peter na tanging ang ama ang kanyang kasama.

Mayroong psoriasis at arthritis si Pedro, pero sa kabila nito, “hands-on” father siya kay Peter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya ang nag-aasikaso sa anak araw-araw pagpasok sa eskuwela.

Ibinibigay rin niya ang anumang hilingin ni Peter.

Peter Paul Ligot
Peter Paul Ligot as a kid and his late dad Pedro. Peter's mom Rose worked as an overseas Filipino worker.
Photo/s: Peter Paul Ligot

PETER LIGOT BECOMES FATHER'S CAREGIVER

Subalit nagbago ang lahat noong lumala ang karamdaman ni Pedro noong 2009.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anim na taong gulang lamang noon si Peter.

Ang kuwento niya, “Nagsimulang maging mainitin ang ulo niya noong lumala ang sakit niya tapos madalas niya akong paluin. Siyempre bata, hindi nasusunod yung utos niya o kaya kailangan niya ng tulong, hindi ko narerespondehan agad."

Ngunit kahit na madalas siyang saktan ng ama, nauunawaan daw niya dahil may karamdaman ito.

Ani Peter, “Hindi ako nalungkot dahil wala akong muwang, e.

“Hindi pa bukas ang isip ko noon na, ‘Ay ganito pala kahirap ang buhay namin.’

“Akala ko noon, normal lang sa edad ko na gawin yung mga bagay na ganoon dahil matanda na si Papa.”

Dahil dalawa lamang silang magkatuwang, obligado si Peter na asikasuhin ang ama.

Noong una, nagagawa pa ni Pedro ang maglakad at makatulong sa mga gawaing-bahay.

Tagapa-inom ng gamot at tagapahid ng ointment sa balat ang trabaho ni Peter.

Pero pagsapit ng 2013, noong 10 anyos si Peter, na-stroke si Pedro.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil dito, inako na ni Peter ang lahat ng responsibilidad—mula sa pag-aalaga sa amang may karamdaman at pag-aasikaso sa mga gawaing-bahay.

Read: Man's saliva matches with DNA from a murder 36 years ago

A SON’S STORY OF SACRIFICE

Aminadong nahirapan si Peter.

“Gigisingin ka sa madaling araw para umihi o itapon yung laman ng arinola niya. Medyo madaming utos.

“Gising ulit para bumili ng pagkain. Tapos maliban sa aalagaan mo siya, aasikasuhin mo pa sarili mo para makapasok sa school.

“Minsan hindi ka na makakapag-almusal kasi late ka na. Tapos uuwi ka tuwing lunch time para pakainin mo siya at ayusin kung ano ‘yung mga naiwang kalat.”

Hindi na kayang kumilos ng ama ni Peter, bagamat kaya nitong umupo.

Ang paglilinis, paghahanda ng pagkain, at pagba-budget ay nakaatang lahat kay Peter.

At habang tumatagal, palala nang palala ang karamdaman ni Pedro.

“Umabot sa point na sobrang sensitive niya na. Tinatanggal niya na yung diaper na kinakabit ko. Tapos ako na lang din ang kilala niya. Hindi ko makakalimutan iyan,” kuwento ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“‘Pag pumupunta yung mga kapitbahay para bisitahin ako, sinisigawan niya, papaalisin niya kasi hindi niya na nga makilala.

“Kaya no choice, ako na ako na lang talaga lahat,” lahad niya.

Nang tanungin kung ano ang ginagawa ng ina, sinabi niyang madalas naman itong tumatawag at nangungumusta.

Subalit wala rin itong magawa dahil kung uuwi siya, tiyak na magugutom sila.

“Naaawa sa akin si Mommy, pero kailangan din naming mabuhay,” paliwanag ni Peter.

“Kung uuwi siya, wala rin kaming kakainin. Kaya mas inisip na lang niya na magtrabaho para hindi kami magutom.

“Masakit din kay Mommy kasi magkasama nga kaming mag-ama pero baliktad naman.

“Imbes na siya ang nag-aalaga sa akin, ako ang nag-aalaga sa kanya.”

Dahil menor de edad, ang mga kapitbahay ang tumatanggap ng padala ng kanyang ina, at sila rin ang tumutulong kay Peter sa mga oras na hindi na niya alam ang gagawin.

Sabi ng binata, “Every time na nag-se-seizure si Papa, tinatawag ko na lang yung mga kapitbahay kasi hindi ko naman siya kayang buhatin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tinutulungan naman nila ako pati tuwing nagpapalit ng diaper niya.”

Sa tuwing aatakihin at isusugod din daw ang ama sa ospital, ang mga kapitbahay nila ang kasama dahil hindi naman puwede ang mga bata sa loob.

Kuwento ni Peter, “Kapag nao-ospital siya, kasama niya lang ako sa ambulansiya, pero kapag sa loob na wala na.

“Pero sumisigaw siya. Sinisigaw niya yung pangalan ko na magsaing na raw ako gano’n, maglinis daw ako ng bahay.

“Parang nawala na siya sa sarili. Sobrang hirap talaga no’n.

