Humahatak ngayon ng atensiyon ang nine-year-old tattoo artist na si Napat Mitmakorn, na mas kilala sa kanyang nickname na King.
Isa siya sa mahigit 200 artists na kalahok sa Tattoo Expo na ginanap nitong March 15-16, 2025, sa Thailand.

Nakuhanan ng international media si King habang naglalagay ng fanged serpent tattoo sa upper thigh ng kanyang uncle.
Gamit ang mabigat na tattoo gun na halos hindi mahawakan ng maliliit niyang mga daliri, buong husay na tinapos ni King ang skin art.

Sa panayam kay King matapos ang tattoo session, pangarap daw talaga niyang maging tattoo artist.
Dagdag pa ng bata, “I like art, so I like to tattoo.”
Plano rin niyang magbukas ng sariling shop.
At malamang ay dadagsain din yun gaya ng nangyari sa kanyang booth na pinuntahan ng maraming attendees para kuhaan siya ng video.
Read: Meet Sitti Sahid: Top 3 in respiratory therapists board exam
TATTOOING SKILL RUNS IN THE FAMILY
Ang ama ni King na si Nattawut Sangtong—mas kilala bilang Knight—ang nag-introduce ng skin art sa anak.
Pagbabahagi ni Knight: "I just wanted to keep him away from his phone. He was addicted to gaming and had a short attention span."
Ang 38-year-old dad ay isang amateur tattooist na natuto sa pamamagitan ng mga TikTok tutorials.
Nag-practice muna siya kung paano gumawa ng patterns gamit ang papel.
Nag-ensayo naman siya kung paano maglagay ng ink sa artificial leather.
Nung confident na siya sa skill, saka siya nagsimulang maglagay ng tattoo sa mismong balat ng tao.
Ayon kay Knight, mabilis siyang natuto dahil may likas na talent siya sa art.
Nagtatrabaho siya sa isang block-printing factory.
Read: Tiny hotels built to save solitary bees!
KING’S FATHER RECOGNIZES HIS TALENT
Nakikita ni King ang ginagawa ng ama kaya't nagkaroon siya ng interes at nanood din ng mga TikTok tutorials.
Di nagtagal, napansin ni Knight ang potential ng anak at siya na mismo ang nagturo.
May two-hour session sila sa loob ng tatlong araw kada linggo.
Ang mag-ama ay nagbuo rin ng TikTok channel, ang The Tattoo Artist with Milk Teeth.
Nagla-livestream ang mag-ama ng kanilang tattoo sessions, na pinapanood ng libu-libong viewers.
Read: Meet Paolo Villas: Average student, Top 4 in board exam
KING IS NOT YET ALLOWED TO ACCEPT TATTOO CUSTOMERS
Ang session ni King sa Thailand Tattoo Expo ang kanyang public debut.
Pero second tattoo iyon ni King para sa kanyang uncle, na nagkuwentong mula sa Hindu at Thai folklore ang fanged serpet at posibleng abutin ng eight hours bago makumpletong lagyan ng ink.
Malaki naman ang tiwala kay King ng kanyang uncle.
Sa ngayon, mga kaibigan at kapamilya muna ang puwedeng maging customer ng bata.
Paliwanag ni Knight, kung tatanggap na kasi si King ng public clients, kailangang sumailalim ito sa mahigpit na hygiene training.
Mas gusto rin niyang maging prayoridad ng anak ang kanyang edukasyon.
Read: Aben Ortega's journey: from OFW to muscovado sugar business owner
