PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Alyssa Eliana Bautista, Top 1 in criminologists’ board exam

She’s also a cum laude.
by KC Cordero
Published Oct 24, 2024
Alyssa Eliana Bautista's graduation photo, and the list of topnotchers
Para kay Alyssa Eliana Bautista, walang shortcut sa tagumpay at dapat itong paghirapan. “At kapag inulan tayo ng mga pagsubok sa buhay, gawin nating payong ang mga pangarap natin para sa ating sarili at para sa ating pamilya.” (Photos courtesy of Alyssa Eliana Bautista, PRC)

Naniniwala si Alyssa Eliana N. Bautista na kung minsan, may mga inisyal na pangyayari sa ating buhay na inilalayo tayo sa landas na gusto nating tahakin.

Ganito ang nangyari sa kanyang college journey.

Twenty-two years old na si Alyssa, at pangalawa siya sa tatlong magkakapatid.

Isang farmer ang kanyang ama at teacher naman ang kanyang ina.

Residente ang kanyang pamilya ng Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Graduation photo of Alyssa Eliana Bautista
Si Alyssa Eliana Bautista nang magtapos sa kolehiyo. Photo: Alyssa Eliana Bautista Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtapos si Alyssa ng Bachelor of Science in Criminology sa PHINMA Araullo University last June 1, 2024, bilang cum laude.

Top 1 naman siya sa July 2024 Licensure Examination for Criminologists, kung saan nakakuha siya ng rating na 92.10 percent.

Nakapanayam si Alyssa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong October 22, 2024, via Facebook Messenger.

Read: Yuan Masuda's love for Chemistry and review strategy land him Top 5 spot in board exam

BIGGEST PRESSURE DURING COLLEGE

Pagbabahagi ni Alyssa, hindi ang kursong criminology ang kanyang first option.

“Hindi ako nakapasa sa admission test ng kaisa-isahang state university na inaplayan ko for college.

“I was too confident that time.”

Hindi siya na-discourage sa naging setback.

“Na-realize ko na we didn’t get what we want because in the right time, we will get something we truly deserve.”

Kuwento pa niya, “Ang pinakamalaking challenge na kinaharap ko during college is the pressure I put into myself and the weight of expectations from other people.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Alyssa Eliana Bautista during college
Noong college, pressured si Alyssa Eliana Bautista na patunayan sa ibang tao ang kanyang galing. Photo: Alyssa Eliana Bautista Facebook

Dahil sa kagustuhan niyang may mapatunayan sa ibang tao, “Inabuso ko yung sarili ko at nilunod sa pag-aaral dahil sa paningin ko, people will only appreciate and validate me if I achieve something—kapag may nakukuha akong medals at awards.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil sa matinding pressure na ibinigay niya sa sarili, nahirapan si Alyssa.

Siya na rin ang gumawa ng paraan na pagaanin ang kanyang mga dalahin sa pag-aaral.

“Mas pinili kong mag-focus sa sarili ko, gawin yung best ko, at huwag pansinin ang sinasabi ng ibang tao.

“I just keep on moving forward. Lagi kong ipinapaalala sa sarili ko that better days are coming.

“Sinabi ko sa sarili ko na challenges in life is inevitable, na ang mga hamon sa buhay ay ang siyang nagpapatatag sa isang tao.”

Read: Mindanao students invent fire exterminator using sound waves

HURDLES DURING BOARD EXAM

Muli namang napaharap sa katulad na predikamento si Alyssa nang kukuha na siya ng board exam.

“Unang-unang challenge na kinaharap ko is self-doubt.

“Kinukuwestyon ko yung sarili ko kung kaya ko bang maipasa yung board exam.”

Dahil dito, nag-hesitate si Alyssa na mag-take ng risks.

“Kasi natatakot akong magkamali ulit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pinay student wins gold in World Youth STEM Invention Innovation

Ang isa pang bumagabag sa kanya at naghatid ng matinding pressure, “Since I graduated with Latin honors, lagi kong iniisip yung expectations ng iba sa akin, to the point na sila na yung nagdidikta ng kapalaran ko sa board exam.”

Nakadagdag pa rito ang estado ng kanyang kalusugan.

“During the second day of the board exam, tinamaan ako ng lagnat.

“I find it hard to focus at hindi rin ako makapag-isip nang maayos.”

Read: Meet Queenie Macatangay: magna cum laude and board topnotcher who wanted to be a doctor but became a teacher

DREAM OF BECOMING A TOPNOTCHER

Aminado si Alyssa na kagaya ng ibang board takers ay nahirapan siya sa exam.