“’Yun ang pinakamahirap na part ng buhay ko talaga. Hindi ko makakalimutan yun.”

Dumating sa puntong ang mabigat na pasanin ni Peter ay nakaapekto na sa pag-aaral niya.

Kuwento niya, “Tinatawag ako ng mga kapitbahay sa school sa tuwing aatakihin siya.

“Kapag nag-se-seizure siya gano’n, kailangan ko puntahan.

“Kasi nalalaman lang naman ng mga kapitbahay na may masama nang nangyari sa kanya kapag sinisigaw na yung pangalan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi wala namang nagtsi-check sa kanya, ako lang talaga. Dalawa lang talaga kami. Wala kaming mahingian ng tulong.

“Although mayroong mga kapitbahay, nakakahiya pa rin kasi parang nakakaabala naman kami.”

Mabigat ang kanyang mga responsibilidad sa kabila ng murang edad. Mabuti na lang at likas siyang masayahin at palakaibigan. Madalas daw siyang puntahan ng mga kalaro sa kanilang bahay upang hindi siya malungkot.

“Sa school, tinatawa ko na lang, nakikipaglaro ako sa mga classmates ko, at nag-e-enjoy ako kasi pag-uwi ko ng bahay, ayan, start na ulit sa alaga—hugas plato, linis, palit ng diaper gano’n.

“Nasanay na lang ako sa gano’n,” sambit niya.

Noong 2013, natapos na ang kontrata ni Rose at nagdesisyon na siyang umuwi.

Pabalik-balik na rin kasi sa ospital si Pedro.

Read: Mom makes son sell snacks to teach him a lesson; plan backfires

PETER’S LIFE AFTER HIS FATHER’S PASSING

Taong 2014 nang tuluyang bawian ng buhay si Pedro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong una, nangibabaw kay Peter ang labis na kalungkutan.

Ngunit nangibabaw na lang sa isip niya na hindi na naghihirap ang ama niya.

Ani Peter, “Noong nawala siya, nakahinga ako nang maluwag kasi pinag-usapan din namin ni Papa noong buhay pa siya na sana mas mapaaga na raw para hindi na raw ako mahirapan, lalo na at nag-aaral ako.

“Wini-wish niya na sana makapagpahinga na siya nang maaga para hindi na siya maging burden.

“Hindi niya rin gusto na makita akong nahihirapan sa kanya.

“Dapat kasi sinusuportahan niya ako sa lahat ng bagay, pero baliktad. Ako ‘yung sumusuporta sa kanya.”

Muling nag-abroad ang kanyang ina kaya tumira si Peter sa isang school sa loob ng dalawang taon.

Naiintindihan niya ang desisyon na ito ng kanyang ina dahil kailangan nilang mag-ipon at makapagsimula ulit.

Matapos ang kontrata, bumalik sa bansa ang kanyang ina at hindi na ulit umalis pa.

Peter Paul Ligot
Peter, now 21, says he misses everything about his father.
Photo/s: Peter Paul Ligot
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT PETER LEARNED FROM TAKING CARE OF HIS DAD

Sampung taon matapos mawala si Pedro, nagbalik-tanaw si Peter sa kanyang karanasan at sa lahat ng aral na natutunan niya mula rito.

Pahayag niya, “Maaga akong namulat sa reality, na maging independent.

“At doon ko na-realize na hindi pala madali ang buhay, gaya sa mga napapanood, nakikita, o nababasa ko.

“Hindi rin lahat ng bata nagkaroon ng masayang childhood, kaya yung mga bata na mayroon no’n, blessed sila.

“Unlike me na nagkaroon agad ng responsibility dahil nagkasakit si Papa, tapos nawala pa siya.

“Ang hirap din na walang tatay.”

Dagdag niya, “Naiintindihan ko kahit sinasaktan niya ako paminsan-minsan.

“Pero may times na naiisip ko minsan na, ‘Bakit kailangan pa paluin?’ Kasi may mga nakikita ako na bata na hindi naman pinalaki sa palo.

“Nag-co-compare ako at nagagalit ako sa kanya, minsan nasasagot ko siya at nag-aaway kami.

“Pero natutunan ko ang pagiging patient at pagiging independent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi mawawala ang pagmamahal ko kay Papa.

“Isa yun sa pinaka-tine-treasure ko. Kapag wala na, mami-miss mo rin lahat ng away na yun.”

Sa ngayon, third year college student na si Peter sa Cavite State Univeristy sa kursong B.S. Economics.

Tunay ngang hindi patas ang buhay—mayroong mga taong maagang naranasan ang pait nito.

Ngunit anu’t ano pa man, hindi dapat kalimutang lilipas din ang lahat.

Ang mahalaga ay sa kabila ng hirap, makakabangon, makaka-move on, at magiging mas matatag.

Higit sa lahat, walang katumbas ang maiparamdam sa ating mga mahal sa buhay kung gaano sila kahalaga sa atin.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Peter Ligot recalls how, at a young age, he had to step up and care for his ailing father until his passing.
PHOTO/S: Peter Paul Ligot
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results