Nang magkolehiyo si Jazzylee Manalo Rodriguez, 24, ng Taal, Batangas, ang greatest challenge niya ay hindi niya alam kung saan talaga siya passionate.
Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Psychology sa Lyceum of the Philippines University-Batangas last June 2023 bilang cum laude.
Top 10 naman siya sa August 2024 Psychometricians Licensure Examination, at may rating na 85.40 percent.

Nakapanayam si Jazzylee ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last November 19, 2024 via Facebook Messenger.
Pagbabahagi ni Jazzylee, “I would say taking Psychology was a risk for me. I graduated high school while still figuring out what course should I take.
“Parang namamangka ako sa gitna ng laot nang hindi alam kung saan dadaong.”
Engineering sana ang first choice niya since sa science high school siya nag-aaral noon.
“Honestly, it wasn’t a problem at all. Academic achiever ako, 'tapos nae-enjoy ko naman ang science and math subjects.
“Dahil advanced din ang turo sa amin, sabi ko mukhang kaya ko naman talagang mag-take ng program na more on STEM.”
Read: Patrick John Santisidad: UP Diliman summa cum laude, Top 1 in board exam
Nakapasa siya sa entrance examination sa isang state university.
“Pero habang malapit na akong matapos sa high school, parang na-feel ko na siguro hindi talaga ako para sa field na iyon.
“Parang ayoko na sa program na hindi ko basta-basta maia-apply sa everyday living. Sa engineering, alangan naman mag-compute ako palagi?”
Pagpili pa lang ng course ay stressful na para sa kanya, lalo na’t hindi niya talaga alam kung ano’ng gusto niyang kunin.
“Kaya lang naisip ko na kapag engineering ang itinuloy ko, free tuition na. Also, DOST scholar naman ako, so, wala na talaga ako masyadong poproblemahin.
“Ang hirap na I was doing great academically, pero hindi ko alam kung saan ako pupunta.”
Read: Filipina in U.S. helps stranger, gets PHP5.8 million in return
DAY BEFORE ENROLLMENT, NAG-DECIDE MAG-PSYCHOLOGY
Ang isang bagay na sure lang si Jazzylee that time ay ang i-pursue ang kanyang leadership and volunteerism.
“May times before na mas gusto kong gumawa ng mga tasks sa org namin kaysa mag-aral talaga.”
Bigla siyang nagkaroon ng sudden realization na i-pursue ang medicine.
“For the first time, na-feel ko na ito na siguro ang right choice for me.”
Ang tanong naman niya sa sarili: “Anong medicine-related program naman?”
Nagkataong nakisali si Jazzylee sa mga friends niya na magte-take ng entance exam sa LPU-B.
“Wala yun sa plan ko, pero para ma-excuse sa class, sumama ako, not knowing na iyon na pala ang path na para sa akin.
“I remember, pharmacy ang inilagay ko na course kasi gumaya lang ako sa isa kong friend.”
Read: Meet Timothy Armoo, millionaire without real-estate properties
Nang enrollment na, naisip niya na kung Medical Technology ang kukunin niya ay mahihirapan ang kanyang pamilya sa tuition.
“But as confusing as it could be, nag-decide rin ako na ayoko na ng matinding aral sa college.
“Feeling ko masyado kong na-pressure ang sarili ko na mag-keep up sa acads noong high school ako, to the point na na-drain na siguro ako.
“Sabi ko pagdating sa college, gusto ko chill na lang.”
Noong gabi bago ang enrollment, isang desisyon ang nabuo ni Jazzylee.
“Finally, nag-decide ako na mag-Psychology na lang kasi parang medicine-related siya, pero hindi ganun kamahal ang tuition fee.
“But like I said, it was a risk. Would I be able to complete this program? Would I regret not pursuing a more medicine-related program? Would I be motivated to continue it until the end?”
Inisip din niyang baka mag-struggle siya dahil initially ay hindi yun ang kanyang plano.
“But plans can be both written and unwritten. May mga unexpected na nangyayari, and sometimes it can almost shatter us just because we think we aren’t prepared for it.
“But clarity always lies ahead. At the end of the day, what truly matters is how we take action sa mga bagay na hindi natin inaasahan.”