“Since may mga concepts na bago at unfamiliar sa akin, in addition to that, since nabanggit ko nga na nagkasakit ako that time, nawala ako sa focus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nahirapan akong mag-isip at iproseso yung mga tanong sa board exam.”

Sa kabila nito, nangarap si Alyssa na maging topnotcher.

Pag-amin niya, “Lahat naman siguro ng board takers ay nangangarap maging isang topnotcher.

“Sabi nga sa amin ng isa naming lecturer: ‘Shoot for the moon, even if you miss, you’ll land among the stars.’”

Paalala naman niya sa mga kukuha ng board exams, “Pero hindi lang tayo dapat mangarap at umasa—kailangan din nating sabayan ng aksiyon upang maging posible at makamit natin ang ating mga pangarap sa buhay.”

Read: Meet Angelica Baroso: cum laude, topnotcher, first degree holder in family

ON BEING TOP 1

Bagaman at ilang buwan na ang nakalilipas mula nang lumabas ang resulta ng kanilang board exam, sinabi ni Alyssa na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya ang lahat ng nangyari—lalo pa at siya ang Top 1.

“To be honest, hindi pa talaga. Hindi pa rin ako makapaniwala.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sariwa pa rin sa kanyang alaala ang mga detalye ng pinaka-espesyal na araw na iyon sa kanyang buhay.

Alyssa Eliana Bautista's name tag
Hinding-hindi makakalimutan ni Alyssa Eliana Bautista ang araw na nalaman niya ang resulta ng kanilang board exam. Photo: Alyssa Eliana Bautista Facebook

“August 23 bandang 12:00 a.m. nang lumabas ang result ng board exam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakatulog na ako noon sa kahihintay, pero ginising ako nang paulit-ulit na tawag galing sa mga kaibigan ko.

“Nang malaman ko yung result, tumakbo agad ako sa kuwarto nina Mama at Papa.

“Niyakap ko sila and I thanked God for the blessing He gave me and my family.”

Emosyunal na sambit pa ni Alyssa, “Somehow, it felt like na na-redeem ko na yung sarili ko from all the failures I did before.

“I made my younger self proud.”

Read: Meet Ricamhel Villamayor: summa cum laude and topnotcher

ALYSSA ELIANA BAUTISTA PLANONG MAGING LAWYER

Inihandog ni Alyssa ang kanyang tagumpay, unang-una sa Panginoon na gumabay sa kanya sa kabuuan ng kanyang naging journey.

“Pangalawa ay sa aking mga magulang at pamilya na laging naniniwala sa aking kakayahan at laging nakasuporta sa akin.

“At pangatlo, sa aking alma mater, sa PHINMA Araullo University na nag-alaga at kumupkop sa akin sa loob ng apat na taon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Alyssa Eliana Bautista with her parents
Si Alyssa Eliana Bautista at ang kanyang parents. Photo: Alyssa Eliana Bautista Facebook

Pinaghahandaan na ni Alyssa ang kanyang mga susunod na career moves.

“Sa ngayon, I really wanted to give back sa aking alma mater as an educator.

“I wanted to help and guide the future criminologists to reach their dreams and aspirations in life.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod dito, “If God permits, I would like to pursue law school in the near future—to be the voice of the voiceless, and to be an advocate of justice and fairness.”

Read: Foreigners cheer on Pinoy nurses after Best Nurse meme goes viral

Ang ibinahagi niyang payo sa mga kabataan na gusto ring kumuha ng kursong criminology: “Always remember that there is no shortcut to success.”

Paalala niya sa mga ito, huwag agad susuko sa pressure o anumang pagsubok.

“There are bumpy roads ahead.

“At sana kapag inulan tayo ng mga pagsubok sa buhay, gawin nating payong ang mga pangarap natin para sa ating sarili at para sa ating pamilya.”

At kapag aniya dumating ang panahon na kukuwestyunin nila ang kanilang sarili at kakayahan, ani Alyssa, “There will come a point na the easiest option is to give up.

"Pero sana when that time comes, don’t ever forget why you are here and why you even started.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet Sheena Mae Obispo: Top 1 in Social Worker Licensure Exam

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para kay Alyssa Eliana Bautista, walang shortcut sa tagumpay at dapat itong paghirapan. “At kapag inulan tayo ng mga pagsubok sa buhay, gawin nating payong ang mga pangarap natin para sa ating sarili at para sa ating pamilya.” (Photos courtesy of Alyssa Eliana Bautista, PRC)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results