Pangarap ni Ash Xu na maging isang software engineer paglaki niya.
Iyon kasi ang propesyon ng kanyang ama.
Twenty-two years old na si Ash, at naninirahan ngayon sa New York City.
Noong nasa middle school pa lang siya at nakatira pa noon ang kanyang pamilya sa Bay Area, naging interesado si Ash sa paggawa ng video.
Read: Retiree turns hunting for extinct apple varieties into hobby

Read: Baguio City teen saves heart attack victim through CPR
Naimpluwensiyahan siya ng sobrang panonood ng YouTube at Buzzfeed videos.
Nang mag-high school, kumuha si Ash ng advanced placement computer science class.
Hindi niya iyon nagustuhan.
In fact, hate niya ang naturang subject.
Para hindi maburyong, nakigrupo siya sa kanyang mga kaibigan at kapag may free time, gumagawa sila ng short films.
ASH XU'S FIRST CLIENT
Nag-start naman siyang mag-post ng sariling videos sa iba’t ibang social media platforms noong 2020.
Summer noon at kaga-graduate lang niya ng high school.
Magsisimula na rin siyang magkolehiyo.
During that time, wala na sa isip ni Ash ang sumunod sa mga yapak ng kanyang ama.
Nakatuon na ang kanyang isip sa pagkuha ng course sa filmmaking.
Dahil pandemic at marami siyang oras, lalo niyang hinasa ang sarili sa paggamit ng camera at pag-edit ng videos.
Read: Abigail Cayanan: Cum laude, Top 1 in nursing board exam

Bago natapos ang 2020, nabigyan siya ng isang online brand ng project: isang commercial.
Ang kanyang fee? US400 o PHP23,436.40.
Noon na-realize ni Ash na puwede pala siyang magkapera sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay na mahal na mahal niya—ang short films.
Read: Andrea Yzabell Cortez: cum laude, nursing board topnotcher
ASH XU'S BIGGEST BREAK
Sa panayam kay Ash ng CNBC last December 3, 2024, sinabi niyang mula nang mabayaran siya ng online brand sa ginawa niyang commercial, noon din niya naisip na hindi malayong matupad ang pangarap niyang maging isang commercial director.
Mula naman noon, ang mga video na ibinabahagi niya sa Internet ay nagiging viral.
At noong September 2024, nakatanggap si Ash ng email mula sa isang fast-food chain.
Read: Jazzylee Rodriguez: cum laude, Top 10 in board exam
Handa ang kumpanya na bayaran siya para sumulat ng concept na gagamitin nito sa TV commercial.
At kung siya mismo ang magsu-shoot ng commercial, may dagdag na talent fee para sa kanya.
Noong time na iyon ay nasa ilalim na si Ash ng pangangalaga ng isang management team.
Ang kanyang team ang nakipagnegosasyon sa fast-food chain kung magkano ang magiging rates niya.
Nakuha ni Ash ang proyekto.
Hindi na binanggit ni Ash kung magkano ang natanggap niya sa paggawa ng fast-food chain commercial.
Inamin naman niyang isa ito sa may pinakamalaking bayad sa mga nagawa na niyang proyekto.
Read: Meet Jigo Biyoyo, summa cum laude and Top 3 in 2024 Chemists Licensure Exam

Read: Meet Ricamhel Villamayor: summa cum laude and topnotcher
Nagpapasalamat si Ash na siya rin ang napiling mag-shoot.
“It gave me a lot of lot of confidence in my abilities.”
Ito rin ang unang pagkakataong nag-direct siya ng commercial na mahigit sa anim na professionals ang kabilang sa kanyang team.
Noon kasi ay mga kaibigan lang niya ang katulong niya.
Mayroon ding food stylist at marketing managers para sa branding.
Inilabas ang ginawa niyang commercial last November 2024.
Read: Meet Sheena Mae Obispo: Top 1 in Social Worker Licensure Exam
ASH XU IS ALSO A VIDEOGRAPHER AND A CONTENT CREATOR
Marami siyang natutunan sa project.
Aniya, hindi kailangang maging perpekto o genius para maging kuwalipikado sa trabaho.
“In my mind, the barrier to entry to creating anything was just really high and you had to be perfect.
“Otherwise, you wouldn’t be chosen.”
Natutunan din niya sa kanyang directing debut na hindi kailangang siya ang pinakamarunong o pinakaperpektong tao sa team.
Importanteng mahal niya ang kanyang ginagawa at magaling siyang makisama sa mga katrabaho.
Read: Photographer nanalo sa photo contest gamit ang lumang iPhone
Ayon pa kay Ash, ang tagumpay ng isang tao ay nakabatay sa pinaghalu-halong karanasan, pagiging malikhain, at kung paano ibebenta ang sarili.
Naniniwala rin siya na bawat individual ay laging may maio-offer na kakaiba.
Sa ngayon, mabenta rin si Ash bilang videographer at content creator.
May 278K followers siya sa Instagram at 32K followers sa Facebook.
Read: SUCCESS STORY: Batang magbubukid Amado Panes now a teacher