Read: Meet Jigo Biyoyo, summa cum laude and Top 3 in 2024 Chemists Licensure Exam
MUNTIK MAG-SHIFT PERO NAGDESISYONG HUWAG NA LANG
Sa unang taon niya sa kolehiyo ay nagkaroon ng regrets si Jazzylee na hindi MedTech ang kinuha niya.
Ikinonsidera rin niyang mag-shift dito pagsapit ng second year.
“But I decided not to.”
Kuwento niya kung bakit, “Psychology may not be my first choice, pero kapag nasimulan mo nang aralin ang buhay ng isang tao, matutuhan mo ring mahalin ang sikolohiya.
“Iba yung fulfillment kapag unti-unti mong naiintindihan kung bakit at paano nagbe-behave ang isang tao in a certain way.”
Read: Niele Shem Bañas ranks Top 1 in board exams twice: first in ECE, now in ECT
Naging eye-opener ang Psychology para kay Jazzylee.
“Habang inaaral ko ang iba’t ibang psychological concepts and theories, parang I’m also unpacking a facet of the society na hindi masyadong napag-uusapan–ang kalusugang pangkaisipan ng mga tao.
“Marami ang nakaka-experience ng struggles mentally, pero bakit parang hindi ito napagtutuunan ng pansin kagaya ng sa physical health?”
Dahil doon, mas natutunan ni Jazzylee kung paano maging compassionate and empathic towards other people.
“Eventually, na-realize ko na ang pagpili sa Psychology bilang kurso ko ay calling para mag-serve ako as hope to others at mas maisulong ang Sikolohiyang Pilipino para sa bayan.”
Read: Meet Alyssa Eliana Bautista, Top 1 in criminologists’ board exam
SARILI ANG NAGING KALABAN SA SOBRANG PAGka-COMPETITIVE
Sa kabila ng naging adbokasiya ni Jazzylee, hindi pa rin naging madali ang college years para sa kanya.
Marami rin siyang naging struggles.
“As a student leader, nakikita ng mga kaklase ko how I manage to fulfill all my obligations.
“I was also able to excel academically. Pero kahit na sinabi ko noon na gusto ko ay chill lang sa college, battling with the pressure and expectations you set for yourself is really too much.”
Supportive ang mga tao sa paligid niya, pero tinaasan naman niya ang standards para sa sarili.
Masyado rin siyang naging competitive.
“Kalaban ko mismo ang sarili ko. May mga times na pasado naman ako or above average, and I should be happy and grateful about that.
“Pero I felt like hindi pa rin ako enough at hindi ko alam kung saan ba ako nagkukulang despite knowing na ginagawa ko naman ang best ko.”
Ani Jazzylee, wala namang nagpaparamdam sa kanya na she’s wasn’t good enough.
“Aside from myself of course.
“And siguro dahil masyadong comforting para sa akin yung environment ko, I was scared na baka masira ko siya.
“Feeling ko kasi, hindi magiging meaningful ang journey ko kung basta-basta ko lang isu-survive ang college. Para bang kailangang mapatunayan ko talaga na magaling ako.
“Baka kapag nalaman nila na nag-fail ako or mababa ang grades ko, they might think less of me.”
Nagkaroon siya ng feeling na para siyang rubber band na pinipilit ma-stretch ang sarili hanggang kaya pa.
“Sa simula ay okey pa, pero habang tumatagal ay nagiging manipis na at bigla na lang mapipigtas, hanggang sa hindi na magiging ganun ka-usable at kasingtibay.”
Read: Yuan Masuda's love for Chemistry and review strategy land him Top 5 spot in board exam
NAWALAN NG DRIVE MAG-ARAL DAHIL SA PANDEMIC
Mas naging challenging kay Jazzylee ang sitwasyon nang nagka-pandemic.
“Nawala yung drive sa akin na mag-aral nang ayos.
“Gigising ako five minutes na before our online class.
“May times pa na nasa meeting ako pero may iba akong ginagawa. Or, few hours before the deadline pa lang ako gagawa ng mga school activities.”
