PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Patrick John Santisidad: summa cum laude, Top 1 in board exam

He is a scholar, a working student, and a brilliant one.
by KC Cordero
Published Nov 22, 2024
Graduation photo of Patrick John Santisidad, and the list of Top 10
Si Patrick John Santisidad ay summa cum laude sa University of the Philippines Diliman at Top 1 sa October 2024 Electronics Engineers Licensure Examination. “Nag-bear fruit naman po lahat nang paghihirap at oras na ginugol ko sa pag-aaral at pagre-review.” (Photos: Patrick John Santisidad Facebook, PRC)

Ang pangarap ni Patrick John Gabuna Santisidad, 23, ng Carmona, Cavite, ay maging isang doktor.

“Simula’t sapul po mula pagkabata, medicine or pagdodoktor po talaga sana ang pangarap ko, kaya UP Manila ang first choice ko nun sa UPCAT," na tumutukoy sa University of the Philippines College Admission Test.

“Kaya lang po, sa Computer Science ako nakapasa.”

Nakapanayam si Patrick ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last November 20, 2024 via Facebook Messenger.

Read: Meet Timothy Armoo, millionaire without real-estate properties

Pagkalipas ng isang taon, may choice na sana si Patrick na mag-shift sa mga pre-med courses ng UP Manila.

“Kaya lang po, naisip ko na dahil sa hirap ng buhay at medyo hikahos po kami, sa tingin ko ay di ko rin naman talaga maitutuloy ang pagdodoktor.”

Parehong accountant ang mga magulang niya, pero maagang naghiwalay.

“Simula’t sapul, nanay ko lang po ang nagpalaki sa aming magkakapatid.

“May dalawa po akong kapatid na babae. Ang panganay ay nagtapos sa PUP Sta. Mesa ng Bachelor of Science Biology, at ang bunso po namin ay kasalukuyang nag-aaral sa UP Los Baños ng Bachelor of Science in Chemistry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I would not want to burden my mother for that long kasi tatlo po kami pinag-aaral niya. And as a single parent, sobrang bigat po sa kanya financially ng medicine.”

Dahil doon, pinili ni Patrick na mag-transfer sa UP Diliman at kumuha ng Bachelor of Science in Electronics Engineering.

Graduation photo of Patrick John Santisidad
Graduation photo of Patrick John Santisidad. Photo: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I chose the engineering route and decided it’s best na mag-transfer sa UPD since medyo okey naman po ako sa math.”

Nagtapos siya noong July 28, 2024 bilang Summa Cum Laude.

Recipient din siya ng Best Undergraduate Project (Research Category) Award sa Electrical and Electronics Engineering Institute ng UP Diliman.

Top 1 naman si Patrick sa October 2024 Electronics Engineers Licensure Examination with a rating of 91.90.

Read: Meet Jigo Biyoyo, summa cum laude and Top 3 in 2024 Chemists Licensure Exam

PATRICK JOHN SANTISIDAD'S SIDE HUSTLE

Hindi na kumuha si Patrick ng entrance exams sa mga private institutions nang magkolehiyo.

“Unlike po sa iba, I didn’t have much of a choice.

“I was never able to apply sa mga private institutions dati kasi wala po kaming budget para magbayad ng entrance exam fees.”

Sa mga state universities siya nag-apply dahil libre.

“Sa awa naman po ng Diyos, nakapasa naman sa dream school ko sa UP.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Patrick John Santisidad wearing maroon polo shirt
Maraming naging sakripisyo si Patrick John Santisida makapagtapos sa kolehiyo. Photo: Facebook

Nakakuha rin siya ng scholarship sa Department of Science and Technology kaya bukod sa free tuition ay may monthly allowance siya.

“Kasi po need makasabay sa klase lalo na nag-remote learning dahil sa pandemic.

“Financial disposition po talaga namin ang paghihirap ko nung college kasi simula nung pumasok ako sa kolehiyo, ako na nagpapaaral sa sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lahat po ng gastusin ko sa pag-aaral ay gastos ko gamit yung scholarship na nakuha ko.

“Kaya nakakakuha po ako ng stipend kada buwan."

Pero minsan delayed, minsan kulang, kaya nagdesisyong maging working student si Patrick.

Sa pagpapatuloy niya, “Kaya lang po, kadalasan ay delayed ang stipend, and minsan, di sapat sa buwan-buwan.

“Pumasok po ako bilang sideline ko sa UP bilang student assistant.

“Yung suweldo ko at stipend ay bina-budget ko lang po.

“Kaunting diskarte lang po sa pagkain araw-araw sa karinderya, and thankful naman ako na mura ang dorm sa loob ng UP kaya kahit papaano ay napagkakasya ko ang suweldo at scholarship ko per month nung nag-aaral po ako.”

Read: Niele Shem Bañas ranks Top 1 in board exams twice: first in ECE, now in ECT

PATRICK JOHN SANTISIDAD’S BOARD-EXAM JOURNEY

Nung naghahanda na para kumuha ng board exam, isa sa mga challenges na kinaharap ni Patrick ay kung saan niya kukunin ang pambayad sa review center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang mahal po kasi para sa akin ang fee nun, and hindi naman kaya ng nanay ko ang pambayad.”

Sa kabutihang palad, “Yung review center po na napasukan ko ay generous enough to give me scholarship kasi nakita nila ang potential ko po.

“Kaya grateful po talaga ako sa kanila, kasi aside sa pagtuturo ay sinuportahan din po nila ako financially.”

Isa pang naging problema niya ay kulang ang naging oras niya para sa pagre-review.

“By the time I started reviewing for the October 2024 ECELE, hindi pa po ako graduate, and I had to juggle my academics with my review.

