PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Queenie Macatangay, magna cum laude and Top 1

Pangarap niyang maiakyat sa stage ang amang OFW
by KC Cordero
Published Oct 16, 2024
Queenie Macatangay receiving cash gift
Achiever mula preschool, lumaylay ang performance ni Queenie Macatangay (gitna) pagsapit ng senior high school at nadiskaril ang pangarap na maging doktor. Nakita niya ang kanyang true calling sa pagiging guro. (Photo courtesy of CRBC)

Sa loob ng 21 years ay halos hindi nakasama ni Queenie Macatangay ang kanyang ama na isang Overseas Filipino Worker (OFW).

Kaya isa sa pangarap niya ang maging board topnotcher sa March 2024 Licensure Examination for Professional Teachers-Elementary Level para makaakyat sa stage ang kanyang ama.

At natupad ito ni Queenie.

Sa katunayan, siya ang top 1, given her 92.40-percent rating.

Queenie Macatangay holding her medal
Ang larawan ni Queenie Macatangay nang manumpa bilang ganap na propesyunal na guro. Photo: CBRC
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtapos siya bilang magna cum laude sa kursong Bachelor of Special Needs Education sa University of Batangas nitong July 2023.

Nakapanayam si Queenie ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last October 16, 2024, via Facebook Messenger.

Kuwento nito (published as is), “Panganay po ako sa dalawang magkapatid. Lumaki kami na ang kasama lang sa bahay, sa school, at sa mga events sa buhay ay ang Mama namin.

“Ang Papa namin ay OFW, at umuwi lang siya last November 2023. Mahirap lumaki na wala yung isang magulang.

“Pero kahit halos buong buhay namin ay wala si Papa physically, hindi naman siya nagkulang bilang tatay. He is a great provider.”

Isang registered nurse ang kanyang ina, pero mas pinili nitong huwag magtrabaho para maalagaan silang magkapatid.

Queenie Macatangay: ACHIEVER MULA PAGKABATA, NANGARAP MAGING DOKTOR

Tubong Calaca, Batangas si Queenie, at pangarap niyang maging medical doctor.

“Lumaki ako sa pamilyang may nurses, pediatricians, medical technologists, nutritionist-dietician—and I wanted to be like them. Growing up, my favorite subject was science.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nandoon na ako actually sa first step of achieving that dream dahil nakapasa ako sa University of Santo Tomas.

“Noong Senior High School, Health-Allied ang aking strand.”

Pagbabahagi ni Queenie, simula preschool ay lagi siyang achiever.

“Bawat recognition day at graduation, aakyat ako sa stage para tumanggap ng certificate, nasasabitan ng medals, o kaya ay mag-i-speech. Akala ko magaling ako.”

Pero nahirapan na siya pagsapit ng senior high school.

“Bukod sa malayo sa family at first time mamuhay independently, first time ko ring naranasan yung mag-fail sa academics—nang paulit-ulit.

“First time ko ring mag-graduate na walang medal o certificate man lang. Hindi na honor student.”

Read: Meet Angelica Baroso: cum laude, topnotcher, first degree holder in family

Queenie Macatangay's hiccup during Senior high school

Hindi matanggap ni Queenie noong time na iyon ang nangyari sa kanya.

Dala-dala niya ang ganoong predikamento hanggang mag-college siya.

Ang resulta, “Nag-stop ako after ng halos isang buwan sa UST College of Rehabilitation Sciences bilang freshman sa program na Physical Therapy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Isang buong academic year akong tumigil.

“After that, nung gusto ko na ulit mag-aral, hindi na ako bumalik sa Manila.”

College na rin noon ang kanyang bunsong kapatid at masyado nang malaki ang gastos. Ayaw na rin ng kanyang pamilya na mag-isa si Queenie.

“Kaya nag-enroll ako sa University of Batangas, at ang pinili kong program ay Special Needs Education dahil bukod sa Center of Excellence status ng College of Education sa UB, ito ang pinakamalapit sa Rehabilitation Sciences—na unang program kong kinuha.”

Read: Taxi driver returns bag with PHP200K cash

Pag-amin ni Queenie, “Hindi ko pinangarap na makapagtapos bilang guro.

“Pero kahit noong pangarap ko pang maging doktor, nasa plano kong kapag free time ko ay magtuturo ako sa gusto ring magdoktor.

“Side hustle lang sana ang maging teacher, pero ngayon, full time na—at hindi ako nagsisisi.