Bagaman at natutuwa si Jazzylee na naranasan ng mga estudyante noong pandemic ang learning modalities na makatutulong aniya sa educational needs ng Pilipinas, may naobserbahan din siyang epekto niyon.
“Hindi ito conducive for me kasi nawawala talaga ang focus ko.
“Iba pa rin kasi kapag personally mong natututuhan yung mga itinuturo, lalo na at Psychology ang inaaral namin.”
Aniya, para silang nakulong na lamang sa mga libro.
“The pandemic deprived us of the opportunity to gain firsthand experience in our field.
“Dahil doon, mas nagkaroon ako ng doubts if magiging efficient mental health professional ba ako in the future considering na two years ang nawala sa amin.”
Tanong niya sa sarili noon: “Paano ako makakatulong sa ibang tao kung hindi sapat yung knowedge at experience ko?
“Paano ako magiging hopeline sa mga may mental health needs kung ako mismo yung hindi na nagtitiwala sa kakayahan ko?”
Read: Mindanao students invent fire exterminator using sound waves
MAY DOUBTS SA SARILI HANGGANG NGAYON
Pinanghawakan na lang ni Jazzylee noong pandemic ang kasabihang learning is a continuous process.
“Until now, may mga doubts pa rin naman ako sa sarili ko. But these help me to be more driven in pursuing what I truly want.
“Sometimes, doubts allows us to assess our decisions more critically. Nagkakaroon kasi tayo ng chance to evaluate yung pros and cons, and if magiging masaya ba talaga tayo.”
Nagkaroon din siya ng realization na things can be learned and experiences can be gained.
“And that could take time.
“Hindi na siguro mawawala sa akin ang pagkakaroon ng high expectations and pressure towards myself pero kailangan kong matutuhan na I’m not always in the best version of myself.
“Failures are part of our success, and these are the stories that make our journey more meaningful.”
Read: Pinay student wins gold in World Youth STEM Invention Innovation
NAGING MOTIVATED ULI NANG MAG-FACE-TO-FACE CLASSES NA
Fourth year na si Jazzylee nang bumalik sila sa traditional way of learning.
“It was an opportunity for me to utilize the remaining year para mas ma-enhance ang sarili ko in the field of Psychology.”
Naging motivated ulit siyang mag-aral nang mabuti at mag-commit sa mga organizations.
“During my internship period, I made sure na worthwhile ang magiging experience ko. I applied sa mga institutions na sa tingin ko ay makakatulong talaga for me.
“It was also the time when I realized na I’m already doing good enough, and there’s nothing wrong with taking a break or pausing for a moment.”
Aniya, hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan niyang pilitin ang sarili na maging pinakamagaling.
“Lalo na if it would cost my mental stability.
“I have friends and family na all-out ang support sa akin, so, why not do the same for myself?
“Basically, all I need to survive those challenges is to accept myself for who I am and believe in what I can do, not just for myself but for those who are in need.”
CHALLENGING ANG REVIEW CLASSES DAHIL MAY WORK NA
Ang board exam para sa psychometricians ay once a year lang, kaya after graduation, may one-year period si Jazzylee for review.
Nagdesisyon siyang magtrabaho agad sa isang eskuwelahan.
“I was a guidance counselor and instruction specialist for a year.
“At first, manageable talaga yung schedule ko. Full-time employee ako, and sa first few months ay hindi pa ako masyadong nagre-review talaga.”
Nagpahinga muna siya sa pag-aaral pero nag-attend ng online review every weekend.
“Parang casual na review pa lang kasi August the next year pa naman ang board exam.”
Read: Meet Angelica Baroso: cum laude, topnotcher, first degree holder in family
Last few months of 2023, nahihirapan na siyang mag-review nang ayos kasi hindi na kinakaya ng schedule.
“By April 2024, mas naging challenging kasi nag-start na ang intensive review namin kaya face-to-face na every weekend.”
Nahirapan siyang i-manage ang kanyang oras dahil sa kanyang trabaho kapag weekdays at maghapong review pag weekends.
“May times talaga na nakakatulog na lang ako sa review center.
“Every weekdays naman, hindi ako nakakapag-aral nang ayos kasi I have to prioritize yung work-related tasks as I was a research adviser, at maraming research papers ang kailangan kong i-check.”