“Kaya hindi po ako naka-focus gaano sa first three months, and naghapit lang ako ng review sa last three months.”

Read: Meet Alyssa Eliana Bautista, Top 1 in criminologists’ board exam

Pero kumpara sa ibang licensure-exam takers, hindi nahirapan si Patrick.

“Surprisingly po, not that much.

“By the time na mag-e-exam po ako, confident na ako na na-grasp ko na ang needed fundamentals ng ECE and pulido na ako sa basics.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“The exam came, and nag-bear fruit naman po lahat nang paghihirap at oras na ginugol ko sa pagre-review.”

Read: Yuan Masuda's love for Chemistry and review strategy land him Top 5 spot in board exam

PATRICK JOHN SANTISIDAD CONSIDERS BEING TOPNOTCHER A BONUS

Pero kahit at ease siya sa performance niya sa board exam, wala sa isip ni Patrick na makakapasok sa Top 10.

“Much more po ang mag-Top 1 sa boards.

“Bonus na lang po talaga ni Lord yung pagiging Top 1 ko, and very thankful po talaga ako for that.”

Inamin naman niyang nangarap siyang maging topnotcher.

“When I was still studying, yes po.

“Goal ko po talaga ang mag-top sa board exams nung estudyante po ako; yung makasama po ang pangalan ko sa list na ipo-post ng Professional Regulation Commission.

“Feel ko po na sobrang nakaka-proud na makita ng maraming tao na ganun ka—na kahit hindi mo sila kilala personally, kino-congratulate ka po nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pinay student wins gold in World Youth STEM Invention Innovation

Na-realize ni Patrick na hindi ganun kadali ang maging board topnotcher.

“Nung review days ko, nalaman kong sobrang hirap pala.

“It was not as straightforward as I had imagined. Dagdag pa po yung financial and academics problems ko nun na sumasabay sa review.

“I had a lot on my plate during the review season and becoming a topnotcher seemed to have become more far-fetched.

“With due diligence and God’s guidance, I was able to pass and top the boards po. Utang ko po ito sa lahat nang taong tumulong at nag-guide sa akin.”

Read: Meet Queenie Macatangay: magna cum laude and board topnotcher who wanted to be a doctor but became a teacher

PATRICK JOHN SANTISIDAD'S REACTION TO BOARD-EXAM RESULT

Nasa isang event si Patrick kasama ang kanyang mga katropa para sa DOST Academic Excellence Award nang lumabas ang resulta ng board exam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Habang nagpi-picture taking kami nung end of the event, doon po ini-release, and sinabi lang po nila sa akin na ako daw ang Top 1."

Art card congratulating Patrick John Santisidad
Hindi agad nakita ni Patrick John Santisidad ang kanyang pangalan sa mga pumasa, akala niya ay bagsak siya. Photo: UP Diliman Facebook

Kabado pa siya nun dahil, “Kasi hindi ko po makita yung pangalan ko, akala ko bagsak pa ako, ha-ha-ha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napaupo na lang si Patrick at hindi makapaniwala.

“Hindi ko po masabi kung nananaginip ako, o kung totoo ba ang lahat.

“Lahat po sila ay naghihiyawan at kinu-congratulate ako kasama ang nanay ko.”

Tumawag na rin sa kanya ang iba pa niyang kaibigan.

“Pero I was at a loss for words. Sobrang talon and sigaw na lang po kami doon kasi pati yung mga friends kong kasama ko that time sa event ay topnotchers din and passers.”

Sambit pa niya, “Pasado po kaming buo sa barkada.”

Read: Meet Angelica Baroso: cum laude, topnotcher, first degree holder in family

PATRICK JOHN SANTISIDAD’S FUTURE PLANS

Inialay ni Patrick ang kanyang tagumpay, una sa lahat, sa Panginoon.

“For giving me the knowledge and wisdom, and for enabling me to overcome and hurdle through sa challenges na ibinigay niya.

“Next po ay sa family ko po for being my inspiration, and for supporting me in every thing that I do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lastly, sa mga kaibigan at sa mga taong nasa likod kong walang sawa na nagbigay ng suporta sa akin. Hindi ko po magagawa lahat nang ito kung wala sila.”

Read: Taxi driver returns bag with PHP200K cash

Sa ngayon, nagre-relax muna si Patrick bago sumabak sa panibagong hamon ng buhay.

“I am taking my time to myself para makapagpahinga and rewind sa buhay-buhay. Then I am gonna start applying for jobs.

“As of now, I am thinking of entering software/data science jobs since more on coding and math po iyon and doon po ako nag-e-excel since estudyante pa lang po ako.”

May payo naman siya sa mga kabataang gusto ring maabot ang kanilang mga pangarap.

“Patuloy ka lang sa pangarap mo. Cliche mang sabihin, pero totoong walang imposible basta determinado kang maabot mo ito.”

Paalala pa niya, “Sana huwag mong hayaang pigilan ka ng mga balakid na ibabato sa iyo along the way, bagkus gamitin mo ito para mas umangat pa sa larangan na gusto mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lagi mo itong iaalay sa Diyos at sa mga taong pinaghuhugutan mo ng inspirasyon. Padayon!”

Read: Meet Ricamhel Villamayor: summa cum laude and topnotcher

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Patrick John Santisidad ay summa cum laude sa University of the Philippines Diliman at Top 1 sa October 2024 Electronics Engineers Licensure Examination. “Nag-bear fruit naman po lahat nang paghihirap at oras na ginugol ko sa pag-aaral at pagre-review.” (Photos: Patrick John Santisidad Facebook, PRC)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results