Itinanghal bilang second placers ang team ng Filipino engineering students sa isang prestigious global competition.
Ipinagbunyi ng Batangas State University (BatStateU) ang makasaysayang tagumpay ng Team ECO BEADa, na binubuo ng kanilang Bachelor of Science in Chemical Engineering students, sa ginanap na World Engineering Day (WED) Hackathon 2025 noong March 4, 2025 sa Paris, France.
Ang WED Hackathon ay isang annual global event kunsaan ang engineering students sa iba't ibang bahagi ng mundo ay nagde-develop ng innovative solutions for sustainable development na tinututukan ang real-world challenges.
Pinangasiwaan ito ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) at ng World Federation of Engineering Organizations (WFEO).
Ibinahagi ito ng BatStateU sa official website nito matapos maideklara ang mga nagwagi sa competition.

Sa pangunguna ng mentor na si Associate Professor Rhonalyn V. Maulion, ang mga miyembro ng Team ECO BEADa ay kinabibilangan nina Trixie Mae V. Parañaque, Abraham F. Quintia Jr., Krishna Laida L. Sadsad, at Charisse May V. Castillo.
Tinalo nila ang mahigit 3,000 participants mula sa 90 bansa.
Nakuha ng team ang global recognition para sa kanilang groundbreaking solution kung paano matutugunan ang lumalalang environmental and agricultural challenges sa Pilipinas.
Read: Meet Paolo Villas: Average student, Top 4 in board exam
FILIPINO ENGINEERING STUDENTS’ INNOVATIVE SOLUTION TO aid LOCAL FARMERS
Ang ECO BEADa project ay sinuportahan ng Center for Innovation in Engineering Education (CIEE) ng BatStateU.
Nakatuon ang atensyon nito sa malalang krisis na kinakaharap ng mga magsasakang Pilipino na dulot ng kontaminasyon ng tubig mula sa untreated wastewater.
Nag-introduce ang team ng innovative solution gamit ang phosphate-absorbing beads na yari mula sa eelgrass biochar and kaolinite clay — mga natural at saganang materyales na nagpu-purify ng wastewater.
Ikino-convert din nito ang harmful phosphates upang maging eco-friendly fertilizers.
Layunin ng nabuong chemical solution na ito na mapasigla ang lupa, mapaganda ang agricultural sustainability, at maprotektahan ang kapaligiran.
Makatutulong din ito sa mga magsasaka para malabanan ang water contamination at pagkasira ng lupa, at mabawasan ang epekto ng climate change.
Read: Meet Aben Ortega: from OFW to muscovado sugar business owner
FILIPINO ENGINEERING STUDENTS’ PROJECT IS COST-EFFECTIVE, scalable
Hindi lang tinutugunan ng ECO BEADa project ang mga hamong pang-agrikultura.
Nagpapalaganap din ito ng long-term sustainability.
Nakadisenyo ang chemical solution ng team para maging cost-effective and scalable.
Naghahain ito ng affordable, community-driven approach para mapaganda ang water quality and soil fertility sa mga komunidad na pagsasaka ang pinagkukunan ng ikabubuhay.
Ang total treatment cost ay nagkakahalaga lang ng PHP750 sa kada 25 kilos ng biochar fertilizer.
Mas mababa ito kumpara sa synthetic fertilizer na karaniwang nabibili ng hanggang PHP1,730 ang isang sako.
Ayon kay University President Dr. Tirso A. Ronquillo: “Our success at the WED Hackathon 2025 is a proud moment for BatStateU and for the Philippines.
“Team ECO BEADa has shown that through ingenuity and tenacity of Filipino engineers, we can help solve real-world problems and bring lasting positive change to communities, not just in the country but also across the globe.”
Ang BatStateU ang itinuturing na "Philippines’ National Engineering University."
Bilang pagkilala sa outstanding achievement ng Team ECO BEADa, pinagkalooban ito ng premiyong €2,000 o PHP123,968.
Nakuha naman ng ManufacturingBox mula sa University of Twente, Netherlands ang first place.
Nasa ikatlong puwesto ang Team Torpedo mula sa University of Hertfordshire/PSB Academy ng United Kingdom.
Read: Meet Isabella Martinez: Civil engineering board topnotcher