Buti na lang at hanggang May 2024 lang ang pasok sa school kung saan siya employed.
May two months pa siya na maging full-time reviewee before board exam.
Read: Taxi driver returns bag with PHP200K cash
KINABAHAN SA MAGIGING PERFORMANCE SA BOARD EXAM
Pagtatapat ni Jazzylee, “Siguro in denial pa lang ako sa simula pero unti-unti na akong nilalamon ng kaba at doubts.
“Nakakasabay naman ako sa mga lectures namin pero alam kong ang dami ko pang hindi alam.”
Tuwing magbubukas siya ng group chats nila ng kapwa reviewees, lalo niyang nare-realize na ang dami pa niyang kailangan aralin.
“At baka hindi na enough yung time para makahabol ako.
“Hindi ko na talaga alam ang uunahin noon kasi kapag kakatapos ko pa lang sa isang topic or subject, para may additional na naman na kailangan ulit aralin.
“It was like a cycle that wouldn’t really stop.
“Imagine the struggles of studying lots of concepts, and experiencing mental instability at the same time.
“Mapapatanong ka na lang talaga kung kakayanin mo pa ba.”
Kaya sa araw ng exam, pakiramdam ni Jazzylee ay sasabak siya sa giyera na kulang ang sandata.
“And it was really exhausting.”
Read: How armless pilot Jessica Cox finds purpose in "being different"
NAHIRAPAN SA BOARD EXAM
Sa araw ng review, ramdam ni Jazzylee ang hirap ng mga tanong.
“Ang daming questions na never kong na-encounter habang nag-aaral ako.
“There was this particular theory pa na several questions about it were included, pero I don’t have the slightest clue if ano ba ang sinasabi sa theory na iyon.”
At dahil sa pagod at puyat, pilit niyang nilalabanan ang antok habang kumukuha ng exam.
“Bigla-bigla na lang ako napapapikit, kaya ang hirap lalong sagutan ng mga tanong, ‘tapos hindi ko rin ma-process kasi karamihan sa mga concepts ay yung hindi ko na masyadong nabigyan ng focus during my review.”
Hindi naman niya minadali ang pagsasagot kahit nakikita niyang may mga nakatapos na.
“I kept in mind that one important thing I should do is to utilize the given time.
“Isa ito sa mga natutuhan ko rin sa mga naging lecturers namin na nagpapa-motivate sa akin noon.
“Hindi ko kailangang mauna sa exam; ang kailangan ko ay magamit ang bawat oras na allotted for that subject.”
May na-realize din si Jazzylee after ng board exam.
“Although sufficient yung time namin for review kasi one year ang preparation, responsibility ko na kung bakit hindi ko alam yung mga topics.
“Sabi nga rin sa amin ng mga lecturers namin, kahit gaano kami mag-aral, hindi talaga namin malalaman lahat. We just have to trust our knowledge and take courage that we can succeed the board exam.”
Read: Loribel Adeser-Bontilao's remarkable journey: from squatter to pastor to doctor
NAG-MANIFEST NA MAGING TOPNOTCHER
Inamin din ni Jazzylee na nag-manifest talaga siya sa simula pa lang na maging topnotcher.
“Pero looking back, I could say na ‘yung naging preparation ko ay hindi pang-topnotcher.
“Along my review journey, full of regrets din ako kasi habang papalapit na ang board exam, alam kong nagkulang talaga ako sa pagre-review.
"Kaya kahit nagtitiwala ako na kakayanin ko ang boards, may doubts pa rin talaga.”

Wake up call para sa kanya ang last month before board exam.
“Palagi kong sinasabi na mangangarap na rin lang ako, bakit hindi ko pa taasan. Pero how can I make it work if hindi enough ang actions from me?
“Ang ginawa ko, everyday for almost a month, nag-aaral talaga ako simula umaga hanggang madaling-araw. Para akong may sariling mundo sa kare-review.
“I was still full of regrets, and also doubts, kasi feeling ko nira-rush ko na yung pag-aaral at aminado ako na ang dami ko pang hindi alam.”