“I always saw the beauty of learning and I’m glad na yung natapos ko is parang two-in-one na doktor at teacher na, since I would be managing and teaching learners with special needs.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet Ricamhel Villamayor: summa cum laude and topnotcher

Queenie Macatangay's challenges in college

Gaya ng ibang nagkolehiyo, maraming pinagdaanang hamon sa buhay si Queenie.

“Yung challenge talaga is kung gusto at kaya ko na ba talaga ulit mag-aral, since tumigil ako for an academic year.

“’Tapos ibang school na, ibang program na hindi ko pa first choice.”

Kaya ang nangyari sa kanya, “Mula first year hanggang third year college, puro doubts.

“Palagi kong itinatanong sa sarili ko kung tama ba yung tinatahak kong path, kung gusto ko ba talaga yung ginagawa ko, kung magiging masaya ba ako na ganoon yung magiging trabaho ko in the future.

“Hindi talaga ako sigurado. May ilang beses na gusto ko talagang mag-drop.”

Ang kanyang rason, “I was doing well kung base sa mga nakukuha kong grades.

“Ang problema, noong time na iyan, hindi kayang punan ng mga matataas na marka yung satisfaction ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang may kulang. Wala akong fulfillment na nararamdaman.”

Read: Foreigners cheer on Pinoy nurses after Best Nurse meme goes viral

Na-survive naman niya ang inner struggles at challenges ng buhay-college sa tulong ng kanyang circle of friends.

“Naiintindihan nila ako at hindi nila ako hinuhusgahan for it.

“Dagdag pa ang ilang professors ko na itinuturing kong mentors dahil hindi nila ako pinabayaan at ang lalim ng paniniwala nila sa kakayahan ko.”

Queenie Macatangay doing a talk
Si Queenie Macatangay, kanan, habang nasa isang talk sa kanilang unibersidad. Photo: Screenshot at University of Batangas Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa mga factors na ito, “Nagbago yung perspective ko about my chosen path nung nagsimula yung subject namin kung saan may learning experiences na kami with learners with special needs.”

Ang maganda pang naramdaman ni Queenie, “Parang nagkaroon ng small fire within me and that pushed me to be and do better.

“Para akong nabigyan ng panibagong purpose.

“Nag-add ng fuel sa fire noong teaching internship na namin na nagpa-realize sa akin kung bakit ako nandito, at kung bakit yun ang program na pinili ko.

“Yung pangarap ko, hindi na lang para sa akin o sa pamilya ko—nangarap na rin ako para sa mga batang may special needs at sa mga pamilya nila.”

Read: Meet Sheena Mae Obispo: Top 1 in Social Worker Licensure Exam

NAGING WORRIER NA NAMAN SA PAGHAHANDA SA BOARD EXAM

Gaya ng ibang board-exam takers, inamin ni Queenie na nag-struggle din siya sa paghahanda para sa licensure exam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Unang challenge is yung oras to prepare. Pakiramdam ko, sobrang bilis ng oras tapos hindi ka sigurado kung sapat na ba yung alam mo.

“Pangalawa is yung distance ulit from my family. Sa Manila branch ng Carl Balita Review Center ako nag-enroll, tapos yung family ko ay nasa Batangas.”

Pero may mga dahilan naman si Queenie kung bakit niya piniling mag-review sa Manila.

“Pinili ko rin naman na hindi palagi umuwi para rin talaga makapag-focus, kahit na minsan mahirap talaga at saka malungkot.

“Another challenge is for me to keep up with the expectations—na mostly ay self-imposed.

“Lumayo ako ng enrolled na CBRC branch para wala akong kakilala at walang pressure.”

Ang siste, nang maging maganda ang performance niya sa pre-tests at pre-boards, “Nadagdagan na nang nadagdagan yung pressure for me.

“Pakiramdam ko, maraming matang nakatingin sa akin at maraming umaasa na ganoon din ang magiging results ko sa mismong LET.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: The life of Peter Ligot, the boy who became his father’s caregiver

Bukod dito, may isa pang personal goal si Queenie.

“Pangarap ko talagang maiakyat yung Papa ko sa stage sa oath taking kapag naging topnotcher ako.”

Part of it is to fulfill the expectations of other people.

“I understand naman na they mean no harm at way din nila yun to let me know na naniniwala sila sa akin.

“Pero mahirap pa ring dalhin kasi doble yung magiging sakit kapag na-disappoint ko sila.”

Read: 112-year-old John Tinniswood of the UK is world’s oldest living man

Queenie Macatangay, NAPATUNAYANG MAHIRAP TALAGA ANG BOARD EXAM

Aminadong nahirapan si Queenie sa actual na board exam.

