Ang pagtuturo sa Pilipinas at paglinang sa kamalayan ng mga kabataang Pilipino ang nananatiling best option ni Angelica Llona Baroso, isang aspiring teacher.
Isinilang sa bayan ng Libon sa Albay, ang 24 anyos na si Angelica ay Top 4 sa March 2024 Teacher's Licensure Examination.
Nakakuha siya ng rating na 92 percent.

Nagtapos siya ng Bachelor of Secondary Education Major in Science sa Bicol University College of Education noong July 2023 bilang cum laude.
Nakapanayam si Angelica ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last October 8, 2024 via Facebook Messenger.
Sumang-ayon din siyang magamit ang ilang detalye ng panayam ng Philippine News Agency sa kanya last October 4.
Read: Taxi driver returns bag with PHP200K cash
HUMINTO NG ISANG TAON SA PAGKOKOLEHIYO
Isang farmer ang ama ni Angelica, at housewife ang kanyang ina.
Ang kanyang mga dating guro ang nagmulat sa kanya para maging educator tulad ng mga ito, at mahalin ang teaching profession.
"I was fortunate enough to be surrounded by passionate and dedicated teachers, whose examples inspired me to follow in their footsteps at an early age,” pagbabahagi ni Angelica.
“Being around them made me realize that teaching is an ideal profession because it also aligns with my values and abilities.”
Read: Meet Ricamhel Villamayor: summa cum laude and topnotcher
Nagsimulang mag-aral ni Angelica sa kolehiyo noong 2018.
Sa kasamaang palad, nagkaroon siya ng problemang pangkalusugan.
Kinailangan siyang sumailalim sa surgery, at napilitan siyang huminto sa pag-aaral sa loob ng isang taon.
Kung para sa iba ay isang trahedya ang nangyari sa kanya, mas lalong pinatapang si Angelica ng pangyayaring iyon.
Makalipas ang isang taong pamamahinga, lalo siyang naging determinado na maging ganap na guro.
Kaakibat ng pangarap niyang ito ang kanyang mithiin na maging pinakaunang degree holder sa kanilang pamilya.
Ang kanyang pagiging matatag at determinado ang kanyang naging armas sa mga huling taon niya sa kolehiyo.
Pinagsabay-sabay niya ang pag-aaral, pagre-review sa board exam, at pamamasukan bilang tutor.
Read: Foreigners cheer on Pinoy nurses after Best Nurse meme goes viral
HINDI NANGARAP MAGING TOPNOTCHER
Aminado si Angelica na hindi na siya nangarap maging topnotcher.
Pagbabahagi niya sa kanyang Facebook post last May 25, “As an exhaustingly busy person from my last year in college until now that I am at the early phase of my working career, I have never had the time to dream of becoming a topnotcher.
“I always had to juggle my being a part-time tutor and a full-time university student.
“After graduation, I had to balance work with my review sessions.
“Never have I dreamed of topping, really.”
Aniya, nakatutuwa na may mga naniniwala sa kanya na kaya niyang maging topnotcher.
“But the people who have seen my potential have auspiciously dreamed of it.
“They’re my friends and loved ones who kept on telling me: ‘Di ka lang papasa, magta-top ka pa.’
“They manifested it.”
Kaya nang lumabas ang resulta, “I’ve eventually come to believe in the power of manifestation.”

Pagtatapat ni Angelica, “Before this achievement, I once thought that I already lost God’s favor because of the silent sins I enjoyed before, but I was too wrong to think of Him that way.
“He is truly a ‘just’ God because when I prayed, ‘Lord, kahit pumasa lang po...’ He never looked at my shortcomings and deviance from Him."
Read: Meet Sheena Mae Obispo: Top 1 in Social Worker Licensure Exam
HINDI NAWAWALA ANG PASSION FOR TEACHING
Lalo namang napatunayan ni Angelica na nasa pagtuturo talaga ang kanyang passion nang maging science part-time teacher siya sa BU College of Education Integrated Laboratory School-High School sa loob ng pitong buwan.
"While this short experience exposed me to the challenges of teaching—such as the mental and emotional exhaustion from heavy workloads and difficult student behavior—this also gave me the opportunity to discover how rewarding it is when students learn from me.”

Hindi maiiwasan na marinig niya sa kuwentuhan ng mga guro roon ang malungkot na kalagayan ng mga educators sa Pilipinas, at ang mga problemang kinakaharap ng ating educational system.
Kabilang dito ang nararanasang pagka-burn out dahil sa dami ng mga estudyanteng hina-handle, poor working conditions, at mababang sahod.
Sa kabila nito, umaasa si Angelica na makakakuha pa rin siya ng permanent teaching position sa local public school sa kanilang munisipalidad.
"Teaching is truly exhausting and is not the path to wealth.
“However, if given a choice between a job that provides financial security but is less fulfilling, and one that offers average benefits but brings a lifetime of satisfaction, I would always choose the latter," matatas niyang sambit.
Read: 112-year-old John Tinniswood of the UK is world’s oldest living man
“HOPING TO SERVE IN DEPED SOON”
Inamin naman ni Angelica na minsan ay sumagi sa kanyang isipan na magturo sa ibang bansa.
Yun nga lang, ang kanyang puso ay talagang nasa paglilingkod sa Pilipinas.
Batay sa tala ng United Nations, ang buong mundo ay mangangailangan ng 44 million teachers sa pagtatapos ng 2023 para ang Sustainable Development Goal na magkaroon ng de-kalidad at makatwirang edukasyon ay maging reyalidad.
Sa Pilipinas, ang mga guro ay karaniwang nakikipagsapalaran sa China, Saudi Arabia, Singapore, Japan, at Thailand para sa mas magandang oportunidad, ayon sa Philippine Overseas Employment Agency.
Read: Life story of farmer’s son who finishes college after 10 years
Kaya kahanga-hanga ang mga tulad ni Angelica na determinadong maglingkod sa sariling bansa.
Aniya, para mahikayat ng pamahalaan ang mga batang guro na tulad niya, dapat silang pagkalooban ng sapat na suporta para higit pa nilang mapalawak ang kanilang kaalaman at maabot ang buong potensyal.
Kabilang dito ang pagtiyak na sa hiring process pa lang, ang pre-service training ng isang guro ay dapat na naka-align sa subjects na ia-assign sa kanila para ituro sa mga estudyante.
Dagdag pa niya, kapag na-hire na, dapat na ang isang bagong guro ay aalisan na ng administrative tasks para maibigay nito ang buong atensyon sa pagtuturo.
Kailangan ding pagkalooban ng access sa technology and resources para mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman.
Read: Photographer nanalo sa photo contest gamit ang lumang iPhone
At para kay Angelica, bukod sa academic expertise, ang sukatan ng pagiging isang mahusay na guro ay ang karakter nito.
"Those who pursue and stay in teaching are the ones with a true calling for it.
“If, despite the exhaustion at the end of the day, you still feel a sense of fulfillment, it’s a clear sign that you’re meant for this profession.”
Sa ngayon, connected si Angelica sa isang tutorial and review center.
“Hoping to serve in DepEd soon, or in any university po.”
Para naman sa mga kabataan na kasalukuyang tinutupad ang kanilang pangarap, ito ang kanyang word of wisdom: "I believe that what is truly meant for you will always find its way, regardless of the circumstances.”
Read: A Boy, a Bicycle and a Legacy: Remembering John Gokongwei Jr.—the film
