PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Sara Samaniego: The basurera influencer in Colombia

She’s an agent of change
by KC Cordero
Published Mar 21, 2025
Photo of Sara Samaniego
Para kay Sara Samaniego, napakaraming influencers pagdating sa music, dance, cooking and sports. Pero wala aniyang masyadong influencer na tulad niya na ang tinatalakay ay kung paano sasagipin ang kapaligiran. (Photo: @marcelarecicladora on IG)

Isang influencer si Sara Samaniego, 32, sa Colombia.

Araw-araw, bago siya umalis ng kanyang bahay ay sinasalapid (braid) muna niya ang kanyang mahaba at diretsong buhok.

Titingnan din niya kung maayos na ang kanyang makeup.

Sara Samaniego with sacks of waste
Ang content ng social media influencer na si Sara Samaniego ay kung paano mase-save ang kapaligiran mula sa tambak ng mga basura. Photo: @marcelarecicladora on IG
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos, ilalagay niya ang kanyang smartphone sa gitna ng kanyang ring light—at saka ngingiti nang matamis sa camera.

Babati siya sa kanyang followers—saka niya sisimulan ang paggawa ng content.

Hindi karaniwan ang content sa social media ni Sara. Mayroon siyang misyon.

Tinuturuan niya ang mahigit kalahating milyon niyang followers kung paano mag-recycle ng mga basura.

Read: Meet Pavel Stepchenko: Pensioner at age 23

SARA SAMANIEGO, POPULAR IN HER COUNTRY AS “THE RECYCLER”

Kilala si Sara sa Colombia sa kanyang social media alter ego na si "Marce, la recicladora” o Marce, the recycler.

Kapag isinasagawa na niya ang kanyang misyon, nakasuot siya ng kulay asul na overalls at baseball cap.

Sara Samaniego showing the waste she picks
Si Sara ang poster girl ng mga waste pickers sa buong mundo. Mahalaga ang kanilang papel lalo sa mga bansang malakas mag-produce ng mga basura araw-araw. Photo: @marcelarecicladora on IG
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinuturing siyang unofficial spokeswoman para sa 74,000 katao na naghahalungkat ng mga basura sa Colombia araw-araw.

Ang mga lungsod sa Colombia ay walang public recycling systems.

Umaasa ang mga lungsod na ito sa mga gaya ni Sara, na informal waste pickers, para matanggal ang iba’t ibang kalat sa mga basurahan gaya ng cardboard, glass, plastic, at iba pang reusable materials na maaari pang mapakinabangan.

Read: Renair Palabasan: 10 years in college, Top 10 in board exam

THE IMPORTANT ROLE OF WASTE RECYCLERS

Sa buong mundo, tinatayang nasa 20-34 milyon ang mga tulad ni Sara na recyclers.

Napakahalaga ng kanilang papel para maprotektahan ang kapaligiran—bagaman at ito’y mapanganib.

Higit sa lahat, magkano lang ba ang kanilang kinikita?

Ang mga waste pickers ay karaniwang makikitang may tulak-tulak na kariton na puno ng mga kalandrakas.

Pero hindi lang basta namumulot ng basura si Sara.

Pinalalakas niya ang visibility ng waste pickers.

Itinatampok niya sa kanyang YouTube channel at Instagram account ang mga waste pickers na ito para makilala rin sa kani-kanilang bansa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hinihikayat niya ang mga tao na maunawaan kung ano ang papel ng mga recyclers—mula sa pamumulot ng mga recyclable materials at kung paano nila ito ibinebenta.

Read: Kathleen Jane Latimban: no Latin honor, Top 8 in board exam

WHO IS SARA SAMANIEGO?

Ipinanganak si Sara sa Bogota. Nagkaroon siya ng passion sa kalikasan noong bata pa siya at nagbabakasyon sa rural areas.

Habang nasa kolehiyo at nag-aaral ng communications, gumawa siya ng documentary tungkol sa recycling.

Noon na rin siya nagdesisyong maging isang environmental influencer.

Nang ilunsad ni Sara ang kanyang YouTube channel anim na taon na ang nakalilipas, sinabi niyang napakaraming videos tungkol sa music, dance, cooking and sports.