“Honestly, yes, sobra! Nahirapan ako simply because mahirap talaga.

“We never really know anong lalabas sa exam, hindi mo talaga ma-a-anticipate at all.

“Kahit puspos ka sa pag-aaral, kapag yung inaral mo ay hindi lumabas, wala kang magagawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, “Ang hirap i-apply nung mga napag-aralan mo, hindi ka sigurado kung tama.

“Pinaka-struggle dun is board exam na yun. Ang rule, dapat hindi ka na magkamali. Kaya lang, hindi mo na nga alam yung sagot sa mga tanong.

“After answering the exam, binilang ko talaga kung ilan yung hindi ko sigurado at ilan yung wala talaga akong idea at all.

“Doon na ako pinanghinaan lalo ng loob kasi sa bilang kong yun, malabo na yung pangarap kong mag-top sa boards.”

Read: Japan’s "most frugal woman" spends PHP79 on food daily; now owns three houses

Queenie Macatangay on being TOPNOTCHER

Kuwento ni Queenie, noong nasa college pa siya ay idea lang sa isip niya na maging topnotcher.

“Alam ko kasing mahirap at ayaw ko na sanang dagdagan ng pressure yung sarili ko.

“Kumbaga, kung anong kaya, yun na lang, okey na. Ang mahalaga naman kasi, may lisensya.”

Pero may mga indikasyon na posibleng maging topnotcher talaga siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hanggang sa weekly pre-LET reviews namin noong last semester sa college, na nagta-Top 1 din ako.

“’Tapos yung professor ko, ipinakilala akong future topnotcher ng college namin doon sa principal ng school kung saan ano naging intern.”

Aniya, dahil doon, “Para bang hindi ko na puwedeng isantabi at gusto ko talagang pagtrabahuhan.

“Nung nag-review center ako at nakikita ko yung results ko tuwing may exams, unti-unting nagiging pangarap ko na at goal talaga yung maisama ko sa stage ang family ko, lalo na si Papa, since I felt like that it’s the only chance I got.”

Read: Life story of farmer’s son who finishes college after 10 years

Queenie Macatangay ON BOARD-EXAM RESULT

Nakatakda sanang lumabas ang resulta ng board exam nina Queenie noong May 20, pero na-move ito ng May 24.

“Honestly, hindi na yun relief kasi ang tagal na nung paghihintay, mas nakakakaba!

“Parang na-prolong pa yung agony, ha-ha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang naghihintay ng resulta, nagpunta siya sa iba’t ibang simbahan na malapit sa kanila para magdasal.

“I prayed intently. Hinihiling ko talagang sana maging topnotcher pa rin kahit na pakiramdam ko ay hindi sapat yung naging performance ko during the boards.

Ang schedule ng pagpunta niya sa mga simbahan ay tuwing alas tres ng hapon mula Monday hanggang Thursday.

“Pero day of results, Friday, since may family event din na kailangang puntahan sa hapon, nagpunta na kami sa simbahan ng tanghali.

“Puyat pa ako niyan since nag-aabang talaga ako magdamag, kasi hindi mo talaga alam what time ilalabas.

“Pagpatak ng alas dose ng madaling-araw, lagi na akong nagre-refresh ng Professional Regulation Commission website.”

Read: Photographer nanalo sa photo contest gamit ang lumang iPhone

Nang papunta na sila sa simbahan, naubusan naman ng data sa smartphone si Queenie.

“Mas kinabahan ako kasi wala akong means to check! Inisip ko na lang na hindi naman kami magtatagal nang sobra sa church at siguro hindi pa naman ilalabas agad yun ng PRC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Also, I think that was God’s way to tell me na mag-focus muna ako sa Kanya at ikalma ko yung utak ko sa pag-iisip.”

Read: How armless pilot Jessica Cox finds purpose in "being different"

Nang nasa simbahan na si Queenie, ang kanyang panalangin ay hindi na paghiling kundi pasasalamat na.

“Itinaas ko na sa Kanya ang lahat-lahat at nagpapasalamat na ako sa paparating na biyaya.”

Pagkalabas nila ng simbahan, napansin ni Queenie na ang dami ng missed call sa kanyang smartphone pero wala ni isang text message.

Pagsakay nila ng kanilang sasakyan para umuwi na, biglang sinabi ng kanyang kapatid na lumabas na ang resulta ng board exam.

Art card congratulating Queenie Macatangay
Matapos ang maraming pagdududa sa sarili, napatunayan ni Queenie Macatangay na kaya niyang maging topnotcher. Photo: CBRC
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang nalaglag yung sikmura ko at tumigil yung tibok ng puso ko!

