Ang estudyanteng si Nico Anthony Tejano mula sa University of Cebu ang Top 1 sa February 2015 Mechanical Engineering Licensure Exam.
Ang 23 anyos na estudyante ay nakakuha ng 93.50% average sa board exam.
Bilang incentive, pinapili siya ng kanyang university kung PHP500,000 o brand-new car ang gusto niya.
Cash ang pinili ni Nico.
Nasa Top 10 spot din ng board exam si John Rey Fabre, isa ring graduate ng unibersidad. Nakakuha siya ng 88.90% average.
Pinagkalooban naman siya ng PHP50,000.
Ginanap ang pag-a-award ng incentives kina Nico at John Rey kasama ang university officers sa University of Cebu nitong February 26, 2025.
WHY NICO CHOSE CASH OVER CAR
Ipinaliwanag ni Nico kung bakit mas pinili niya ang cash kesa sa kotse.
Sa panayam ng DYLA Cebu Newsbreak, isang Cebu local radio station, sinabi ng topnotcher na mas mapapakinabangan ng kanyang pamilya ang pera.
Hindi naman siya marunong magmaneho at wala siyang driver’s license.
Tinanong siya kung hindi ba siya naiinggit sa mga kabataang tulad niya na mas hangad ang magkaroon ng sasakyan.
Ang sagot ng newly-licensed mechanical engineer, hindi siya materialistic.
Hindi rin daw siya mainggit sa mga bagay na meron ang iba, at lalong hindi siya maluho.
Sa katunayan nga raw, nitong pandemic lang siya nagkaroon ng cellphone dahil naging necessity ito sa school.
Wala rin daw siyang kahit anong bisyo.
Biniro ang binata na magiging masuwerte ang babaeng kanyang makakatuluyan dahil sa pagiging responsable niya.
Read: Meet Isabella Martinez: Civil engineering board topnotcher
NICO ON BEING TOPNOTCHER
Si Nico ay tubong Tuyan, Naga City, Cebu.
Sa ulat ng Cebu Daily News, binanggit na hilig talaga ni Nico ang math.
Madalas din siyang sumali sa mga extra-curricular activities sa school, tulad ng mga academic quiz contests at robotic competitions.
Naging malaking factor ang training niya sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) ng Naga National High School.
Malaking tulong din sa kanyang pag-aaral ang mga scholarships.
Naging inspirasyon naman sa kanya ang dalawang nakatatandang kapatid na babae na parehong scholars at nagtapos ng may karangalan.
Graduate si Nico, magna cum laude, sa kursong Bachelor of Science in Mechanical Engineering sa University of Cebu-Main Campus.
At noong panahong nagre-review siya, hindi raw naging madali ang kanyang pinagdaanan.
Nagkaroon daw ng mga pagkakataong pinagdudahan ang sarili. Ginawa na lang daw niya ang kanyang makakaya at ipinagpasa-Diyos na lang ang lahat.
Matapos ang tatlong araw na pagkuha ng examination, ikinagulat daw ni Nico na Top 1 siya.
Hindi raw niya ito inasahan.
Ang payo niya sa mga kukuha ng board exam, maging focused at committed.
Ang sabi oa niya sa Cebu Daily News, “Most importantly, always ask God for guidance, strength, and wisdom to keep you going."