Aniya, “But the environment was rarely discussed."

Sara Samaniego with old people
Mula nang sumikat sa social media, laging nakatatawag ng atensyon ng publiko si Sara. Photo: @marcelarecicladora on IG
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging patok ang kanyang contents kung saan hinahaluan niya ng humor ang mga seryosong paksa tungkol sa kalikasan at kapaligiran.

Araw-araw siyang nagpo-post ng content, kaya lalo siyang nakilala.

Madalas siyang mahilingan ng selfie ng mga nakakasalubong niya sa kalye.

Naging special guest na rin siya sa isang reality TV show sa Colombia.

Lagi rin siyang naiimbitahan para maging guest speaker sa mga eskuwelahan at events.

Para kay Sara, marami siyang natutunan sa mga informal recyclers.

Ang mga ito ang itinuturing niyang teachers kung bakit siya naging effective na influencer.

Bilang ganti, madalas siyang may fundraising campaigns sa social media, at ang kinikita ay ginagamit niya para may pambili ang mga ito ng safety gloves at face masks.

Itini-treat din niya ang mga ito para makapag-relax sa tabing dagat.

Ani Sara, "I am fulfilling my goal of being an agent of change in the country."

Read: Rhona Mae Quijano's journey: from OFW to banana chips business owner at 30

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RECYCLERS GET RECOGNIZED; THANKS TO SARA SAMANIEGO

Ang Bogota, Colombia ay may mahigit walong milyong residente.

Kada araw, nakalilikha ang mga ito ng mahigit 9,000 tonelada ng basura, batay sa ulat ng Greenpeace noong 2023.

Ang 17 percent ng mga basurang ito ay nare-recycle.

Isa sa naitampok ni Sara sa kanyang content ang recycler na si Mary Luz Torres, 50.

A waste picker in Colombia
Ang larawan ni Mary Luz Torres. Dahil kay Sara, nagkaroon ng awareness ang mga tao sa buong mundo sa kontribusyon ng mga waste pickers para mapangalagaan ang kapaligiran. Photo: Screenshot at TUKO
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawang oras nagbibiyahe si Mary mula sa southern part ng Bogoto papuntang northern part tulak-tulak ang kanyang kariton para maghalungkat ng mga basura.

May suot siyang fluorescent vest bilang proteksyon sa mga humahagibis na sasakyan sa kanyang dinaraanan.

Ang kariton ni Maria ay may pintura ng kanyang pangalan bilang tanda na pagmamay-ari niya iyon—at ang mga kalakal na kanyang nahalungkat.

Aniya, kailangan niyang gawin ang paghahalungkat ng basura para may magagastos ang kanyang pamilya sa araw-araw.

Read: Life story of Perlita Ballacillo: security guard turned business owner

Ang 55 anyos namang si Pedro Talero ay araw-araw ring naghahalungkat ng basura.

Pinaghihiwa-hiwalay niya ang mga iyon pagsapit ng gabi sa ilalim ng isang tulay.

Kapag magaganda ang nahahalungkat niya, kumikita si Pedro ng hanggang PHP1,150 sa isang araw.

Mahigit doble ito ng minimum wage sa kanyang bansa na PHP646.47.

Ayon kay Pedro, mababa ang tingin ng mga tao sa mga tulad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero masaya umano siya dahil kay Sara ay nare-recognize ang kanilang papel at serbisyo sa mundo.

Last year, kinilala ni Colombian President Gustavo Petro ang ginagawa ng mga waste pickers.

Binigyan niya ang mga ito ng monopolyo na maipagpatuloy ang kanilang ginagawa para sa susunod pang 15 taon.

Pahayag ni Petro: "If traditional informal recyclers are compensated, we lift many people out of poverty.”

Naililigtas din aniya ang mga bata sa child labor, at nabibigyan ang mga kababaihan ng dignidad.

Read: Meet Sitti Sahid: Top 3 in respiratory therapists board exam

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para kay Sara Samaniego, napakaraming influencers pagdating sa music, dance, cooking and sports. Pero wala aniyang masyadong influencer na tulad niya na ang tinatalakay ay kung paano sasagipin ang kapaligiran. (Photo: @marcelarecicladora on IG)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results