“’Tapos sabi ko, wala akong data!”

Nag-connect siya sa hotspot ng kapatid.

“Nung naka-connect na ako, pumunta ako agad sa Messenger app at sobrang dami ng messages!

“Nag-scroll lang ako at nakita kong puro congratulations yung messages. Tumatawag na rin sa Messenger yung professor ko nung college—the same professor na ipinakilala ako bilang future topnotcher.”

Hindi niya sinagot ang mga tawag at agad siyang nag-check sa website ng PRC.

“Ang pinuntahan kong listahan ay hindi yung list of successful passers, doon talaga ako pumunta sa list of topnotchers.

“Pagkakita ko sa Rank 1 na may Queenie, tiningnan ko agad yung school kasi sigurado akong ako lang yung Queenie na nag-take from University of Batangas!

“Nung nasigurado kong ako talaga yun, I prayed to Him. Puro pasasalamat.”

Ipinarating niya sa kanyang pamilya na topnotcher siya.

“Nung nagtanong sila kung anong rank at sinabi kong Rank 1, puro na iyakan and sigawan habang pauwi kami sa amin galing simbahan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Loribel Adeser-Bontilao's remarkable journey: from squatter to pastor to doctor

NATUPAD ANG PANGARAP NA MAIAKYAT SA STAGE ANG AMANG OFW

Una sa lahat, inialay ni Queenie ang tagumpay sa Diyos na naging sandalan niya sa lahat ng challenges na hinarap niya.

“Sa Mama Glofer ko, sa kapatid kong si King John, sa mga lola ko, Mama Puring at Lola Gloria, mga titos and titas na ipinagdasal din ang tagumpay ko, mga pinsan kong hindi nawalan ng tiwala sa kakayahan ko.

“At siyempre, sa Papa Roel kong maiiakyat ko sa stage.”

Inialay rin niya ang kanyang tagumpay sa Filipino SPED community, sa mga kaibigan, sa kanyang boyfriend, sa kanyang naging teachers mula preschool hanggang college at sa lecturers sa CBRC, at sa mga kasabay niyang nag-exam na nangangarap ding maging lisensyadong guro.

“Para sa atin ito na nagsisikap para sa mga Pilipinong mag-aaral at sa de-kalidad na edukasyon para sa bayan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang tanungin kung ano ang kanyang future plans, ani Queenie, “I am actually just enjoying what I have and what I am doing now, and I take it day by day.

“But most definitely, my future would still consist of teaching and learning.”

Read: Australian airport lauded for hiring staff member with Down syndrome

Mayroon naman siyang “three pieces of advice” para sa mga nangangarap din na maging haligi ng edukasyon sa ating bansa.

“First, find your purpose and hold on to it. Bakit mo gustong magturo? Para kanino mo ito ginagawa? Kapag may sagot ka sa mga tanong na iyan, palagi mo lang alalahanin para sa tuwing may darating na pagsubok at nakakapagod, alam mo saan ka kukuha ng lakas para magpatuloy.

“Ikalawa, surround yourself with people who support, motivate, understand, respect, and love you. Hindi madaling mag-aral para maging teacher. Hindi madaling mag-review para maging lisensyadong teacher. At kapag nasa field ka na, hindi madaling maging teacher.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dapat yung mga taong nakapaligid sa iyo, nagiging source of hope and positivity na patuloy na ipapaalala sa iyong kaya mo at tutulungan kang malampasan ang mga bagay na mahirap para sa iyo—at magpapaalala na okey lang talagang magpahinga dahil hindi tayo robot. Let us give ourselves some grace.

“Ikatlo, magdasal. Lumapit sa Kanya. Laging ipagdasal ang mga ginagawa at gagawin pa lang. Humingi ng gabay at suporta mula sa Kanya.

“Magkaroon ng open communication sa Kanya dahil palagi Siyang nakikinig. Siya ang gawin mong sentro ng lahat ng ginagawa mo sa buhay dahil hindi ka Niya pababayaan, at mas lalong hindi ka Niya ilalagay sa mga sitwasyong hindi mo kaya.”

Read: Meet Rosa Linquist, Pinay beauty queen who is now U.S. Navy medical specialist

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Achiever mula preschool, lumaylay ang performance ni Queenie Macatangay (gitna) pagsapit ng senior high school at nadiskaril ang pangarap na maging doktor. Nakita niya ang kanyang true calling sa pagiging guro. (Photo courtesy of CRBC)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results