Sinabi na lang ni Jazzylee sa sarili na kung hindi siya maging topnotcher ay kahit pumasa na lang.
“But God is really in my favor. Naging topnotcher ako despite everything, and I know it was a testament to my perseverance.
“I wasn’t expecting, but I was really hoping to see my name on the list of topnotchers.”
Kaya nang makita niya ang pangalan niya sa listahan ng topnotchers, “Sobrang saya kasi naibigay sa akin yung manifestation ko lang noong una.
“Until now, parang ang hirap pa ring paniwalaan. Hindi ko ma-explain kung paano ako naging topnotcher kasi until boards, nag-struggle pa rin ako.
“Pero sabi nga, kung nagtitiwala ka talaga sa sarili mo na kaya mo, kakayanin mo kahit pa minsan parang feeling natin wala ng pag-asa.”
Read: A Boy, a Bicycle and a Legacy: Remembering John Gokongwei Jr.—the film
TAGUMPAY INIHANDOG SA PSYCHOLOGY COMMUNITY
Inialay ni Jazzylee ang kanyang tagumpay sa kanyang family, mga kamag-anak, at mga kaibigan.
“They became understanding kahit hindi kami ganun ka-expressive sa isa’t isa.
“Malaking bagay kasi yung naka-support sila unconditionally pero hindi ka pine-pressure na dapat topnotcher ka or dapat mataas rating mo.

“Also to my former colleagues and my alma mater since elementary to college [LPES, FAST, & LPU-B], especially sa mga college professors ko, all-out talaga ang support and encouragement nila.
“And of course, ang aking tagumpay ay para sa komunidad, para sa isang malaya at mapagpalayang Sikolohiya.
“Sa panahon ngayon, patuloy na kinakailangan ang pagsusulong ng kalusugang pangkaisipan, at kalakip ng tagumpay kong ito ay ang aking dedikasyon na matulungan ang ating komunidad.”
Read: SUCCESS STORY: Batang magbubukid Amado Panes now a teacher
sana lumawak pa ang practice ng PSYCHOLOGY sa bansa
Sa kasalukuyan ay part-time college professor si Jazzylee sa LPU-Batangas.
“I’m also currently pursuing Master of Arts in Psychology, with specialization in Clinical Psychology at PUP Graduate School in Manila.
“Focus muna po ako sa MA ko while working, pero hopefully I can work in a psychological clinic in the future.
“I am also volunteering para makapag-provide ng psychosocial support and psychological first aid and to further enhance my skills, especially na crucial ang roles namin in the community.”
Paalala ni Jazzylee sa mga kabataang gustong kumuha ng psychology, hindi kailangang magaling kaagad sa pag-aaral o pagsasaulo ng mga theories, counseling techniques, stats, at iba pang concepts na pinag-aaralan.
“All of these can be learned, but what matters the most is how we use our knowledge to serve as a hopeline for the community.
“Sa psychology, ang dami natin matututuhan tungkol sa complex pero interesting characteristics ng human behavior.”
Read: Fil-Am White House executive chef retires after 29 years
Bagaman at sinasabing soft science lang daw ang psychology, o pagbabasa lang daw ng utak ng tao, ilan lang ani Jazzylee ito sa mga misconceptions.
“Ang dami ring kumakalat na misuse of terms/phrases which just signifies an increased need to focus on this program.”
Paglalahad pa ni Jazzylee, “Sa bansa natin, based sa data last year [2023], wala pang 1,000 ang mga psychologists na nasa clinical practice.
“Imagine one licensed practicing psychologist for every 125,000 Filipinos!”
Kaya pakiusap niya, “Sana maging adbokasiya ito sa mga kabataan na gustong mag-Psychology.
"Kailangan kayo—o tayo—ng komunidad natin. Iba yung empathy at understanding na mabi-build natin.
“And it’s not just a program na ite-take natin for four years or addtional two to four years for further studies—Psychology is also about saving lives, bringing hope, and helping them heal.”
Pagtitiyak pa ni Jazzylee, “Hindi magiging madali ang journey sa pag-take ng psychology—pero all will be worth it.”
Read: VIRAL: Teacher climbs flagpole to secure flag knot
